Author's Note:Critique: Aside from that, although your story's language focused mainly on Filipino, there are some noun, adverbs and adjectives that are in incorrect tense/manner and left unedited.
Me: Wala pa me oras para i-correct yung tense/manner and left unedited, siguro kapag finish ko na yung story pero dahil hindi nakikisama ang internet baka madedelay pa sya. Once na iedit ko kasi agad sya mawawala ako sa flow ng story kasi baka makapagdagdag/bawas pa ako ng ibang scene.
- Kaya sorry sa mga pagkakamali ko, masyadong marami yan kasama na yung nasa taas ⬆️ na critique.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 4
"Sa likod mo Ward!" Hindi agad nakabuwelo si Edward kaya sunod sunod naman ang pagputok ng baril ni Alexa dito. Nilapitan pa muli ni Edward ang nakahandusay na katawan sa kanyang harapan para makasiguradong patay na ito. Nagpatuloy na ulit sila sa pagikot sa labas ng bahay.
May nakita si Ella na tao sa tower agad nya itong pinaputukan. "May mga umiikot sa tower, wag kayo masyadong lalapit doon," nagpatuloy na ulit silang tatlo sa paglalakad papunta sa kabilang daan papalayo sa tower.
"May bahay dun. Hagisan mo ng bomba Lex tsaka natin pasukin." Kasabay ng pagsabok ni Alexa ay ang pagulan ng mga bala sa kanila. "Takbo bilis. Tago, tago." Kanya kanya naman silang tago sa likod ng malaking bato. "Madami sila. Dapat umalis nalang tayo."
Dumapa nga sila at dahan dahang umalis. "Antayin moko Ward," huminto naman si Edward sa pag-gapang para sabayan si Alexa. "Saang bahay bayang susi nayan. Kanina pa tayo dito, paikot ikot." Pagmamaktol neto pero nagpatuloy nalang sila sa pagpasok at labas sa iba't ibang bahay para hanapin ang susi.
"Dapat talaga nanuod muna tayo ng iba bago natin ito pinasok. Nakakainis. Ang sakit na ng katawan ko." Wala paring tigil sa kakaangal si Alexa sa mga kasama.
"Sa likod ka lang Ella. Sundan mo lang kami." Hindi naman nakinigsi Ariella at nauna sa kanila. Kanina pa sila command nang command pero hindi parin nila nakikita ang susi. Gusto na nyang maghanda ng mga gamit nya kaso hindi magawa dahil sa ginagawa nila.
Sunod sunod ang pagputok ni Ariella ng baril habang napasok sa isang abandonadong building. May isang box syang nakita at doon nya nakita ang susi na kanina pa nila hinahanap.
"Quest Complete. Congratulations!"
Napaunat ang tatlo ng sabay-sabay. "Ang ingay nyong mag jowa mag laro. Puro utos pa kayo hindi nyo naman nakita ang susi. Mauuna na akong mag-out. Ayusin nyo nalang yung laptop ko. Maghahanda na ako ng gamit ko. Pupunta ako sa Kadiwa, nag email sakin yung company. Nagpasa ako ng item sa kanila diba tapos –" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Ariella ng makitang hindi nakikinig ang mga ito sa kanya.
"Okay Ella. Ingat nalang." Bangit ni Ariella sa sarili habang binubuka ang kamay na parang kamay ang kausap nya. Napairap nalang ito sa inakto ng dalawa. Nag handa nalang sya ng mga dadalhin nya dahil mag iikot ikot narin sya dun para hindi sayang ang perang igagastos nya na pamasahe.
"Ella, pwede bang pumasok?," napatigil sa pagtupi si Ariella ng kanyang damit ng marinig nya ang boses ni Alexa. "Sige lang, bukas yan." Dire-diretso pasok naman si Alexa at tinulungan sa pagtupi si Ariella ng kanyang mga gamit.
Tinitigan lang ni Ariella ang kaibigan alam nya kasing may gusto itong sabihin sa kanya kaya sya andito. Naramdaman agad ni Alexa ang mga mata ni Ariella kaya huminto ito sa ginagawa nya. "Mag-iingat ka sa pupuntahan mo. Baka naman mamaya mapahamak ka kagaya nung nakaraang umalis ka dis-oras ng gabi."
BINABASA MO ANG
His Identity || Samuel Kim Arredondo
Ficción GeneralWalang nakakaalam na may kapatid ako. May naghahanap sa'min, may gustong pumatay sa'min, may gustong kumilala sa'min, at hindi ko hahayaan na magtagumpay sila sa gusto nilang manguari. Hindi pupwedeng malaman ng kahit na sino. Ayoko, ayoko, kahit an...