Naroon nanaman siyang muli sa Student's Garden para magpahangin. Naupo siya sa paborito niyang pwesto at inilabas ang notebook at ballpen niya. Nag iisip siya ng maisusulat dito nang maramdaman niyang may nakamasid sa kanya. At nang inilingon niya ang kanyang ulo para tingnan ay hindi nga siya nagkamali.
Nasa likod kasi ulit ang lalaking nakita niya kahapon. Hindi na sana niya ito papansinin nang biglang sumagi sa isip niya iyong desisyon niya kagabi, na kilalanin niya ito at alamin kung ano ba ang sikreto ng binata.
Kinuha niya ang notebook at ballpen, bitbit ang bag, at nagtungo sa pinakadulong upuan. Hindi siya papatahimikin ng utak niya kapag hindi niya pa ito ginawa. Makikipag kaibigan siya sa lalaki.
"Hi, pwedeng maupo?" nakangiting sabi niya sa lalaki. Hindi ito sumagot at ni hindi rin siya tinapunan ng tingin.
"Sungit mo naman. Ako si Jessica, ikaw?" lalong napakunot ang noo nito ngunit nakayuko lamang ang lalaki. Umupo na siya kahit walang permiso galing sa binata.
"Pwede ba, miss? Hinihintay ko ang girlfriend ko, malamang magagalit yun kapag nakita ka niya dito." malumanay na sabi nito sa kanya.
May girlfriend na pala ang masungit na lalaking ito. Sayang naman. Teka, ano ba tong iniisip ko? Erase erase.
"Ganun ba? Naku pasensya na, kahapon pa kasi kita nakitang mag isa dyan e. Kaya nung nakita kita ulit naisip ko na baka gusto mo lang ng kasama." tumayo na siya at akmang babalik sa pwesto niya kanina nang biglang magsalita ang lalaki.
"Ryan." napalingon siyang muli sa lalaki. "Ryan Salcedo ang pangalan ko." ngumiti ito pagkatapos kaya naman nakita niya ang maputi at pantay pantay na ngipin ng binata. Animoy model ng toothpaste.
Isang tipid na ngiti at tango lamang ang isinagot niya pagkatapos ay pumunta nang muli sa pwesto niya kanina.
Pinilit na lang niyang ibaling sa pagsusulat ang atensyon. Paminsan minsan naman ay lilingon siya sa lalaki para tingnan kung nandon pa ito. Nakaupo pa rin ito at para bang nag aalala.
'Mukhang hindi na dadating ang girlfriend nito ah.' sabi niya sa isip. Labing limang minuto na ang at magbebell na kaya iniligpit na niya ang gamit at tahimik na naupo na lamang doon habang naghihintay.
Tulala na pala siya kaya hindi niya napansin ang pagdating ng kanyang mga kaibigan.
"Jessica, andyan ka lang pala!" si Chin habang tumatakbong palapit sa kanya.
"Makatakbo naman, parang ang tagal di nagkita." maarteng sabi ni Mara sabay irap.
"Bes, halfday raw ang klase! Hihihi, alam na this!" malakas na sabi ni Winslet na parang nakalunok ng megaphone.
"Hinaan mo nga yang boses mo! Nakakahiya naman sa lalaki sa likod!" mahina niyang sabi sa kaibigan na siyang nagpakunoot sa noo ng mga ito. Makikita sa mga mata nila ang pagtataka.
"Hoy, Jessica, aminin mo nga, nagshashabu ka ba?" malokong tanong ni Vangie habang nakangisi.
"Anong nagshashabu? E may lalaki na-man... tala-ga.. sa likod" putol putol na sabi niya at pahina ng pahina. Dahil pagkatalikod niya para sana ituro ang direksyon ng lalaki ay wala na ito doon.
"Tama na nga yan, tara na. Diba maggagala tayo dahil halfday lang ang klase?" pag iiba ng topic ni Greg. Na agad namang sinang ayunan ng lahat maliban kay Jessica na nagtataka pa din.
Habang nag m-movie marathon ang magkakaibigan sa bahay nila Winslet ay lumilipad naman ang utak ni Jessica. Hindi na niya naintindihan ang pinapanood. Nakaapat na movie rin sila bago nagkayayaang umuwi.
"Winslet, peram ako netong CD niyo ng First You Run ah. Isasauli ko na lang kapag natapos ko nang panoorin." sabi ni Greg habang inilalagay sa bag ang CD.
"Pa-CR muna ako Wins. Magreretouch lang ako." si Mara naman ang nagsalita.
Nasa labas na ang lahat at inaantay na lang si Mara.
"Jessica, ok ka lang ba? Parang wala ka yata sa mood ngayon?" napatingin siya sa nagsalitang si Wislet. Umiling na lamang siya. Mabuti na lang ay lumabas na si Mara, kaya hinatid nila ang mga ito sa sakayan.
Malapit lang kasi ang bahay ni Jessica kila Winslet. Sa pangalawang kanto lang mula sa bahay ng kababata.
Naglakad na ang mga ito ng mapatingin si Winslet kay Jessica. Tulala nanaman kasi ito at parang ang lalim ng iniisip. Marahan niya itong itinulak, na siyang nagpatalsik dito ng kaunti kaya napabaling sa kanya ang tingin nito habang nakasimangot.
"May bumabagabag sayo e, tell me, ano iyon?" parang nanay na sabi nito.
"Winslet, iyong lalaki sa Student's Garden, totoo siya! Nakita ko siya, nakausap ko pa nga. Nagpakilala pa nga siya sakin bilang Ryan Salcedo! Hindi ako nag shashabu o kung ano man, totoo iyong nakita ko." mahinang sabi ni Jessica ngunit may diin.
"Oo, naniniwala naman ako. Kumalma ka nga. Malay mo naman umalis siya ng di mo napapansin kasi nasa amin ang atensyon mo noon?" doon lang siya napaisip kaya napakalma na din niya ang isipan niya.
Ilang minuto ng paglalakad at nakarating rin sila sa bahay nila Jessica. Ngumiti siya sa kaibigan at kumaway bago nagsabi ng 'mag ingat ka'.
Nakahiga na siya ngayon sa kanyang kwarto. At kahit anong pigil ay hindi pa rin siya nilulubayan ng pag iisip. Hanggang sa muli ay magdilim ang paningin niya.
BINABASA MO ANG
Unsolved Case
Mystery / ThrillerIsa lang naman akong normal na estudyante. Hindi ko alam na dahil sa aking kuryosidad ay muling mabubuksan ang isang kaso na matagal na atang kinalimutan ng batas.