Chapter 11

70 10 4
                                    

Kabanata XI

Napahawak ako sa dibdib ko at pinagpagan ang aking saya. Hindi ko namalayan na lupa pala ang binagsakan ko nang dahil sa gulat. Maayos akong tumayo at tumabi patungo sa bintana. Hindi siya makadaan.

Napatikhim siya at nagpatuloy na sa kaniyang gagawin. Maayos niyang hinihimay ang halamang gamot na kaniyang hawak at kinuha niya ang bao na nasa ibabaw ng lamesa. Inilagay niya ang mga dahon dito. Nagsimula na siya sa pagdidik gamit ang isang mahaba at makinis na bato.

Tila nakaramdam ako ng lungkot dahil hindi man lang niya ako tinatapunan ng pansin. Nabaling tingin ko sa batang papasok sa pinto habang nakasunod sa kaniya sila mang Donato at Pablita. Nanatili lamang sa labas ng kubo ang aking mga kasama dahil isang kahihiyan ang pagpasok sa tahanan ng may tahanan. Napatingin na lamang ako sa aking sarili dahil ako pala ay kahiya-hiya dahil pumapasok ako sa may bahay ng bahay.

"Hindi ko na siya napigilan kuya Lorenzo. Bigla na lamang siyang pumasok dito nang marinig niya ang pulahaw ni Kuya." napatingin ang bata sa akin, sunod naman kay Lorenzo at pagkatapos nito ay sa kuya naman niyang tila nanghina na sa labis na hirap at sakit.

Sa wakas ay napatingin sa akin si Lorenzo. Napaiwas na lamang ako ng tingin sa kaniya. "Magandang-araw, ginoo. Hindi ko sinasadyang matuklasan ito. Nadala lamang ako ng aking pag-aalala sa taong nahihirapan na aking naulinigan kanina." yumukod ako at napatingin sa bintana at natatanaw ko dito na malapit nang magtakip-silim.

Lumapit ang batang babae sa akin. Humingi ito ng distansya at agad ko namang ginawa. Tinanggal na nito ang tukod ng bintana. Mula rin sa kabilang palayan ay matananaw ang kalsada. Sunod-sunod na kalesa ang naglalakad nakasunod naman doon ay ang mga guardia personal nito. Hindi ko alam ngunit tila bago sa akin ang kalesang iyon. Bawat kalesa ay may palatandaan o marka.

Malabo lamang siguro ang aking mata at katamtaman na rin ang dilim sa kalangitan. Naghahalo na ang  kahel at asul sa kalangitan.

"Señora maari po bang sa susunod na lamang na pagkikita ninyo ni Ginoong Lorenzo ipagpatuloy ang inyong pag-uusap. Paumanhin ngunit ito ang kinakailangan." saad ni Pablita at lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko. "Hindi lamang po kami ang mapapasama kundi ang aming binibini." dugtong naman ni mang Donato.

"Kung gayon ay hindi ko na kayo pipihilan pa. Maari na po kayong lumisan." saad ni Lorenzo habang sumisilip sa pinto. "Nais ko rin po makiusap sa inyo na ilihim na po muna natin ito. Mag-iingat po kayo." lumapit na ito sa lamesa.  Ngunit hindi pala siya magpapatuloy sa ka iyang ginagawa.

Lumapit siya sa akin dala ang isang puting balabal. "Isuot mo ito binibini. Mag-iingat ka. May alam akong daan na kung saan ay walang ibang dumadaan kundi ako lamang." ipinatong na niya sa aking ulo ang balabal.

Itinuro na niya ang daan patunho sa daan na aming tatahakin. Paglabas namin ay kalesa na ang aming maabutan. "Ngunit, ginoo. Ikaw ba ay hindi hahanapin sa inyong mansion?" bahagya siyang ngumiti sa akin. Tila lumundag naman ang kagalakan sa aking sistema.

"Ang alam ni ama ay nangagamot ako." napatingin ako sa kasuotan niyang ngayon ko lamang napansin. Nakasuot siya ng itim na abrigo at asul na pantalon at puting panloob.

Nagsisinungaling siya sa kaniyang ama? Sa tingin ko naman ay hindi siya nagsisinungaling. Sapagkat panggagamot naman ang kaniyang ginagawa.

Sa kabilang banda naroon pa rin ang aking pag-aalala para sa kaniya. Kapalit ng pagtulong niya ay ang kaniyang buhay. Kumakabog na naman sa kaba ang aking dibdib.

Lumakad na kami at tinahak ang masukal at madilim na daan. Nas unahan si mang Donato at sa likod ko naman si Pablita. Dala ni mang Donato ang lampara at bolo na kaniyang pangtabas sa matatas na talahib. Makati ito sa balat n dulot ng maliliit nitong bulo (thorns/spine).

Serenata ᜐᜒᜇ̵ᜒᜈᜆTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon