Chapter 7

2 1 0
                                    


Chapter 7


A R I E L L A 's P O V

TAMAD na tamad akong gumilid para abutin ang cellphone ko. Araw ng lunes ngayon at may pasok pa ako. Last week na ito ng pasukan, kahit last week na may mga ipapasa parin kami. May mga prof din na nagpapasagot pa para ihabol sa mga grades na bagsak, syempre additional din iyon sa mga hindi bagsak.

Late na ako natulog dahil tinapos ko pa ang website na ginagawa ko, kung saan maya't maya ang gulo sa'kin ni Alexa para ipakita ang disenyo ng damit na gawa niya. Nandoon din yung punto na kumakain habang nagawa, may pasilip sa social media, kwentuhan at dumating din sa punto na ayain ako maglaro.

Isang malaking temptation para sa akin iyon, kung sakali na bumigay ako ay magtutuloy-tuloy iyon at baka hindi ko pa tapos ang website ngayon. Nasa huling parte na ako ng website ko ng biglang nablangko ang utak ko, kaya naisipan kong maglaro. Yayayain ko sana si Alexa pero tulog na'to kaya mag-isa lang ako maglaro noong oras na'yon. Matapos, umidlip at gumawa ulit.

Bago ako humiga ay sinigurado ko na nakaalarm ang cellphone ko. Nagtingin pa nga ako ng email ko nagbabakasali nag email na ang kumpanya. Nang oras rin na'yon ay nagawa ko pang pagpantasyahan ang lalaking 'yon. Pilit ko din inaalala ang tinawag sa kanya ng bodyguard, kaso hindi ko iyon maalala.

Alas-otso na pala. Wait. What?

Agad akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Hindi ko na nagawang galawin pa ang pagkain na iniwan ni Alexa sa lamesa. Maaga iyon pumasok, hindi ko rin naman siya sinabihan kagabi na gisingin ako kapag aalis na siya. Tulog na siya noon at nakaligtaan ko rin naman.

Mabilisan lang ang ginawa kong pagligo. Maigi nalang na plantsa ko na ang uniform. Naayos ko narin naman ang aking gamit bago ako natulog kaya kinuha ko nalang basta ang bag ko. Tumingin muli akong saglit sa sala para masigurado na wala akong naiwang gamit. Mahirap ang biyahe kung sakaling may maiwan ako.

Kinapa ko saglit ang ID ko sa bulsa ng bag. Napahinto agad ako ng hindi ko ito nakapa. Ginamit ko nga pala itong bag nang pumunta ako sa Kadiwa. Patakbo akong bumalik sa bahay at kinuha ang ID sa sabitan at nilagay na sa bulsa ng bag.

Hindi ko agad ito sinusuot dahil nasasakal ako. Sagabal pa ito lalo na't nagmamadali ako. Kadalasan kasi ay sumasabit ito sa kung saan, ending, either na nahuhulog kaya babalikan ko pa o sasabit dahilan para masakal ako.

Naaninag ko na wala masyadong tao sa kanto para mag antay ng mga sasakyan. Patakbo agad akong sumakay sa jeep ng bigla itong huminto doon. Segundo lang kasi ang tinatagal nang pagkakahinto nito, kung magtatagal ay magdadala ito ng traffic.

Hindi kasi maayos ang terminal dito kaya pahirapan makasakay. Madami naman ang mga sasakyan, jeep lang talaga gusto ko sakyan.

"Bayad nga po. Isang Palico, estudyante."

Kung minamalas ka nga naman. May katandaan pa ang nagmamaneho, kaya may kabagalan rin ang takbo. Maswerte nga at nakasakay agad ako, malas naman dahil mabagal ang takbo.

Nang matanaw ko ang school nagpara na'ko. "Badtrip," nausal ko nalang pagkabang-pagkababa ko.

Tumingin ako sa relo para malaman kung ilang minuto ang biyahe, kinse minuto, thirty minutes na tuloy akong late. Lakad-takbo ang ginawa ko para marating agad ako sa gate.

"Hija, ID mo isuot mo."

Napasinghal naman ako dito. Wala akong oras para sagutin pa'to. Inabot ko nalang sa bulsa ng bag ang ID at pinakita sa kanya kung paano ko ito isinuot. Sinigurado kong maayos ang kwelyo bago ko tinakbo paakyat ang room.

His Identity || Samuel Kim ArredondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon