Kabanata IVNaglalakad ako sa gitna ng palayan patungo sa tahanan nila ate Lucia na ina ni Martin. Sikat na ang araw sa oras ng alas-sais. Hindi masakit sa balat ang init. Marahang din umiihip ang hangin na isinasayaw ang bawat uhay ng palay.
Nasa likod ko si Pablita habang dala ang isang tiklis(basket) Naglalaman ito ng mga pagkain. Wala nang natirang pagkain kagabi kaya inutusan ko si manang Puring na magluto ng pagkain.
Hawak ko naman ang isang palayok, maingat ang pagkakahawak ko dito. Mainit-init pa, tanging basahan sa kamay ang aking gamit upang hindi ako mapaso. Hindi ko din ito idinikit sa aking baro at baka malagyan ng uling ang aking kamiseta.
Naunang lumakad sa akin si Pablita upang alalayan ako. Nasa bahagi kami ng makitid na daan na tinatawag na pilapil. Nang makalagpas kami ay muling akong nauna sa paglalakad.
Naalala ko ang napag-usapan namin ni Lorenzo kagabi. Hindi ko alam ang aking isasagot sa kaniya.
****
"Hindi ako makatulog. Nais kong malaman kung ano ang iyong sagot sa aking tanong." diretsong tanong niya sa akin. Iba ang kaniyang ikinikilos at hindi ko iyon mawari.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Malaking bagay sa kaniya ang katanungang iyon. Magaabala ba siyang magtungo dito kung hindi iyon mahalaga?
Sa paghawi ng ulap na tumatakip sa buwan ay tumama ang liwanag sa amin at pag-ihip nang marahan ng hangin. Narito sa harap ko si Lorenzo Bautista at naghihintay ng isang sagot sa tanong na hindi ko naman kayang sagutin pabalik.
Napayuko ako. Hindi ko alam nag isasagot. Nakatitig lamang ako sa mga damo. Gusto kong maging kaibigan siya ngunit maraming hahadlang. "Magkita tayo sa ilog sa linggo. Doon malalaman mo ang aking sagot. Hayaan mo akong makapag-isip." saad ko at tumalikod na. "Magandang gabi, binibini. Ako'y aalis na." hindi ko na siya nilingon at nilalabanan ang aking sarili. Hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy na sa paglalakad. Iyon lamang ang aking dahilan upang hindi na siya mangulit pa. Muli nakarinig ako ng kaluskos. Paglingon ko ay wala na si Lorenzo. Bahagya pang gumalaw ang sanga nang puno na kaniyang inakyatan upang makapasok dito. Hindi ko gusto na balewalain siya. Ngunit panibagong problema ang aking haharapin 'pag nangyari iyon.
Lumakad na ako patungo sa loob ng mansion. At kumilos na parang walang nangyari. Ngunit sa aking loob ay may parteng hindi mapakali.
****
Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ko dapat pinasasakit ang aking ulo ng ganito. Isa lamang iyong katanungan. Tanging 'Oo o Hindi' lamang ang aking isasagot ngunit bakit ang hirap magdesisyon?
Nasa bakuran na kami ng bahay. Kumatok ako. Tahimik ang bahay. Mukhang walang nakakarinig sa akin. Binuksan ko ang pinto. Hindi naman ito nakakandado. Malinis ang loob ng bahay. May ilang platong hindi pa nahuhugasan. Nakabukas din ang kaldero ngunit wala itong laman. Nagtungo ako sa silid at nakita ko doon ang isang nakakaawang nagaganap.
Nakahiga sa papag na kawayan si ate Lucia habang katabi pa ang natutulog na si Martin at ang kapatid nitong bunso. Namimilipit si ate Lucia habang nakahawak sa kaniyang sikmura. "O diyos ko po. Anong nangyari sa iyo, ate Lucia? nag-aalala kong tanong dito at inalalayan siyang tumayo.
"Señora, anong ginagawa niyo dito?" nakangiwi niyang saad. Tinawag ko si Pablita upang tulungan akong maiupo si ate sa upuan. Dali-dali siyang nagtungo sa amin at inalalayan ako. Nang makaupo si ate Lucia ay lumuhod ako sa harap niya. "Ate anong problema?" kumuha ng tubig si Pablita at iniabot ito dito at ininom.
BINABASA MO ANG
Serenata ᜐᜒᜇ̵ᜒᜈᜆ
Historical FictionSino ang maghihimagsik at sino ang magwawagi sa laban para sa pag-ibig? Ano nga ba ang mag-wawagi hanggang sa huli? Kasakiman o Pagmamahalan? Tayo ng magbalik sa nakaraan at tunghayan ang kakaibang pagmamahalan na nabuo sa isang pangako. Date Starte...