Chapter 2

132 12 0
                                    


Kabanata II

Maingay ang buong daungan. May nagtitinda ng kakanin at may mga pamilyang naghihintay sa pagbaba ng kanilang mahal sa buhay na matagal na din sigurong hindi nakikita.

Nag-hiwalay na kami Dolor ng makababa kami ng barko. Hindi maawat ang mga paalala ko sa kaniya na animo'y hindi na magkikita pa. Naghihintay ang aming mga kalesa. Lumapit ako kay Rikit na siyang naghahatak ngayon ng kalesang aking sasakyan "Makintab na ang balahibo mo, Rikit. Siguro lagi ka nang nagpapaligo kay mang Donato?" napatingin si akin si Mang Donato na kutsero nitong kalesa.

"Kumusta na po kayo? Nagagalak po akong makitang muli kayo." nakangiting bati ko dito. "Maayos naman señorita. Maging ako ay masayang makita muli kayo. Mabuti naman ang aming buhay habang wala kayo dito. Ngunit iba pa din noong wala kayo sa mansion. Nabawasan nang kaunting tawanan. At maayos naman po ang kwadra na inihabilin niyo sa akin. Nahihirapan lamang ako sa pagpapaligo kay Rikit." natatawang tugon ni mang Donato sa akin. Marahan kong piningot si Rikit. "Ikaw talaga pasaway ka kahit kailan." dahilan para bahagyang umigkas ang kalesa.

"Ahhh!" isang malakas na irit ang narinig ko sa loob ng kalesa. "Mang Donato bakit umigkas ang kalesa?" natawa ako ng makita ang mukha ni Ermita na tila natapunan ng pulbos ang mukha dahil sa sobrang puti. Hindi ko akalain na kasama siya sa pag-sundo. "Hindi mo man lang ba ako babatiin, Ermita?" tanong ko dito.

Bahagya akong dumungaw sa pintuan. "Saglit lamang, ate. Hindi pa ako tapos mag-ayos ng aking sarili. Hindi ka makakapag-hintay?" natawa na lamang ako. Marunong na mag-ayos ng sarili ang aking kapatid. Nagdadalaga na nga ito. Inalalayan na ako ni mang Donato paakyat sa loob ng kalesa. "Ate bakit pumasok ka kaagad? Diba't sinabi ko naman sa'yo na maghintay ka lamang muna sa labas." irap nito sa akin.

"Hahayaan mo lang ba na mainitan ako sa labas nitong kalesa. At tsaka kahit anong gawin mong pag-aayos sa sarili mo mukha ka pa ring bata." pang-aasar ko pa dito. Kahit alam ko naman na dalagita na siya. Lumalabas na ang kaniyang likas na kagandahan. Hindi lamang ito nakikita noon dahil ayaw niyang nag-aayos ng sarili. "Ano? Hindi ano! Kahit saang anggulo natin tignan mas maganda ako sa'yo." taas kilay nito.

"Tignan natin mamaya pagkarating natin sa mansion ay ilalantad ko lahat ng litrato ko at litrato mo. Tingnan natin kung sino ang mas maganda. At nakakasiguro na ako na mas maganda ako keysa sa inyo." piningot ko ito. "Aray!" daing nito sa akin habang pilit inaabot ang tainga ko. Napatingin sa amin si mang Donato. Sanay na siya sa aming pagbibiruan nitong kapatid ko. Para ko na rin siyang pangalawang ama. "Mga binibini, tama na iyan. Baka magkasakitan kayong dalawa." suway nito sa amin.

"Teka nasaan sila ina at ama? Bakit hindi mo sila kasama?" tanong ko dito ng mapansin kong hindi kasama si ina at ama. "Si ama ay nasa munisipyo at may inaasikaso. Si ina naman ay naghahanda sa iyong pagdating. Ako ang naatasang sumundo sa iyo." paliwanag nito sa akin. Tumango na lamang ako ng tatlong beses.

Nagsimula na si mang Donato sa pagpapatakbo kay Rikit. Binabagtas namin ngayon ang isang malawak na kaparangan. Doon nagtatayo ng karnabal sa tuwing kapistahan ng bayan.

Sa karnabal na iyan kami nagkakilala nila Milagros. Magkasama kami ni Dolor na naglalaro ng may makita kaming batang babae na inaaway ng kapwa nitong mga batang babae. Ipinagtatanggol namin si Lagring at simula noon ay naging magkakaibigan na kami.

Sana lamang ay maging masaya ang panibagong buhay ni Dolores dito sa bayan ng San Agustin. Sana lamang ay bumalik na ang tunay na Dolor na aking nakilala

Sunod naming nadaanan ay kabisera kung saan ay naroon ang pamilihan. Kahit tanghali ay maraming mamimili. Nagkalat din mga kalesa. Habang abala ang mga kutsero sa pagbubuhat ng pinamili ng kanilang amo. Nakakatuwa na nakita ko muli ang pamilihanng ito. Mula dito sa bintana ay natatanaw ko ang munisipyo. Sa kabila naman ay ang simbahan ng bayan. Napag-pasiyahan ko sanang sumaglit muna sa munisipyo upang makita si ama ngunit pinigilan ako ni Ermita. Abala daw ito sa pagresolba ng problema nitong bayan. Mamaya na lamang daw sa pag-uwi niya sa mansion.

Serenata ᜐᜒᜇ̵ᜒᜈᜆTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon