Chapter 1

28 11 24
                                    


Author's Note:

Critique: Aside from that, although your story's language focused mainly on Filipino, there are some noun, adverbs and adjectives that are in incorrect tense/manner and left unedited.

Me: Wala pa me oras para i-correct yung tense/manner and left unedited, siguro kapag finish ko na yung story pero dahil hindi nakikisama ang internet baka madedelay pa sya. Once na iedit ko kasi agad sya mawawala ako sa flow ng story kasi baka makapagdagdag/bawas pa ako ng ibang scene.

- Kaya sorry sa mga pagkakamali ko, masyadong marami yan kasama na yung nasa taas ⬆️ na critique.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 


Chapter 1


Halos kalahating araw ng nakaupo sa kanyang kwarto si Samuel, nakaharap at busy sa pag ta-type sa kanyang laptop samantalang ang kanyang kapatid ay kumakausap ng mga kasosyo sa negosyo.

Siya ang nakikipag transact dito tungkol sa kanilang business na motor at kotse,  at mamayang hapon ay makikipag-usap naman sya tungkol sa laro at programs na kanilang ginagawa. Kung minsan ang kapatid naman nya ang nakikipag-usap dito, salitan lang sila kung baga pero mas pinipili ng panganay sa harap ng computer dahil mas mabihasa sya sa security system.

Security system, kung saan kinakailangang baguhin ang boses, kaya gumagamit sila ng sarili nilang application na gawa nila - voice changer para maiwasan na gamitin ang boses nila sa kung saang bagay; gumamit rin sila ng isang device kung saan ang location ay hindi tukoy kung saan nga ba ito nakalagay, parang isang VPN pero ang pinagkaiba neto ay maraming lugar ito nakaturo; hindi rin nila ginagawa ang video conference meeting dahil walang nakakaalam tungkol sa kanila.

Mahirap na. Kailangan nilang maging maingat. 

"Just give me some time. The game is not yet finish. My co-developers and co-programmers are on vacation. C'mon, don't do that. Just a month we can finish it. Alright. Thanks. Bye."

Sabay ng pagpindot ng end call ay s'ya ring paghinto ng kamay sa keyboard ng isa. Napatingin si Limuel sa kapatid, "Pagod na?," may halo itong nakakalokong tawa. Umiling lang ito at ipinikit ang mata. Kahit nakaupo lang s'ya ay feeling nya s'ya ang nakipag usap dahil tutok na tutok s'ya sa harap ng screen. "Want some snacks first?," tango lang ang sinagot nito sa kapatid.

Bumaba sya sa kusina para gumawa ng isang egg sandwich. Halos mahigit labinlimang minuto rin ang nalaan nya sa pagluluto. 

Kahit busy sila, kailangan nilang kumain ng wasto. Natuto silang ng mga gawaing bahay. Pagluluto, paglalaba, paglilinis ng gamit sa bahay, kahit ang pagpalit ng mga kurtina at punda. Wala silang inaasahan na katulong or tutulong sa kanila dahil kailangan nilang tumayo sa sarili nilang paa.

May mga kaibigan naman sila kagaya lang din nila. Nagkikita kita lang sila two-three times a week, may mga sari-sarili rin kasi silang pinagkakaabalahan. Kung gagawa naman ng laro o ng isang imbensyon, halos nandito sila araw-araw. Kung minsan, halos madalas, ay dito narin sila natutulog.

Hindi na nila kailangan pang lumabas, dahil kumpleto na sila ng mga gamit mula sa theater room, kapag relax time nila dito sila pumupunta hindi para manuod kundi para matulog- sounds proof kasi ang lugar; may mini-bar din sila, hindi naman mamahalin ang mga alak na nandun tamang redhorse lang sila, may mga imported naman pero nakatago ito sa bodega at iniinumin lang nila kapag may kailangan icelebrate; mayroong gym, play room, at may sariling kwarto para mag program.

His Identity || Samuel Kim ArredondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon