Chapter 6
A R I E L L A 's P O V
Alam kong hindi dapat ako kabahan or matakor dahil wala naman akong ginagawang masama. Napag-utusan lang naman ako, kasalanan ko ba 'yon? Napatingin muli ako sa mga taong nasa harap ko ngayon.
Si Mrs. Rodriguez na may hawak na papel at ballpen.
Securities.
Isang dalaga na sa tingin ko ay parte ng accounting department dahil naka-indicate sa ID Lace nito.
Isang bodyguard, or not? Well, hindi naman 'sya mukhang bodyguard naka long-sleeves itong plain white.
Lastly, the one with the black cap.
"Miss Ella," napabuntong hininga muna ako bago humarap sa bodyguard.
"Look. Initusan lang ako na dalhin ito dito," tinaas ko pang muli ang mga papel na ngayon ay gusot-gusot na. "Wala akong intension na saktan sya, okay? Sorry sa nangyari."
Humarap naman si Mrs. Rodriguez at ang dalaga mula sa accounting department sa direksyon ng taong prenteng nakaupo habang hawak hawak ang kanyang sombrero at sabay na humingi ng pasensya dito. Hindi man lang ito sumulyap sa kanyang mga empleyado.
"Sorry boss, akala ko po kasi isa sya sa mag apply ng trabaho," what? Well, pwede rin naman since nagpa-plano talaga ako na dito ako magta-trabaho. Lumapit yung bodyguard sa boss nila.
"Maari na kayong umalis." Agad ko namang kinuha ang bag ko, muli pa akong sumulyap sa bodyguard at sa boss, nagbubulungan padin sila. "Maiwan ka Miss Ella."
I'm doomed.
NAPATINGIN ako sa relo ko, anong oras ba nila ako papalabasin? Tumitig nalang ako sa taong nakaharap sa'kin, seryoso itong nakatitig sa cellphone nito. Hindi pa rin s'ya nakakapagpalit.
"Pwede naba akong umalis?" Kinuha nya yung remote at agad naman din namang may nagflash sa projector screen.
What are you doing here?
Napairap ako sa nakalagay. Hindi ba pwedeng sabihin nya? Kailangan gumamit pa ng ganyan?
"The company emailed me." Nag type pa muna ito sa cellphone nya bago may lumabas ulit na tanong sa screen.
"How can you be so sure that the email comes from the company? What? Seriously? What kind of question is that?" Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. Is this a trap?
"Look. Pwede kong buksan ang email ko at ipakita sa –" Napatingin naman ako sa screen.
No.
"Are you serious?" Ano bang problema nitong tao na'to? Lumapit naman yung bodyguard sa'kin at kinuha ang bag ko. "Sorry Miss. Kailangan lang namin i-check yung bag mo." Hinawakan ko naman ang laylayan nito bago pa nya makuha ng buo.
"Care to explain?" Ngumiti muna ito bago hinaltak bag ko. Hindi naman ako pwedeng mag-inarte dahil company 'to na gustong-gusto ko pasukan.
"Andito ako para i-present yung item na napili ng company na'to. Sabi sa email, ten in the morning ay dapat andito na but. Yeah! I'm late. Twenty minutes, I guess? Dumiretso ako sa lobby sabi ay sa HR ako pumunta wherein doon ko nakilala si Mrs. Rodriguez. Siya ang nag-utos sa akin na dalhin yung papel sa accounting department. Paano ko malalaman kung saan yun? Hello! Then, nakarating ako dito sa floor na'to. Walang tao sa harap, so dumiretso nalang ako. Hanggang sa dinala ako ng paa ko dun sa studio mo. The rest is history." Sakto namang binabalik nadin nila ang gamit ko sa loob ng bag. Liptint, baby powder, umbrella, pad paper with a pen, wallet and panyo. Wag lang nila subukan buksan ang panyo.
BINABASA MO ANG
His Identity || Samuel Kim Arredondo
General FictionWalang nakakaalam na may kapatid ako. May naghahanap sa'min, may gustong pumatay sa'min, may gustong kumilala sa'min, at hindi ko hahayaan na magtagumpay sila sa gusto nilang manguari. Hindi pupwedeng malaman ng kahit na sino. Ayoko, ayoko, kahit an...