Prologue

32 15 3
                                    


Author's Note:

Critique: Aside from that, although your story's language focused mainly on Filipino, there are some noun, adverbs and adjectives that are in incorrect tense/manner and left unedited.

Me: Wala pa me oras para i-correct yung tense/manner and left unedited, siguro kapag finish ko na yung story pero dahil hindi nakikisama ang internet baka madedelay pa sya. Once na iedit ko kasi agad sya mawawala ako sa flow ng story kasi baka makapagdagdag/bawas pa ako ng ibang scene. 


 - Kaya sorry sa mga pagkakamali ko, masyadong marami yan kasama na yung nasa taas ⬆️ na critique. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 


Prologue


Makikikita ko na naman siya pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, papansinin ko ba or iiwasan ko? Kahit nasaan man siya, malayo man or malapit, umiiwas na agad ako, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Gusto ko man na mapalapit sa kanya pero hindi ko alam kung paano at alam ko naman na hindi pwede.


NAKATITIG lang si Limuel sa notebook nya kung saan nakaguhit ang mukha ng isang babae na gustong gusto nya, hindi niya maitago ang paghanga sa taong nasa larawan. Gusto niya itong lapitan at kausapin pero mas nangunguna ang kanyang hiya at duda na baka hindi siya nito kausapin or pansinin.

Maganda, mabait, matalino, madiskarte, nasa kanya na ang katangian ng isang babae na gusto nya, perfect match naman sila kung tutuusin. Sadyang hindi lang talaga sang-ayon si tadhana, o baka naman sang-ayon sadyang pinangungunahan lang ng pangamba?

Itatago na sana nya ang kanyang notebook, "Bro, sino yan?" tanong ng kapatid nya sa kanya. Napalundag siya sa gulat dahil hindi man lang nya napansin na nakapasok na pala ang kapatid nya. Ito ang ayaw nya sa sarili nya, once na mapatitig sya sa isang bagay na gustong gusto niya, nawawala siya sa ulirat.

Inagaw naman ng kanyang kapatid ito at binasa ang maliit na sulat na nakalagay dito. "Aryela," bangit niya at tinitigan ang larawan. Tinandaan ang hulma, itsura at ang hugis ng mukha nito. "Akin na nga yan," sabay bawi niya dito at tuluyan ng tinago ito, sabay alis naman neto sa kwarto.


Hindi ko maiwasan na mag-tanong sa sarili. Sino yung babaeng ginuhit ng kapatid ko? Paano niya nakilala ito? I mean may nalalaman ba siya?


MAKALIPAS ng ilang minuto sinundan niya ang kapatid na si Limuel. "Ano ba ang kailangan mo?" Inis na tanong pag-kaangat na pag-kaangat ng ulo nito. "Nakita mo naman siguro yung sinend ko sa email mo?" Tango lang ang sinagot nito dahil hindi pa niya ito tapos basahin.

"May mga matang nakamatyag Limuel. Hindi ko alam kung sino dahil kakaiba ang istilo na ginamit sa pagkakataong ito," paliwanag nito sabay kuha ng upuan at umupo paharap. "Hindi ko alam kung paglalaruan ba natin, susugurin na natin or aalamin muna natin kung sino siya," dugtong nito. 

Isang article kasi ang lumabas sa computer nila na nagtatangkang kunin ang impormasyong mga nakalagay dito. Hindi pu-pwede nilang gawin 'yon dahil pinaghirapan nilang buuin ang kumpayang ginawa nila. Kumpanya na walang nakakaalam tungkol sa kanilang dalawa, or sabihin na nating walang nakakalam na dalawa sila.

Hinarap niya ang kapatid na may desisyong nabuo, "Ako na ang hahanap sa kan'ya, ako na ang bahala." Tinanguan lang sya nito sabay tapik sa balikat. "Mag-iingat ka. Laging mag-isip bago umaksyon." Ngumiti at sinabing, "Salamat kuya Samuel."


-


KINUHA ni Samuel ang kanyang cellphone at tinawagan ang doctor. Hindi niya malaman ang gagawin, tatayo at uupo sabay sabunot sa buhok lang ang tanging nagawa niya habang nag-hihintay.

"Damn it!," inis na sigaw nito dahil umuwing sugat-sugat ang kapatid at may tama ang ulo. Kitang kita niya kung paano umagos ang mga dugo. Dali-dali din naman ang pagkilos ng doctor para hindi maubusan ito maubusan ng dugo.

"I don't know kung kelan siya magigising, masyadong madaming dugo ang nawala sa kan'ya. Hindi rin magiging safe kung mananatili siya dito. Kung ako ang tatanungin mas maiging itigil mo sya sa rest house, ako nalang ang magbabantay doon." Isa sa mga personal doctor nila si Dr. Jimenez.

Tumango tango nalang ang binata at kinamayan,"Salamat." Nakahinga narin ng maluwag kahit papaano na ligtas ang kapatid pero hindi siya magiging ligtas dito lalo na at walang magbabantay dito. Hindi pu-pwedeng pabalik balik dito ang doctor kailangan na may permanenteng may magbabantay, at 'yon ang hindi pu-pweng mangyari dito sa kanilang bahay lalo na't magtatagal sa lugar nila. 

"Mamaya rin ay mag-aayos na ako ng mga gamit na dadalhin para narin makasigurado." Tumingin siya saglit sa bintang nakaratay sa higaan. "Ikaw na muna ang bahala dito. Mauuna na ako Samuel," sabay kuha ng bag nito. Hinawakan naman agad ni Samuel ang kamay, "Hindi nila pwedeng malamang buhay si Samuel. Limuel, tawagin mo akong Limuel.  At para ako ang hahabulin nila kapag nalaman nilang nakaligtas ang kapatid ko sa kanilang ginawang pagtangkang pagpatay dito. Ayokong mawalan pa ulit ng pamilya Dr. Jimenez."


-


DALI DALING kinuha ni Ariella ang ID nya at nilagay sa bag. Tinanghali na naman siya kasi ng gising kahit ilang beses na siyang nag-alarm sadyang hindi talaga siya nagigising sa dami ng iniisip nya. 

Inis naman siyang nag antay ng jeep sa kabilang kanto nila, kung sinuswerte sakto naman ang dating.

Hindi kasi maayos ang terminal ng mga sakayan dito kaya pahirapan makasakay lalo na't magkakaroon ng traffic kung matagal na nakahinto. Madami naman na dumaang mga pampublikong sakayan pero jeep lang gusto niyang sakyan dahil sa mura nitong presyo.

"Badtrip," usal nito pagkababang-pagkababa nito sa sinakyan. Ilang hakbang nalang ay nasa harapan na siya ng gate ng bigla siyang sitahin nang papasok na sya, "Hija, ID mo isuot mo." Napasinghal sa inis ang dalaga at pagkasuot mabilis niyang inakyat ang silid. Swerte nga naman dahil mukhang hindi pa nagsisimula ang klase.

Kinalabit niya ang kaibigan na si Edward at tinanong kung saan nagpunta ang prof, kibit-balikat lang naman ang sinagot nito sa kanya napasinghal tuloy lalo ang dalaga dahil dito. 

Nagpasalamat nalang din siya dahil wala pa sya dahil kung hindi mapapahiya na naman siya. Mahilig kasi 'yon mamahiya ng mga estudyante at kung ano-ano pang masasakit na salita ang binibitawan.

"ANSWER it now. Pagbalik ko kokolektahin ko ang mga yan," at ganun nga ang nangyari sa buong oras, nag-iwan lang siya ng sasagutan. Matapos masagutan ay pumunta muna siya sa banyo, inayos ang sarili at umihi.


Mag dodouble check na nga lang ako, kinuha ko naman ang libro at binuklat ng may nakita akong nakaipit dito. Isang litrato. Kinuha ko ito at tinitigang mabuti, nakita ko na sya. Siya yung sa kabilang klase. Naghanap pa ako baka may iba pang papel na nakaipit pero wala, itatabi ko na sana ito pero pagtalikod ko may nakita akong nakasulat sa likod na maliit na letra.

Limuel

0905-900-8903


"Limuel," bangit nya. Hindi niya maiwasang mapaisip kung saan ito nanggaling or sino ang naglagay nito sa kanyang libro. "Uy 'te, sino yang nasa picture? Jowa mo?" Sinubukan naman na agawin ni Alexa ang litrato, tinago naman agad sa bag ni Ariella bago pa makita. "Wala! Magsagot kana nga diyan," sabay patulak ng mahina sa kaibigan para makalayo, sininghalan naman sya nito. Siya na ba?


***

Thank you for reading.

His Identity || Samuel Kim ArredondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon