Chapter 7

81 8 0
                                    

Kabanata VII

Napapangiti ako habang nag-aayos ng aking sarili sa harap ng salamin. Maglalaba kami ngayon sa ilog ng malalapad na kurtina. Nais ni ina na kami ang maglaba ng mga kurtina upang manatili ang kulay ng mga ito at manatili ang ganda.

Hindi ko namalayan na nakatitig na sa akin si Pablita habang binubuksan ang mga bintana sa aking silid. Mga titig niyang nagpapahiwatig na tila isa akong hibang at nasisiraan na ng pag-iisip. Hindi ko akalain na aayon sa akin ang panahon. Muli nagbalik sa akin ang napag-usapan namin ni Lorenzo sa ilog

****

Magpupunas na sana ako ng luha nang...

Biglang may panyo na tumapat sa akin. Unti-unti akong nag-angat ng mukha at isang nakatutunaw na ngiti ang tumambad sa akin.

Bawat ngiti niya ay may kakaibang hatid sa akin para bang hindi ito ang unang beses na nakita ko iyon.

Nakangiti sa akin si Lorenzo habang hawak ang panyolito. Nais ko sana na tanggihan ito ngunit nahihiya ako. Nakita pa niya akong lumuluha. Kinuha ko na ito sa kaniyang mga kamay.

Dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko na patuloy pa rin sa pag-agos. Nais ko ng makakausap at aking mapaglalabasan ng sama ng loob.

Hindi pa ako nakuntento. Barado ang aking ilong kaya siningahan ko ito ng aking sipon na gawa ng aking pagluha. Muli napaiwas muli ako sa kaniya ng tingin dahil sa panyo niya pala ang akibg gamit. "Paumanhin, lalabhan ko na lamang." ngumiti naman siya sa akin. Mga ngiti niya na nagpapahiwatig na iiyak ko lamang ang aking mga nararamdaman.

Umupo siya sa mga batohan na malapit sa mga pako (ferns) Kumuha siya ng isang patpat na galing sa baling sanga ng puno. Kinukutawtaw niya ang tubog gamit iyon. Napabuntong-hininga siya. "Alam kong may pinagdaraanan ka. Iiyak mo  lamang iyan at hayaan mong mawala ang sakit sa iyong puso. Naranasan ko na ring lumuha ng palihim ngunit masakit pala kung mag-isa ka. Mag-isa mong hinaharap ang pasakit. Ngunit kung hahayaan mo lamang na umiyak ng palihim ay hindi mababawasan ang sakit. Kailangan mo rin ng makikinig at uunawa sa'yo." pinagbali-bali niya ang hawak niyang patpat. At isa-isa itong hinagis sa tubig. "Parang mga piraso ng mga patpat na iyon. Tinatangay sila ng agos palayo hanggang sa hindi na ito makita pa. Parang suliranin lamang iyan. Kailangan mo ng panahon at sumabay sa agos ng panahon at hayaan na unti-unting kalimutan ang lahat." tumayo na siya at pinagpagan ang kaniyang pantalon.

Tahimik lamang akong nakatitig sa kaniya. Bawat salita na lumalabas sa kaniyang bibig ay tila may malalim na pinaghuhugutan. Lumapit siya sa akin at hinubad ang suot na sumbrero. "Narito ako. Handang makinig sa lahat ng hinaing. Handa kang tulungan." muli pumatak ang aking mga luha dahil sa sinabi niya.

Hindi ko akalain na may isang tao na tatanggap at magmamalasakit sa akin sa kabila ng away sa pagitan ng aming pamilya.

Isa lamang ang maisasagot ko sa mga katanungan niya sa akin.

Kailangan niya ng isang tunay na kaibigan. Na handa din siyang damayan sa oras ng unos na paparating. Narito din ako, handa na siya ay maging kaibigan sa lahat ng oras.

Serenata ᜐᜒᜇ̵ᜒᜈᜆTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon