Four

3 1 0
                                    

"Saan naman kayo galing ni Greg?" tanong ni Vangie habang nanunuri ang mga mata.

Naglalakad na sila ngayon palabas ng school para umuwi. Para namang nasa hot seat ang dalawa habang sinasabon ng tanong ng mga kaibigan.

"Galing kaming office." tila pagod na wika ni Greg.

"Talaga lang ah." naniniguradong saan ni Chin.

Kapansin pansin naman ang pananahimik ni Jessica. Dala na rin marahil ng pagod. Kahit na naupo lang naman siya maghapon at pumirma ng sangkatutak na papel.

Nang makalabas ng gate ng school nila ay nagpaalam na sila ni Winslet sa mga kaibigan. Siniko naman siya ng kaibigan dahil kanina pa nito napapansin si Jessica.

"Hoy, ano nanamang drama yan? Noong isang araw ka pang ganyan ah." kunot noong saad ni Winslet sa tulalang si Jessica.

"Pagod lang to. Bilisan mo na lang maglakad ng makasakay na tayo at makauwi na." walang ganang saad ni Jessica sa kaibigan. Nang hindi inaasahang makita niya ang lalaking laman ng isipan niya maghapon. Nakatayo ito ulit at nakasandal sa pader habang nakayuko. Siguro ay hinihintay nanaman nito ang nobya.

Muli nanaman siyang nakaramdam ng paniniko ni Winslet kaya tiningnan niya ito ng masama.

"Kanina ka pa ah, nakakahalata na ko." inis na saad ni Jessica pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Ryan. Pero wala na ito doon kay nagpalinga linga siya.

"Nasaan na yun?" mahinang bulong niya sa sarili.

"Sino naman ang hinahanap mo, aber?" nakalapit na pala ang mukha ng kaibigan sa kanya kaya narinig nito ang bulong niya.

"Wala. Tara na nga."

Hindi na lamang nagsalita si Winslet at nagkibit balikat na lang. Pagkatapos ay sumunod na sa kaibigan na nauna nang maglakad.

Nakasakay na sila at kapwa pagod kaya minabuti na lang nilang wag nang mag usap. Lumilipad naman ang isip ni Jessica, at pilit hinahanapan ng sagot kung kaano ano ba ni Ms. Vargas si Ryan.

Mahihinang tapik ang nagpamulat sa kanyang namumungay na mata.

"Gising na, malapit na tayo." wika ng kaibigan. Tumango naman siya bilang pagsagot.

"Ingat." kumaway pa si Winslet matapos makapasok nito sa kanilang bahay. Si Jessica naman ay dalawang kanto pa ang lalakarin.

Nang makarating ay dahan dahan niyang ibinagsak ang katawan sa higaan. Hindi na niya nagawang magpalit ng damit dahil tuluyan na siyang nilamon ng antok.

*****OoO*****

"Alam mo, matagal na kong nagtitimping patayin ka! Hindi ko lang magawa dahil hirap akong makahanap ng tiyempo. Pero ngayon, heto na! Nasa harapan na kita at hindi ka na makakaalis dito ng buhay! Hahahaha!" sigaw ng isang lalaki kasabay ng nakakatakot na pagtawa nito.

Madilim ang paligid, at tanging liwanag lamang na nagmumula sa iisang ilaw na pagewang gewang ang nagbibigay liwanag sa kanila.

"Hmmpp! Hmmmp!" sabi ng isa pang lalaking pilit sumisigaw at nagwawala, ngunit nakabusal ang bibig at nakatali ang mga kamay at paa. Nakahiga ito sa sahig at may dugo sa noo.

Bang! Bang! Bang!

Napasinghap si Jessica at napaupo. Butil butil ang pawis na tumutulo mula sa kanyang noo at tila ba tumakbo ng pagkalayo layo sa sobrang pagkahingal.

"Panaginip lang pala. Isang masamang panagip."

Tumayo siya ng makitang hindi pala siya nakapagpalit ng damit kagabi. Pagkatapos makapagpalit ay pumunta siya ng kusina para uminom ng tubig dahil pakiramdam niya ay uhaw na uhaw na siya. Tumingin siya sa orasang nakasabit sa dingding at nakitang alas tres pa lang ng madaling araw. Sinubukan niyang alalahanin ang panaginip ngunit kokonti na lang ang naaalala niya.

Muli siyang pumunta ng kanyang kwarto at sinubukang matulog ngunit nabigo lamang siya. Kaya minabuti niyang buksan na lang ang cellphone at sumagap ng balita gamit ang facebook account niya. Ilang click, basa, at scroll nang biglang may sumagi sa kanyang isipan. Nagsimula siyang tumipa at maghanap.

Ilang kapangalan pa ang nakita niya bago tuluyang makita ang pakay.

"Ryan Salcedo." mahinang banggit niya.

Dumiretso siya sa photos at nagstalk ng mga lumang litrato ng binata. Ngunit kokonti lamang ang nadatnan niya doon hindi katulad ng inaasahan niya. Mayroon itong ilang mga litratong kasama si Ms. Vargas at ang kasintahan nito. Mayroon din siyang nakitang litrato kasama ang isang babae at lalaking medyo matanda lang ng konti ang edad kay Ms. Vargas. Hinala niya ay ito ang mga magulang ng binata. At isang litrato ng babae.

"Ito na siguro yung girlfriend niya. Maganda siya." nagpatuloy siyang muli sa pag scroll, ngunit ilang litrato na lamang noong bata pa ang binata ang naroon.

Last updated August 22, 2015.

"Lumang account na siguro ito. Magdadalawang taon na kasi mula ng huling gamitin ito. Marahil nakaprivate na ang present account ni Ryan kaya hindi ko makita." Sabi niya sa isipan.

Nang magsawa ay pinatay na niya ang screen ng cellphone at tumitig sa kisame hanggang sa muli siyang dalawin ng antok.

Unsolved CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon