Eight

1 1 0
                                    

Kasalukuyan siyang nasa Student's Garden at inaantay na baka magpakita ulit si Ryan sa kanya. Kailangan niyang mapatunayan na nakita niya talaga ito at hindi siya nananaginip o nakadroga lang.

Teka, tama ba tong nakikita niya? Si Ryan, nakaupo sa likod kung saan niya ito palaging nakikita. Nakatingin rin ito sa kanya. Hindi na siya nag aksaya ng pagkakataon at oras, at nilapitan niya ito.

"R-ryan" utal na tawag niya dito. Tumingin ito sa kanya. Napakaamo ng mukha nito. Hindi ito sumagot na wari niya ay naghihintay lang ito ng susunod niyang sasabihin.

Pero wala. Hindi niya alam kung saan kukunin ang mga susunod na salita. Kaya tumayo na ang binata at akmang aalis.

"T-teka"

"Follow me." seryosong sabi nito habang nakatalikod. Naglalakad na ito na sinundan naman niya.

Isang kurap, naging madilim ang paligid. Ikalawang kurap, nawala ang binatang sinusundan niya.

Nandon nanaman siya sa isang abandonadong lugar. Yung lugar sa panaginip niya. "Teka, panaginip nanaman ba ito?" kinurot niya ang sarili para makasigurado. Pero hindi, nasa realidad siya. Totoo ang mga ito. Totoo ang lahat.

Nakita niya si Ryan, nakaupo sa isang sulok. May hawak itong cellphone at sige ang tipa doon pagkatapos ay ilalagay sa tenga. "The number you have dialed is either unattended please try your call later." Kitang kita ang pag aalala sa mukha nito.

"Sarah, please answer your damn phone!" sabi pa nito matapos mag dial ulit ngunit wala muling sumagot.

Ilang minuto pa, at may dumating na isang lalaki. Nakangisi ito sa kanya na para bang nang aasar.

"Wala na si Sarah, Jet. Hahaha! Wala talagang sasagot sa tawag mo. Hulaan mo kung sinong isusunod ko, ikaw!" tumayo si Ryan at akmang susuntukin ang Tito Philip niya. Pero agad naman itong nasalo ng lalaki.

"Gago ka! Asan siya?! Anong ginawa mo sa kanya?!" akmang susuntukin niyang muli si Philip pero naunahan siya nito ng suntok sa sikmura, sunod sa pisngi, sa ilong, at isang tuhod sa sikmura. Lupaypay na bumagsak sa sahig si Ryan.

"Diba ang sabi ko, wala na siya?! Bakit ba ang kulit mo?"

"Fuck you! Mapapatay kita, kapag may nangyaring hindi maganda kay Sarah!"

"Then do it! Because I already killed your girlfriend hahaha! Pero wag kang mag-alala, kasi nag enjoy naman siya bago ko siya pinatay." pagkatapos noon ay may kinuha itong isang baseball bat sa gilid at inihampas sa ulo ni Ryan na siyang tuluyang nagpawala ng ulirat dito.

Hila-hila niya ito sa paa patungo sa isang abandonadong lugar. Wala siyang pakealam kung masugatan ng mula sa bato ang biktima dahil papatayin niya rin naman niya ito kapag nagkamalay na. Basta na lamang niyang ibinagsak si Ryan nang makarating sa destinasyon. Saglit siyang nagtungo para buksan ang switch ng ilaw na siyang naglikha ng kakarampot na liwanag.

Umupo siya saglit at tinitigan ang pamangkin, alam niyang masama ang ginagawa niya ngunit sa tuwing maaalala niya ang dahilan kung bakit niya napag isipang gawin ito ay ginaganahan siya. Wala siyang pagsisisi sa ginawa niya sa girlfriend nito at ngayon naman ay sa kanya.

Napalingon naman siya sa isang direksyon kung saan may bumagsak na kung ano. Baka may tao at mahuli siya sa ilegal na ginagawa. Dahan dahan niyang nilapitan ito. Meow.

"Pusa lang pala. Gusto mo bang unahin na kitang pusa ka? Ha?" pagkatapos ay tumawa ito na parang demonyo. Bumalik na ito sa pinaglalagyan ng lalaki, at saglit na umupo. Pinakatitigan nito muli ang binata pagkatapos ay tumayo at kumuha ng sigarilyo sa bulsa. Sinindihan niya iyon at kinuha ang telepono, at lumabas.

"Hello? Jane, mauna ka nang umuwi. May tatapusin pa kasi ako. Don't worry babawi ako mamayang pagkauwi ko, ok? Ingat. I love you." at in-end call na niya. Si Jane Vargas, ang nag iisang kamag anak ni Ryan ay girlfriend niya. Tinawagan niya ito para hindi ito maghinala.

Pumasok na siyang muli, at narinig ang mahihinang impit na ungol.

"Hmmp! Ummm!" rinig niya mula sa kinatatayuan. Marahil gising na ang pamangkin.

"Sabi na nga ba gising ka na." umupo siyang muli sa silya.

"Alam mo, matagal na kong nagtitimping patayin ka! Hindi ko lang magawa dahil hirap akong makahanap ng tiyempo. Pero ngayon, heto na! Nasa harapan na kita at hindi ka na makakaalis dito ng buhay! Hahahaha!" sigaw ng isang lalaki kasabay ng nakakatakot na pagtawa nito.

Madilim ang paligid, at tanging liwanag lamang na nagmumula sa iisang ilaw na pagewang gewang ang nagbibigay liwanag sa kanila.

"Hmmpp! Hmmmp!" sabi ng isa pang lalaking pilit sumisigaw at nagwawala, ngunit nakabusal ang bibig at nakatali ang mga kamay at paa. Nakahiga ito sa sahig at may dugo sa noo.

"Ang yaman yaman mo! Nasayo na lahat, magandang girlfriend, maraming pera, magandang bahay, at may bwenas pang isang malaking school. Nakakainggit ka, alam mo ba yon?" tumayo siya sa kinauupuan at nilabas ang baril.

"Malapit ka nang mag 18, pero mukhang hindi ka na aabot hahaha! Mapupunta sakin ang lahat ng kayamanan niyo, at kayo, mamamatay kayo! Any last word, Jet?" kinasa muna nito ang baril bago tinanggal ang pagkakabusal dito.

"Magbabayad.Ka.Sa.Mga.Kahayupang.Ginawa.Mo!!!" may diin na sabi nito kahit na nanghihina.

"Ok!"

Bang! Bang! Bang!

Itinago niya lang ang bangkay nito kung saan niya itinago ang bangkay ng kasintahan. At pagkatapos ay mabilis na umalis sa lugar.

Isang kurap ay nakita niya ang sariling nakaupo na muli sa Student's Garden. Gulat man ay pinili niyang wag ipahalata ito sa kaharap. Si Ryan.

"Pinatay niya ko. Ni-rape niya ang girlfriend ko. Wala siyang awa. Demonyo siya. Para sa pera, nagawa niya kaming patayin! Tulungan mo ko. Ituturo ko sayo kung nasaan niya inilagay ang katawan namin." walang emosyong sabi nito.

"P-pero"

"Please. Ikaw na lang ang pag asa ko, ang pag asa namin." biglang lumitaw ang isang babae sa tabi nito. Nakaputi, mahaba ang buhok, maganda. Ito na siguro ang girlfriend niya.

"P-paano ko kayo matutulungan?"

"Ibigay mo ito kay Tita Jane." biglang lumitaw ang isang kwintas na silver na may nakalagay na RJS na maliit. "Kunin mo. Kapag nakita niya yan, malalaman niyang totoo ang sinasabi mo."

"Dito niya kami itinago." Itinuro niya ang ibaba ng pinag uupuan namin. Kung saan ko siya palaging nakikitang nakaupo. Kaya pala. "Ipahukay niyo ito, at sabihin mong si Tito Philip ang pumatay sa amin." bigla na lamang nawala sa paningin niya ang dalawa. At nakita ang mga kaibigan niyang nagtatatakbo palapit sa kanya. Mabilis niyang kinuha ang kwintas at isinilid sa bulsa niya.

Unsolved CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon