Five

2 1 0
                                    

Mabilis siyang tumakbo palayo sa lalaking humahabol sa kanya. Hindi na niya nagagawang indahin ang sakit mula sa nakayapak niyang isang paa dahil nahubad ito kanina sa pagtakas sa hayop na lalaki. Iika ika siyang tumakbo at hindi alintana ang mga sangang tumatama sa kanya. Walang lingon likod siyang nagtago sa likuran ng abandonadong building.

"Alam kong nandyan ka, hahaha! Lumabas ka na dyan, sige na. Tutal naman masasayahan ka rin naman sa gagawin ko sayo, sa gagawin natin." madilim ngunit nakikita niya ang anino ng lalaking marahang naglalakad palapit.

Impit siyang lumuha at maingat upang hindi makagawa ng ingay. Tinakpan niya pa ang bibig ng makitang palapit ito sa direksyon niya.

"Alam mo bang matagal na kong may pagnanasa sayo? Ang ganda mo, ang puti, ang kinis, nakakaakit ka!" palapit ng palapit sa direksyon niya ang lalaki. Sobrang kaba at malakas na pagtibok ng puso ang tanging nararamdaman niya.

"Heto't ngayon, ikaw pa ang kusang lumapit. Isa kang masarap na putahe at kating kati na kong tikman ka." mariin siyang pumikit nang makitang malapit nang makalapit ito sa kanya. Wala siyang ibang magawa kundi ang tahimik na umiyak kasabay ng walang humpay na pagdadasal.

Tumahimik ang paligid. Nawala ang tunog ng mahihinang yabag. Dahan dahan niyang binuksan ang mga mata. Akma siyang tatayo nang maramdaman ang hininga sa gilid niya. Dahan dahan niya itong nilingon. Sumambulat sa mukha niya ang ngiting ngiting mukha ng demonyong lalaki.

"Ms. Laurel, why are you sleeping during my class hour?" nanlalabo pa ang mga matang tumingin siya sa guro. Nakatulog pala siya sa klase nito ng hindi niya namamalayan. At iyong panaginip niya, kakaiba. Nakakatakot.

"S-sorry Ma'am." hindi niya alam ang sasabihin dito, dahil sa magkahalong antok at pagkapahiya.

"Masama po kasi ang pakiramdam niya, Ma'am. Siguro po ihahatid ko na lang siya sa clinic." pagsalo sa kanya ng kaibigang si Winslet.

"Mukha ngang hindi maganda ang pakiramdam mo. Sana sinabi mo kaagad o di kaya nama'y nagpahinga ka muna sa inyo." sa huli'y nakuha naman nila ang pagpayag nito at dali dali naman sila sa paglabas at baka magbago pa ang isip ng guro. May pag aalala naman sa mga mata ng mga kaibigang sinundan lamang sila ng tingin.

*****OoO*****

"Anyare sayo, bakla?" nagtatakang turan ni Winslet sa kanya.

"Puyat lang. Alas tres kasi ako ng madaling araw nagising kanina. Kaya baka nakatulog ako sa lecture ni Ms. Primera." walang ganang saad ni Jessica sa kaibigan. Nagkibit balikat lamang ito at hindi na muling nagsalita.

"Wins."

"Oh?"

"Ang panaginip ba, p-pwedeng magkatotoo?" nag aalangang tanong niya. Napahinto naman sa ginagawa si Winslet at napasulyap sa kanya.

"Ang panaginip ay panaginip lang, walang meaning ang mga iyan. Yan ang napapala mo sa sobrang pag iisip e. Noong isang linggo ka pang tulala, at malalim ang iniisip. Dapat iyon ang bawasan mo!" parang nanay nanaman na asik sa kanya ng kaibigan.

"Pero.. pero kasi iyong panaginip ko kaninang umaga at kanina, parang totoong totoo." pagpupumilit niya.

"Alam mo, Jessica, magkaiba ang panaginip sa realidad. Magpahinga ka na dyan. Babalik na rin ako doon at baka mapagalitan ako ni Ms. Primera. After last period, pupuntahan ka namin dyan. Ok?" sabi nito at tumalikod na at humakbang paalis.

Tumagilid siya ng higa at sa pagkakataong iyon ay kita na niya ng bahagya ang labas. Nasa bandang dulo kasi siya at nakalimutan sigurong isara ni Winslet ang pintuan kaya kitang kita niya at kitang kita siya ng mga taong nagdaraan mula roon.

Ilang minuto ang lumipas at sinubukan niyang matulog, pero hindi na niya magawa. Kaya napagdesisyunan na lang niyang idilat ang mga mata at gising na hintayin ang uwian para sabay na umuwi kasama ang mga kaibigan. Nang hindi sinasadyang makita niyang dumaan si Ryan at parang nagmamadali.

"Teka, si Ryan ba yun?" bumangon siya at lumabas ng pinto para sundan ng tingin ang nagmamadaling lalaki. Isang hakbang, dalawa, tatlo, hanggang sa hindi na niya namamalayan na nakasunod na pala siya dito.

Malalaking hakbang ang ginawa niya para masundan ang may katangkarang lalaki. Lumiko ito patungong gymnasium, kung saan kakarampot ang tao dahil oras pa ng klase. Hindi niya alam kung bakit niya sinusundan ito, basta parang bigla na lang siyang hinigit ng isang malakas na pwersa at pinilit siyang sundan ang binata.

Pumasok ito sa isang pinto. Ang Dean's Office. Malamang ipinatawag ito ni Ms. Vargas. Hindi na siya sumunod dahil hindi na siya pwede sa lugar na pinagpasukan nito. Hindi kasi pwedeng pumasok doon ng walang permiso. Hindi katulad ni Ryan na pwedeng maglabas masok doon dahil kamag anak siya ng Dean.

"Jessica!" napalingon siya sa tumawag sa kanya at doon nakita niya si Greg na tumatakbo patungo sa kanya. Takang tumingin na siya dito.

"Andyan ka lang pala, akala namin e nawala ka na! Kanina ka pa nila hinahanap, ano bang ginagawa mo dyan?" hinihingal na sabi ng kaibigan. Umiling lamang siya bilang pagsagot. At nang yayain siya nitong muling bumalik ng clinic ay tahimik naman siyang sumang ayon at sumunod sa kaibigan.

"Ah, Jessica. Bukas nga pala ay pupunta tayo kila Ms Vargas. Nagpapatulong kasi siya ulit sa mga papers at ilang gawain para sa nalalapit na events next week." pagbasag nito sa katahimikan.

"Kila Ms. Vargas? Kasama ako? Bakit daw?" gulat na tanong niya.

"Oo, diba nga't ikaw muna ang papalit kay Joyce? At nasabi ko na ang dahilan, nakikinig ka ba?" kakamot kamot sa ulong sabi ni Greg.

Nakarating sila sa mga kaibigan, at katulad ng dati ay sinalubong siya ng maingay na pagbati mula sa mga ito. Pero wala sa kanila ang isip niya. Pupunta siya kila Ms. Vargas? Pagkakataon na niya.

Unsolved CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon