Chapter 3

110 12 0
                                    


Kabanata III

Bumitaw ako sa pag-kakahawak nito sa aking pulso. Hindi ko alam kung ano ang nakain nitong kaharap ko? Nakangiti siya akin. Habang ako naka-yuko dahil nakikita ko ang katawan niyang walang damit pang-itaas. Tila nag-iinit din ang aking pisngi.

Maraming umbok sa kaniyang tiyan (abdomen) Hindi ko akalain na sinagip niya ako mula sa muntik ng pagkakahulog sa malamig na tubig. "Ayos ka lang ba, binibini?" saad niya habang isinuot ang kaniyang camiso. Nag-angat na ako ng ulo nang masigurado ko na tapos na siya sa pagbibihis. Tumingin ako sa kaniya at tumango para sabihin na ayos lamang ako.

Ngayon ay nakangiti siya hindi ko akalain ngingiti siya sa akin ng pagkatamis-tamis. Siya ang lalaking nakasabay ko sa barko. At pinaghihinalaan kong si Lorenzo Bautista. Umahon na ako sa tubig at pinagpag ang aking sayang nabasa ng kaunti. "Ano ang ginagawa mo dito binibini? Oras ng siyesta ngayon. Dapat nasa silid mo ikaw ngayon at nagpapahinga."

Hindi ko siya sinagot. "Ikaw ang dapat kong tanungin. Bakit ka narito sa ilog na bahagi ng aming hacienda?" nakapameywang ako. Ngunit hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. Baka hindi siya yung lalaki na seryoso at palaging nakasimangot? "Sa inyo ba itong hacienda na ito?" tanong niya muli sa akin.

Tumango ako. "Oo. Kaya ako ang dapat ang magtanong sayo." umupo ako sa isang bato. "Narito ako para magtampisaw at magpalamig. Hindi ako maaring maligo sa bahaging ibaba ng ilog na pagmamay-ari ng aming hacienda dahil pinapaliguan ngayon ng mga magsasaka ang kanilang mga kalabaw. Ayoko silang maistorbo kaya ako na lang ang naghanap nang maliliguan. Paumanhin kung pumasok ako dito ng walang pahintulot."

"Wala iyon. Ang ilog ay para sa lahat. Hindi naman namin kinakanya. Ang nais lamang namin ay mapanatiling malinis ang ilog." saad ko. Napatango naman siya. Nakakapanibago na nakangiti siya ngayon. "Salamat." maikling tugon niya.

"Ako ang dapat magpasalamat sa iyo. Dahil kung hindi dahil sa iyo ay siguradong basang-basa ako ngayon. Kaya wala lang iyon." kaunti kong ngiti dito. Akmang tatayo na ako at maglalakad upang makaalis na dito nang biglang... "Aray!" daing ko nang kumirot ang mga daliri ko sa paa. Kung minamalas ka nga naman. Pinulikat pa ako.

Napa-upo muli ako sa bato. "Bakit binibini. Anong nangyari sa'yo." nag-aalala nitong tanong sa akin. Hindi ako nagsalita at namimilipit sa sakit. Hindi ko maigalaw ang aking mga daliri. Para rin itong tinutusok nang libo libong karayom. "Pinupulikat ako." nakangiwi kong daing dito.

Lumapit siya sa akin. Parang nagdadalawang isip siya. Ano ba ang gagawin niya? Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko at sinuri ang paa ko. Maingat siya sa kaniyang ginagawa. Nakalapat sa lupa ang aking paa na wala ng suot na bakya. Dahil hinubad ko ito nang lumusong ako sa ilog. Hindi ko ginagalaw ang aking paa, dahil baka makita niya ang aking talampakan. Hindi naman madumi ang aking kuko. Ngunit nahihiya ako.

"Ano ba ang aking gagawin? Napaka-sakit!" muling daing ko. "Sigurado ka ba binibini. Ang tanging paraan lamang sa pagpapatigil ng kirot na iyong nadarama ay hilot. Walang ibang gagawa niyon dahil tayong dalawa lang. Hindi naman na maaring ako ang gumawa nito."

"Basta gawin mo ang lahat para lamang maampat ang sakit na aking nadarama." hindi na ako nakapag-isip sa aking binibitawang salita. "S-sigurado ka ba?" lumapit siya sa akin at nanginging ang mga kamay. Akmang hihilutin ang aking paa. Ngunit napatigil siya nang magsalita ako.

"Hindi na pala kailangan. Sabihin mo na lamang ang gagawin, ginoo?" maingat kong itinaas ang aking paa na kumikirot. Yumuko naman siya dahil kapangahasan ang kaniyang gagawin 'pag nakita niya ang aking talampakan.

"Iunat mo ang iyong binti." panimula niya. Nakayuko lamang siya. At hindi nakikita ang aking ginagawa. Ini-unat ko naman ang aking binti. "Pagkatapos ay hintayin mong maigalaw ang iyong daliri." patuloy niha. Tumagal ito ng isang minuto at naigalaw ko na ang aking daliri. Ngunit nanatili pa rin ang kirot. "Matapos, ay hilutin mo nang marahan, binibini." hinilot ko ito ng marahan at unti-unting nawawala ang kirot. Epiktibo nga.

Serenata ᜐᜒᜇ̵ᜒᜈᜆTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon