Kabanata XIIAraw na ng Santa Cruzan. Alas-tres na ng hapon. Abala ang lahat sa aming tahanan. Nakahanda ang bawat masasarap na putahe. Nagkakalansingan naman ang mga kubyertos at hindi naman magkamayaw ang mga tao sa kusina.
Narito ako ngayon sa azotea at hinihintay ang pagdating ni Mang Donato na maghahatid sa amin sa bayan. Dadalo muna ang lahat bago magparada. Para ito sa pagbubunyi sa Birheng Maria at para sa pag-aalay ng dasal.Doon magsisimula ang parada. Nakaupo lamang ako habang sinusuklay ni Pablita ang aking buhok.
Alas-kwatro ng hapon magsisimula ang parada kaya hindi kami dapat mahuli. Maya-maya lamang ay nasa tapat na ng mansion ang aking kalesa. "Señora kayo po ay may hinahanap?" tanong ni Pablita sa akin. Ako naman ay umiling ngunit panay pa rin ang ikot ng aking mga mata na hinahalugad ng aking mga tingin ang buong mansion.
Naramdaman ko ang pagdampi ng payneta sa aking anit kaya tumayo na ako. Pumitas naman ng sampaguita si Pablita mula sa bintana. Inihipan niya pa ito bago ilagay sa aking tainga. Nauna na sa bayan si Ermita. Isinasaayos na nila ni Cecillia ang aking arko.
Wala rin akong balita kung sino ang tatayo bilang batang Constantine. Maiiwan naman dito si Ina sapagkat siya ang sasalubong sa mga kalahok sa parada.
"Sita, handa na ang kalesa. Ikaw ay bumaba na upang makarating na kayo sa bayan." saad ni Ina habang hawak ang isang plorera. Naka-ayos at nakakolorete na rin si Ina. Pinaghahandaan talaga niya ang pagkikit nila ng kaniyang mga amiga.
"Dalhin mo kay Ermita itong sisidlan ng tubig. Alam mo naman na mabilis mahapo ang iyong kapatid." kinuha ni Pablita ang maliit na sisidlan na bigay ni Ina.
"Ang korona mo? Bakit hindi mo pa sinusuot? Hindi ba bagay sa iyo, anak?" umiling ako. "Mamaya na lang po bago kami makarating sa bayan." napakunot ang noo ni Ina.
"Bakit naman? Malubak ang kalsada tiyak mahihirapan si Pablita sa pagsusuot niyon. Baka masira pa."
"Ako'y nagigilawgawan lamabg Ina. Sapagkat tila may malaking bagay na nakapatong sa aking ulo." ngiti ko. Napatango naman si ina. Gawa sa mamahaling bato ang aking korona kaya may kabigatan ito.
Ibinaba na ni Ina ang hawak niyang plorera "O siya kayo'y humayo na." yumakap sa akin si Ina. "Isa ka na ngang ganap na binibini Teresita, anak ko. Sana'y alagaan mo ang puso mo" bulong ni Ina bago haplusin ang aking buhok.
Lumabas na kami at sumakay sa kalesa. Dala ang aming mga kailangan. Sa totoo lamang ay ayoko isuot ang korona sapagkat ayokong tingnan nila ako na parang isang Reyna o mas mataas sa kanila. Sapagkat para sa akin ay pantay-pantay ang lahat walang mababa, walang mataas.
Binuksan na ng aming guardia ang tarangkahan upang kami ay tuluyan ng makalabas ng aming hacienda. "Señora. Bakit ang tahimik mo ngayon? Hindi ka umiimik at hindi makausap." wika ni Pablita habang hinahawi ang kurtina ng bintana nitong kalesa.
Napatingin ako sa labas. Nadaraanan namin ang mga lupaing taniman. Wala gasinong tao. Suguro ay manonood sila ng parada na gaganaping mamaya.
"Hindi lamang maganda ang aking pakiramdam." saad ko bago ipikit ang aking mata. Nanahimik na lamang si Pablita at inabala na lamang niya ang kaniyang sarili sa pagkukutkot niya sa kaniyang mga daliri sa kamay.
Maya-maya ay nakalagpas na kami sa taniman. Tinatahak naman namin ang kaparangan na tanging mga alagang kambing, kalabaw at baka lamang ang nakasuga. Nang may makita kaming naglalakad.
Tuloy lamang ang pag-usad ng kalesa hanggang maabutan namin sila. Kung nagkakataon nga naman. Si ate Lucia at Martin ang naglalakad. Maayos na nakasuklay ang buhok ni Martin at maayos at maganda ang suot ni ate Lucia. Pinatigil ni Mang Donato ang kalesa.
BINABASA MO ANG
Serenata ᜐᜒᜇ̵ᜒᜈᜆ
Historical FictionSino ang maghihimagsik at sino ang magwawagi sa laban para sa pag-ibig? Ano nga ba ang mag-wawagi hanggang sa huli? Kasakiman o Pagmamahalan? Tayo ng magbalik sa nakaraan at tunghayan ang kakaibang pagmamahalan na nabuo sa isang pangako. Date Starte...