Author's Note:Critique: Aside from that, although your story's language focused mainly on Filipino, there are some noun, adverbs and adjectives that are in incorrect tense/manner and left unedited.
Me: Wala pa me oras para i-correct yung tense/manner and left unedited, siguro kapag finish ko na yung story pero dahil hindi nakikisama ang internet baka madedelay pa sya. Once na iedit ko kasi agad sya mawawala ako sa flow ng story kasi baka makapagdagdag/bawas pa ako ng ibang scene.
- Kaya sorry sa mga pagkakamali ko, masyadong marami yan kasama na yung nasa taas ⬆️ na critique.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 3
"Morning"
"Good morning"
"Kamusta bakasyon?"
"Masaya"
"Hindi na masama"
"Hello everybody!"
"Gwapo natin ngayon ah!"
"Taba natin ah!"
"Talaga sinong tumaba?"
"Hello."
"Hello"
"Linising mabuti ha. Yung alikabok"
"Eto okay naba ito?"
MGA salitang maririnig mo sa lugar. Nagdatingan na ang lahat ng kasamhan at ngayon araw ay mag lilinis muna sila ng mga lugar, isa na dun ang computer room. Hindi kasi nililinis ng magkapatid ito dahil masyado silang busy sa ibang bagay, pero kung ganitong pagkakataon na nandito silang lahat ay tumutulong sila kahit papaano sa paglilinis.
"Hello, everybody! Sarap ng bakasyon. Simula na ulit ng trabaho." Sabay dampot ng walis at dust-pan ni Uno. Binagalan nya lang ang pagwalis at inaantay ang kapatid para sa kanya inuutos ito, kaso mukhang hindi pa tapos magligpit ng gamit sa kanyang kwarto.
Hawak hawak naman ni Lance ang plastic bag na puno ng basura at tinulungan si Ranz na ipasok ang mga alikabok na nasa dust-pan. "Bumili nga ako ng bagong headphones ko nasira nung nakasabay ko sa bus. Sayang tuloy, imbes na pinanggala ko nauwi tuloy sa headphones," may panghihinayang sa boses ni Lance.
Nung pauwi palang kasi sya at nag-aantay mapuno ang bus may nakatabi syang babae. Nung una ay ayos pa naman ito kaso nung nakatulog sya at hindi nya namalayan na nahulog na ito. Nagising sya nung huminto ang bus at nakita nya na tulog ang babae sa balikat nya. Nagising agad nung ginising sya nung kasama nyang isang babae, kaso yun rin yung oras na natapakan yung headphones nya.
Hindi nya alam kung sisisihin nya, kaso nakababa narin kaagad ito. Kasalanan din naman nya kasi hindi nya namalayan na nahulog na ito.
Napangiwi naman si Jun nung marinig ang kwento neto. "Hay naku buti ka ganyan. Kung ikaw nasa kalagayan ko nun siguradong mapapahiya ka talaga. Pre! Inutusan ako ng nanay ko bumili ng box ng wipes. Ngayon nung pauwi nako may nakabangga akong bata, nadapa tuloy sya. Tutulungan ko na sana sya nung may biglang babae na nasa harap ko. Ang ganda nya mga pare! Binitawan ko muna yung hawak ko na plastic tsaka tumulong din sa bata."
"Hindi ko ineexpect tatadyakan ako ng bata pre! Sinisi ako. Ngayon naman nung sinubukan kong kuhanin ang kwelyo ng bata biglang humarang yung babae. Tapos ... tapos," pigil hiningang sabi nito.
BINABASA MO ANG
His Identity || Samuel Kim Arredondo
General FictionWalang nakakaalam na may kapatid ako. May naghahanap sa'min, may gustong pumatay sa'min, may gustong kumilala sa'min, at hindi ko hahayaan na magtagumpay sila sa gusto nilang manguari. Hindi pupwedeng malaman ng kahit na sino. Ayoko, ayoko, kahit an...