Nine

1 1 0
                                    

Madaling araw na ngunit hindi pa rin tinatamaan ng antok si Jessica. Nakahiga lamang siya at nakatulala sa kisame habang nag-iisip. Hindi rin siya mapakali sa kanyang pagkakahiga.

Iniisip niya kung paano ba siya nalagay sa ganoong sitwasyon. Gusto naman niyang tumulong, dahil naaawa rin siya kay Ryan at sa kasintahan nito. Pero sa kabilang banda ay natatakot rin siya sa kung anong mga maaaring mangyari.

Naalala niya naman bigla yung kwintas na binigay sa kanya ni Ryan kanina. Kinuha niya ito sa ilalim ng unan niya at saglit na umupo upang buksan ang lamp shade.

Muli siyang humiga at inangat ang kwintas. Pinakatitigan niya ito. Kulay silver ito na may nakalagay na RJS na pendant. Ang ganda pala nito, halatang pang mayaman. Napaisip tuloy siya kung magkano kaya ang halaga nito kapag sakaling isanla niya.

Bigla namang lumitaw sa isip niya ang itsura ni Ryan. Napaka-amo ng mukha nito, mukhang mabait kahit mayroong masungit na aura. Tapos napalitan naman ng mukha ni Sarah na nakangiti. Napakaganda niya talaga. Tapos biglang nag flash ang mga mukha nila pareho na duguan at umiiyak. Nagmamakaawa sila at humihingi ng tulong. Mariing ipinikit ni Jessica ang kanyang mga mata.

Mukhang panibagong bangungot nanaman ito ah!

*****OoO*****

Pumasok si Jessica sa school na sobrang sakit ng mga mata dahil sa puyat! Hindi lang naman siya pinatulog ng dalawa kagabi! Hays!! At oo, nakuha nila ang pagpayag ng dalaga!

Kaya nga heto siya at binabagtas ang daan papunta sa Dean's Office para puntahan si Ms. Vargas. Nag-iisip pa ito ng mga sasabihin rito ngunit wala namang pumapasok sa isipan niya. Marahil siguro ang nais iparating ng sitwasyon ay kailangan lamang niya sabihin ang totoo sa Tita ng binata. At base sa natatandaan niya sa mga sinabi ni Ryan ay ang kailangan niya lamang gawin ay ipakita lamang rito ang kwintas niya at kahit wala na siyang sabihin ay maiintindihan na siya nito.

Sa hindi malamang kaba ay ipinasok niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa. Hinawakan niya ng mariin ang kwintas. Ngunit sa tila lalim ng kanyang iniisip ay hindi niya nakita ang lalaki na nakabanggaan niya. Naumid ang dila niya at hindi agad nakahingi ng tawad ng makita kung sino ang lalaki.

Si Philip, ang nobyo ni Jane at Tito ni Ryan. Ang pumatay sa kanya.

Nabigla siya at hindi agad nakapag react. Nakita niya ang pag ngisi ni Philip pero agad rin naman iyong nawala. Agad siyang umiwas ng tingin dito. Hindi niya kayang tagalan ang tingin nito pagkat alam niya na ang katotohanan na isa itong mamamatay tao.

"Pasensya na magandang binibini. Nagkita na ba tayo?" muli namang umangat ang tingin niya rito ng magsimula itong magsalita. Nakangiti ito sa kanya, ngiti ng pagnanasa.

Nailang siya at hindi mahanap ang mga tamang salita na isasagot niya sa lalaki. Gusto na niyang umalis. Sa paraan ng pagtingin nito ay tila mayroong hindi magandang gagawin ito sa kanya.

"Ah..ah..eh..uhmm.. ako po iyong tumulong po kay Ms. Vargas sa mga events papers po niya noong nakaraan po." napayuko si Jessica matapos niyang sabihin iyon. Hindi na niya kasi matagalan ang tingin nito sa kanya. At kung hindi nga lang siguro nito mamasamain ay gusto niya itong iwanan dito. Gusto na niyang umalis.

"Ahh.. ok. Natatandaan ko na. What's your name again?" nakangiti ito sa kanya. Pero mayroong hindi malamang kaba sa puso niya ang nangibabaw.

"Jessica po. Mauna na po ako, Sir. Sorry po ulit." sagot niya sana para matapos na agad ang usapan.

"You're heading to Dean's Office, aren't you? Saktong sakto, Jessica dahil doon rin ang punta ko. Bakit kaya hindi na lang tayo sabay na pumunta roon?" kilabot ang nag iisang naramdaman niya sa lalaki ng marinig ang mga salitang ito mula doon. Sa mga salita nito at tono ay wari niya ay may alam na siya. Na alam na nito ang lahat ng mga hakbang na pinaplano niya pa lamang na gawin. Gusto niyang humindi, gusto niyang tumakbo ngunit tila napako ang kanyang mga paa at umatras ang kanya dila.

Ang sunod na nangyari ay hindi na niya namalayan pa. Sabay na silang naglalakad ng lalaki. Ni ayaw niya itong lingunin. Ano na lang ang sasabihin niya oras na makatapak ang kanyang mga paa sa lugar kung nasaan ang kanyang pakay kasama ng demonyong katabi niya?

Gusto niyang tawagin si Ryan, gusto niyang tawagin ang lahat ng santo na kilala niya upang tulungan siya. Pagkat ayaw pa niyang mamatay. Ngunit alam niya sa sarili na wala siyang aasahan kundi ang sarili lamang niya.

Tahimik lamang siyang naglalakad kasabay si Philip. Nagiging maingat siya sa lahat ng kanyang ikinikilos at sasabihin. Ilang minuto lang ay nasa harapan na sila ng office. Gusto niya pa sana mag back out. Ngunit alam niyang hindi na niya iyon magagawa pa, sapagkat nabuksan na ng lalaki ang pinto.

Nakita niya ang gulat sa mga mata ni Ms. Vargas ngunit nawala rin naman ito pagkuwan. Tumingin muna siya sa nobyo pagkatapos ay kay Jessica. Tila nanigas si Jessica sa kanyang kinatatayuan. Pagkat alam niya na hindi niya alam ang kanyang sasabihin.

"Oh, ikaw pala Jessica. Si Greg ba ang pakay mo? Kung siya nga ay wala siya rito. Inutusan ko lang naman siya na pumunta sandali kay Mr. Manalanta." magalang na sabi ni Ms. Vargas. Walang halo ng pagtataka ang boses nito. Tila naman nagkaroon siya ng pag asa sapagkat nagkaroon siya ng maliit na dahilan para makaalis sa lugar na ito.

"Ay ganon po ba? S-sige po, mauna na lang po muna ako. Salamat po." magalang niyang sabi sa Dean. Pero bago pa man siya makatalikod ay nagsalita itong muli.

"Kung gusto mo naman ay maari mo na lamang siyang hintayin dyan. Maupo ka muna sa waiting's area. Sigurado ako na pabalik na si Greg." at sa hindi malamang dahilan ay hindi siya tumanggi. Bagkus ay tumango na lamang siya at ngumiti dito pagkatapos ay naupo na lang.

Inilabas niya muna ang kanyang cellphone at kunwaring nag titipa rito. Mahina ang boses ng dalawa na nag-uusap.

Hanggang sa marinig niya na lamang na magpaalam si Philip na bibili lamang ito sandali ng kanilang makakain.

Lumakas ang pintig ng puso ni Jessica sa narinig. Ang saya niya ay tila walang paglagyan. Mas tinuon niya pa ang atensyon sa kanyang cellphone nang makita niyang tumayo ang lalaki. Tinapunan pa muna siya nito ng tingin bago ito tuluyang lumabas. Ngunit nagpanggap na lamang siya na hindi niya ito napansin.

Pagkalabas na pagkalabas nito ng pinto ay agad naman siyang lumapit kay Ms. Vargas. Rumehistro ang takot sa kanyang mga mata at agad siyang nakaramdam ng pangamba dahil sa pagkakataong ito, wala ng atrasan pa.

Inilabas niya sa kanyang bulsa ang kwintas ni Ryan. Pero bago niya ito ipakita ay nagsalita muna siya.

"Miss, h-hindi ko po a-alam kung paano ko po ito sasabihin sa inyo. K-kung saan magsisimula. Pero po kasi.." itinaas ni Jessica ang kwintas at tuluyan na itong nakita ni Jane. Agad na naglandas ang mga luha nito. Kinuha niya sa kamay ni Jessica ang kwintas at niyakap ito.

"Miss, nagpakita po sa akin si Ryan. Maniwala po kayo. Ibinigay niya po sa akin ang kwintas na iyan at sinabi niya po na ipakita ko daw po sa inyo para po maniwala kayo sa sasabihin ko." tila gusto na atang lumabas ng kanyang puso sa tindi ng kaba na kanyang nararamdaman. Nakatitig lamang sa kanya si Jane na para bang nag aantay sa iba pa nitong sasabihin. Kaya nag tuloy siya.

"Miss, si Sir Philip po kasi.. siya po ang pumatay kila Ryan at Sarah. Please po, maniwala po kayo sa akin. Nagsasabi po ako ng totoo. Magsumbong po tayo sa pulis. Bigyan po natin ng hustisya ang nangyari sa kanila." halos mag makaawa na siya rito para lamang marinig niya ang gusto nitong sabihin sa kanya.

"S-sige. Ang Philip na iyon! Hayop siya! Huhuhu ang pamangkin ko... Ryan.." lumuluha niyang sabi.

"Miss, kumalma na po kayo. Hindi po niya maaring malaman na alam na po ninyo ang lahat. Tumawag na po tayo agad ng pulis. Habang tumatagal ay mas nangangamba pa ho ako sa mga maaari niya pang magawa." mahaba niyang sabi kay Jane na kasalukuyan nang pinupunasan ang luha nito.

Matapos niyon ay narinig na lamang nila ang pagpihit ng door knob. Kapwa sila nanlamig sa kinauupuan nang makita kung sino ang nasa likod ng pinto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unsolved CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon