Simula

446 25 8
                                    

Panimula

Filipinas 1858

Napakaliwanag ng paligid kahit gabi na. Masaya ang lahat sa pagdiriwang ng anibersayo ng kasal ng punong-hukom ng bayan San Agustin. Maraming kabataan sa sala habang nagtatakbuhan at wala ding humpay ang kanilang tagapag-alaga sa paghabol sa kanila. Ngunit sa kasiyahan na ito ay may isang paslit na malungkot at tila nilisan na ng mundo dahil sa sakit na kaniyang nadarama.

Nasa edad walo ito. Tahimik na nakatulala sa madilim na langit habang lumuluha ng palihim. Isa siyang masayahing bata... noon. Ngunit hindi na ngayon. Tila isang malaking kayamanan ang nawala sa kanilang pamilya nang mamatay ang ilaw ng tahanan na si Doña Carolina dahil sa sakit nitong kanser sa dugo. At isang malaking dagok ito sa kaniyang buhay. Nawala ang kaniyang ngiti at ang kaniyang nakawawalang pagod na mga halakhak. Bigla itong naglaho na parang bula

Sa kabilang dako naman ay naroroon ang isang batang babae na nagtatampo sa kaniyang ina dahil nakurot siya nito dahil sa pagiging pasaway niya. Napag-pasiyahan nitong lumabas muna sa maingay na mansion ng pamilya Francisco.

"Hindi ko naman kinurot iyong bata kanina. Nagsumbong kay ina kahit hindi ko naman ginawa. Sinungaling. Dahil sa kaniya kinurot ako ni ina." pagadadabog nito habang pumipitas ng matitinik na rosas.

Nagtungo naman siya sa sa gilid ng bakod upang abutin ang isang kulay pulang gumamela. Nang makuha na niya ito ay isinama niya ito sa rosas na kaniyang inilapag kanina sa damuhan. Kinuha niya ang kaniyang pusod sa buhok na lasong puti. Ihahandog niya ito sa kaniyang ina. Para mapatawad na siya nito sa ibinibintang sa kaniya.

Maglalakad na sana siya ngunit napatda ang kaniyang paningin sa isang batang lalaki na nakatingala sa mga bituin habang tumataas bumababa ang balikat na tila humahagulhol. Walang anu-ano ay nilapitan niya ito. Dahan dahan siyang naglakad.

Dahil sa may kapilyahan ito ay nais nitong gulatin ang batang lalaki. Napatakip pa siya sa kaniyang bibig ng mapatawa siya sa naiisip niyang reaksyon nito kapag nagulat. Huminga siya ng malalim bago...

"Hoy!" panggugulat niya rito. Ngunit sa lahat ng kaniyang ginulat ay ito lamang ang hindi natinag. Sandali siya nitong tinapunan ng tingin at bumalik sa pagtingin sa mga bituin.

Nagpunas ito ng luha sa kaniyang mga mata. Ayaw niyang makita siya nito na lumuluha. Walang pag-aalinlangang tumabi sa kaniya ang batang babae. "Umiiyak ka ba?"

"Hindi 'no!" dali-dali nitong sagot ng mapansin nang bata ang kaniyang pag-luha. "Sumasakit lamang ang mata ko pagbibilang ko sa mga bituin."

"Umiiyak ka kasi hindi mo mabilang ang mga bituin sa langit." natatawang saad ng batang babae.

"Hindi nga kasi ako umiiyak. Tsaka marunong ako magbilang ano." tila nawala panandali ang nararamdaman nitong sakit sa pagkamatay ng kaniyang ina. "Ikaw yata ang di marunong mag-bilang?"

"Ano? Ako? Hindi marunong magbilang. Sino nagsabi sayo. Tingnan natin. Makikita mo." nagsimula ang batang babae sa pagbibilang.

"Uno..."

"Dos..."

"Tres..."

"Quatro..."

"Cinco..."

Napakamot ito ng ulo nang hindi niya alam ang kasunod ng lima. "Ano nga ulit iyon? Itinuro na iyon sa akin ng aking maestra." bulong nito sa kaniyang sarili

"Ano na ang kasunod?" nakangiting tanong nito sa batang babae.

Napakamot ito sa ulo. Dahilang para bahagya'ng tapikin nito ang noo niya. Nagagawa nila ito dahil mga bata sila. Ngunit pag-dating nila sa wastong edad ay hindi nila ito magagawa pa. "Hanggang lima lang ang tanda ko e."

Sa hindi malamang dahilan ay parehas silang tumawa. Isang batang babaeng pasaway at isang batang lalaking napawi ang lungkot dahil sa isang batang pasaway.

Kasama nang buwan at bituin ay parehas silang nahiga sa damo habang binibilang ang bituin. Hindi alintana ang hamog at lamig ng paligid dahil sa kanilang hindi maunawaang kaligayan. Isang damdamin na sa kabila ng kanilang pagiging paslit. At walang alam tungkol sa pag-ibig.

Naabutan sila ng kanilang mga tagapag-alaga na nakahiga sa sahig at pinagsabihan sila. Parehas na silang naglakad. Ngunit sa mag-kaibang ruta. Ngunit bago pa sila mawala sa paningin ng isa't isa ay isang pangako ang kanilang binitawan at panghahawakan sa habang buhay.

"Papakasalan pa kita hintayin mo ako."

"Oo maghihintay ako."

Mga pangakong kanilang iniwan sa isa't isa.

Sumumpa sila kahit hindi nila kilala ang isa't isa.

Pag-ibig na umusbong sa kabila ng kanilang murang kaisipan.

Disclaimer

Ang storyang ito ay pawang kathang-isip isip lamang. Ang mga pangalan, lugar at pangyayari ay pawang likha lamang ng malikot na isip ng may-akda at hindi sumasalamin sa totoong pangyayari.

Ang mga makasaysayang lugar na mababanggit ay akin lamang ginamit upang mas magkaroon na buhay ang akda. Ano mang pangyayari ay hindi nasusulat sa kasaysayan ng Pilipinas. Akin lamang itong ginamit upang magbalik tayo sa nakaraan.


Plagiarism is a crime punishable by Law

All Rights Reserved 2020

Serenata ᜐᜒᜇ̵ᜒᜈᜆTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon