Author's Note:Critique: Aside from that, although your story's language focused mainly on Filipino, there are some noun, adverbs and adjectives that are in incorrect tense/manner and left unedited.
Me: Wala pa me oras para i-correct yung tense/manner and left unedited, siguro kapag finish ko na yung story pero dahil hindi nakikisama ang internet baka madedelay pa sya. Once na iedit ko kasi agad sya mawawala ako sa flow ng story kasi baka makapagdagdag/bawas pa ako ng ibang scene.
- Kaya sorry sa mga pagkakamali ko, masyadong marami yan kasama na yung nasa taas ⬆️ na critique.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 2
"Okay. Thankyou," matapos kausapin ni Limuel si Doss ay pumasok na rin sya sa loob ng bahay. Nakapatay na ang mga ilaw, mukhang tulog ang mga kasama nya.
Hinubad ang sapatos at sinuot ang pangloob na tsinelas. Bubuksan na sana nya nya ang ilaw ng makarinig sya ng kalampag sa kusina. Nagtatakang naglakad dahil kakatapos lang din naman nilang maghapunan, wala rin naman silang ibang alaga bukod sa aso. Ang aso naman ay nasa labas kaya kunot noo nyang binuksan ang ilaw sa kusina.
"Oh. Magnanakaw ng pagkain ka talaga!," sabay batok nya sa ulo neto. Kumakain kasi ng mag-isa ng noodles si Shawn. "Common Lim. Midnight snack, bro!," pangiting sabi neto.
Nakalong-sleeves na black and white stripes lang ang suot ni Shawn. Bagsak ang buhok na sakto hanggang mata ang haba neto. Naka sweat shorts na army at isang kulay asul na panloob na tsinelas.
Nagtakang hahawakan nya sana ito sa balikat pero mabilis na nakaiwas si Limuel. Kaya natatawang bumalik nalang sya sa pwesto. "Madami naman akong niluto. Gusto mo ba? Balak ko sanang dalhan si Tan pagtapos ko kumain," kumuha naman sya ng mangkong at kutsara at inabot ito dito.
Inurong nya ng kaunti ang kaldero na naglalaman ng noodles ng makitang sumandal ito sa lababo. Nagsign ito na kumain na pero natawa nalang ng bahagya si Limuel sa inasta neto. Hindi nya alam kung bukal ba sa loob neto ang mamigay or sadyang namimigay lang sya dahil nahihiya sya na nahuling kumakain mag-isa.
"Midnight snack." Natatawang umiling nalang si Limuel sa pagulit ng midnight snack ni Shawn, binalik nya sa lagayan ang kinuhang mangkok at kutsara. "Alam mo naman matakaw kami ng alaga ko," napakamot nalang si Shawn sa batok dahil sadyang matakaw talaga sya, hindi naman tumataba. Napagkakamalan nga itong may alaga sa tiyan dahil kahit kakakain lang, matapos lang ng ilang oras ay naghahanap na naman sya ng pagkain.
Kapag walang pagkain ay hahanap sya ng pagkain. Kung wala naman syang mahanap na pagkain at talagang bibili sya. Kakainin nya naman ito sa labas, kaya ang ending nagdamot sya at hindi talaga namigay. Hindi naman pinagbabawalan ang kumain sa harap ng computer, ang ayaw lang ay ang matapunan or madumihan ito kahit kakaunting piraso.
"Kuya?"
"Nasa kwarto nya," tango tango nalang ang sinagot neto sa kaibigan. "Bibigyan ko naman si Tan neto, don't worry Lim." Binatukan nya ito dahil sa narinig nyang tawag sa kuya nya.
"Anong Tan. Kapag yan narinig ni Kuya, tamo. Gg ka bro! Hmm. Hmm. Bilasan mo na dyan at susubukan ko ang bilis ng kamay mo," napalaki naman ng mata si Shawn ng marinig nya ito. "Seryoso kaba?" Tinaasan nya lang ito ng kilay para mahalata nya na seryoso sya. Tumayo na sya sa pagkakasandal.
Mukhang hindi natinag sa pag taas ng kilay kaya kunyaring nag-iisip pa ito dahil sa paghawak nya sa kanyang baba at nakatingala pa. "Bibigyan pa kita ng extra midnight snack kapag natalo mo ako." Gustong matuwa ni Shawn sa narinig kaso alam nyang hindi nya matatlo ito. Tanging ang kapatid lang nya ang makakatalo sa bilis ng kamay. Extra midnight na sana kaso mukhang magiging bato pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/222724075-288-k408913.jpg)
BINABASA MO ANG
His Identity || Samuel Kim Arredondo
General FictionWalang nakakaalam na may kapatid ako. May naghahanap sa'min, may gustong pumatay sa'min, may gustong kumilala sa'min, at hindi ko hahayaan na magtagumpay sila sa gusto nilang manguari. Hindi pupwedeng malaman ng kahit na sino. Ayoko, ayoko, kahit an...