Chapter 5

11 3 0
                                    


Chapter 5

Author's Note:

Critique: Aside from that, although your story's language focused mainly on Filipino, there are some noun, adverbs and adjectives that are in incorrect tense/manner and left unedited.

Me: Wala pa me oras para i-correct yung tense/manner and left unedited, siguro kapag finish ko na yung story pero dahil hindi nakikisama ang internet baka madedelay pa sya. Once na iedit ko kasi agad sya mawawala ako sa flow ng story kasi baka makapagdagdag/bawas pa ako ng ibang scene.

- Kaya sorry sa mga pagkakamali ko, masyadong marami yan kasama na yung nasa taas ⬆️ na critique.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 


A R I E L L A 's P O V

Napatingin ako sa orasan. Ang tagal naman ata nitong umikot. Gustong-gusto ko nang makaalis dito sa hotel na tinutuluyan ko. Hindi dahil mataas ang per hour dito, hindi naman kasi ako ang magbabayad nitong hotel sagot ito ng Muel Enterprises. Kaya gusto ko nang umalis dahil sa pupunta ako ng Muel Enterprises. May apat na oras pa bago sumapit ang 10 o'clock.

Tumayo na ako sa sala bago pa ako baliwin pa nang oras. Makaligo na nga lang muna, gagawa nga lang muna ako ng website. Para kapag isang oras nalang ay mag-aayos nalang ako ng sarili ko.

Matapos kong maligo, hinayaan ko munang nakabuhaghag na basang basa ang buhok ko sa likod ko, nilagyan ko ito nang tuwalya para hindi mabasa damit ko. Binuksan ko ang laptop ko at hinanap ang file ng ginagawa kong website.

"Inhale. Exhale. Ariella, fighting!"

Hoo! Fighting self. Paniguradong madugong oras to.

"Okay. Saan naba ako ngayon? Hm." Nakalimutan ko kung anong parte ang ini-edit ko. Saka ko nalang siguro ilalagay ang part ng portfolio kapag nakabalik na ako hindi ko pa kasi nalilipat ang mga pictures.


*ding*dong*

Nagising ako sa sunod sunod na doorbell. Agad naman akong tumayo at tiningnan kung sino yun.

"Room service."

Pinapasok ko naman si ate na may bitbit na walis at iba pang panglinis. Alam ko dapat mamaya pa sya darating, bakit ang aga naman ata nya? Wait. Maaga or baka naman –

"Ah. Miss, anong oras naba? Ang aga mo kasi ata." Binaba naman ni ate yung walis nya at kinuha ang cellphone nito sa bulsa. "Akala ko nga ho wala na kayo dito kapag mag lilinis ako. Ten o'clock na po madam."

What?

Dali-dali ko naman tinakbo ang kwarto at sinilip ang oras ng cellphone ko. Damn it. Mabilis naman akong nagpalit nang damit at nag polbo lang ako, sa taxi nalang siguro ako mag aayos. Sinarado ko lang yung laptop at umalis na ako.

Bago pa man ako makalabas ay nakita ko si ate na naglilinis. Inabutan ko pa muna ito ng pera, "Pakilinis nalang po lahat ate and paki-make sure nakalock po yung kwarto pagkatapos nyo maglinis." Habang inaantay ko ang elevator, nag ayos na muna ako ng sarili ko.

Badtrip! Kung kelan nandito na ako sa baba ng hotel saka ko lang napansin na wala yung cellphone ko. Kainis. Hayaan na nga kesa balikan kopa. Basta ang importante dala ko itong laptop at makapag present ako.

Kung sinuswerte nga naman may taxi na nakaabang sa harap. Agad ko namang tinakbo ito dahil nakita ko na may sasakay din dito. "Hoy! Ako nagtawag ng taxi. Uunahan moko." Rinig kong sigaw nung babae sa labas nang makapasok ako ng taxi.

His Identity || Samuel Kim ArredondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon