Chapter 8

2 0 0
                                    



Chapter 8


A R I E L L A 's P O V

"Here is your change ma'am," inabot ko rin agaad ang barya at basta-basta ko nalang inihulog sa malaking zipper sa bag. Hindi ako naglalakad na ang pera ko ay sa unahang bulsa dahil kung manakawan baka hindi ko maramdaman, atleast kung sa malaking zipper kapag binutas may possible namahulog ang barya kapag gano'y may possibility na malaman ko na ninakawan na'ko.

Sumunod naman agad ako sa taong kasama ko ngayon. Hindi ko malaman kung paano niya ako napasunod sa gusto niya. Oo, may kailangan ako sa kanya. Literal na kailangan. Tsk. Kung wala lang hindi na ako magti-tiyagang sumunod nang sumunod

Ang hindi ko inaasahan kung paano niya ako mapapayag na haltak haltakin niya lang ako basta basta. Ang sakit pa naman din niya maghaltak at ang higpit pa ng pagkakahawak!

"Sure ka ayaw mo?" Kung nakakamatay lang ang masamang titig, patay na siguro itong taong ito. Ngumiti nalang ako ng bahagya sa kaniya, kahit gusto ko na talagang sapakain ang pagmumukha, at umupo sa tabi nitong upuan, "Hindi na. Para sa iyo talaga 'yan." Ngumiti pa ito at nagpatuloy sa pagsubo ng siopao.

Hapon na masyado pero hindi pa nalubog ang araw kaya kitang-kita ko ang mga bata na naghahabulan dito sa palaruan. Sa gilid ko naman ay ang mga bantay nila, may mga nagda-date din dito, sa kabila naman ay ang mga loner.

Tumingala nalang ako para maiwasan sila --- ayokong makakita ngayon ng ganiyang senaryo --- at kita ko naman ang pagka-orange ng ulap. Ang sarap titigan, nakakawala ng pagod. Kahit hindi pa nagsisimula ang pinapagawa sakin, feeling ko pagod na pagod na'ko. Kailangan ko itong gawin, matapos ng lahat-lahat ng ginawa niya para sa'kin. Sabagay, nakakapagod din naman maghapon nakaupo sa klasrom, hindi na rin nagsipasok ang ibang prof kaya ending ang ingay nila, natulog lang naman ako kanina dahil kulang na kulang talaga ako sa tulog.

May mga ibon pang naghahabulan sa himpapawid, kay ganda nga namang pagmasdan. Naging ibon din naman ako, I mean nakipag habulan, walang problemang iniisip, hayahay lang sa buhay. 

May mga ibon ding naghahabulan noon, ganitong araw din 'yon. Araw na masaya dapat pero hindi ko inaasahana na mauuwi sa gano'ng pagkakataon.

Tuwang-tuwa ako nang araw na'yon. Makikipag kita kasi ako sa textmate ko.

"Anak naman. Jusmiyo kang bata ka! Kaya ayaw kitang bilhan ng cellphone. Kung hindi lang talaga iyan kailangan," rinig na rinig ko ang buntunghininga ni mama. Hindi ko nalang siya sinagot. Patuloy ko nalang siyang hinaltak papunta sa may kanto ng plaza. 

Nang makarating sa kanto, binitawan ko saglit ang pagkakawak ko kay mama at kinuha ang cellphone sa bulsa.

'Andito na ako sa kanto. Excited na akong makita ka. Ikaw ang kauna-unahan kaibigan ko dito sa online.'

Matapos kong i-type 'yon ay agad ko rin sinend. Ngiting-ngiti naman akong humarap kay mama. Halatang-halata na pagod siya, hindi ko man lang siya pinagpahinga saglit. Pasensya na mama.

Gustong-gusto ko na kasi siya ipakilala sa'yo mama. Siya yung kaisa-isang tao na naging mabait sakin kahit mahirap tayo ma. Siya ang naging sandalan ko, bukod sa'yo mama, siya ang sinasabihan ko sa lahat ng pangyayari sa buong araw.

"Upo ka dito mama," pinagpagan ko pa ang lapag. Nakapuwesto kasi kami sa may hagdan. "Hayaan mo na ako, ako nalang ang tatayo. Magpahinga ka muna diyan mama," inakay ko pa siya umupo. Hindi niya na rin gumawang pumalag dahil sa pagod rin siya. Kitang-kita ko rin ang bawat pagbuntong hininga niya.

Tinitigan ko pa si mama. Haggard ang mukha, pawis ang katawan, may pagkagusot na ang unipormeng suot, at halatang naglalagkit na ito dahil maya-maya ang punas sa braso at mukha.

Napatingin agad ako sa cellphone nang maramdaman ko ang pagvibrate nito.

'Saglit lang. Ang bagal kasi maglakad ng kapatid ko. Labag na labag sa loob samahan ako.  Kainis. Hahaha. Konting antay lang kaibigan.'

Wala ako masyadong alam tungkol sa kaniya. Tanging alam ko lamang ay may kapatid siya, hindi siya madalas magkuwento, ako kasi ang kalimitang nagkukwento sa'ming dalawa. Hindi ko pa rin naririnig ang kaniyang boses, gano'n din siya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang tawagan siya. Kaya kapag nagkukwento ako, hirap na hirap akong pindutin ang keypad ng cellphone ko.

"Idlip lang ako saglit anak. Bilisan kamo ng kaibigan mo at hapon na. Baka abutin tayo ng gabi at hindi na natin makita ang daan pauwi," humikab-hikab pa ito habang nag-uunat. "Kaganda ng panahon 'nak, sadyang panahon nga ata para magkita kayo. Hapon na pero hindi pa nalubog ang araw. Kaswerte."

Ang ganda ng mga ngiti ni mama, ramdom mo ang sinceridad sa kaniyang sinasabi. Napatingin ako  sa tinitingnan niya, ang ganda ng langit, tama si mama. Hapon na pero hindi pa nalubog ang araw. Hindi pa nabubuksan ang mga street light kaya ang ganda at presko tingnan ang kulay orange na ulap. "Idlip ako saglit 'nak ha." Lumapit naman ako at binigyan ng halik si mama.

Hindi ko alam kung saan ako titingin kakahanap, hindi ko malaman kung nasaan na kasi siya. Wala man lang pasabi. Kainis. Sa kanya ko rin natutunan ang mga pinaikling salita lalo na kapag nag kukwento ako sa kaniya --- tuwing tungkol kay punchsk.Naiinis kasi siya sa'kin, lagi daw kasi siyang nabibitin kasi ang bagal ko magtype ng next na kwento. Tinuro niya tuloy sakin yung mga pinaikling salita, gamit lamang ang isang letra nakakabuo na ng isang salita.

Galit na galit pa nga siya sakin minsan kasi sa sobrang pinaikli hindi na niya maintindihan. Sinisisi pa niya ako dahil nagmumukha siyang grade 1 kapag nagbabasa siya at huhulaan kung ano ang ibig kong sabihin sa text.

'Bilisan u na. Pagod na c mader.'

'Andito na ako. Saan u?'

'Sa may hagdan. Ikaw pmnta, ksma ko c mader.'

Hindi na rin nagreply pa. Napatingin naman ako kay mama, tulog na. Halatang pagod talaga. Hindi ko na siya ginising, mamaya nalang siguro kapag nandito na siya. Mahal na mahal kita ma, salamat sa lahat.

Gusto na kitang makita mama. Alam kong hindi pa pwede sa ngayon, sa takdang panahon. Antayin niyo 'ko. 

Napatingin naman ako sa katabi ko. Nakapagmuni nalang ako at lahat, itong kasama ko ay hindi parin tapos kumain.

"Hindi ka pa ba tapos?" Kahit alam kong hindi pa, tinanong ko nalang ulit para naman mahiya naman at baka bilisan kumain. Uminom muna siya saglit sa delight at kitang kita ko ang pag-galaw ng kanyang adams apple.

'Whew'

Hanep. Iba ka talaga. "Saglit lang. Patapos na," sabay salpak ng natirang pagkain sa bunganga kahit may laman pa ito. Kaya ang nangyari ay punong-puno ang bunganga niya. Ano ba 'tong tao na'to. Kababoy naman!

"Saglit lang talaga. Promise!"

"Ya! Natatalsikan ako. Dugyot ka!" Tumayo agad ako sa kinauupuan ko at pinagpagaan ang braso na tinalsikan ng kanyang laway. 

"Pasensya na sis. Alam mo naman si akes. Tomguts na talaga! Thank you sa libre dai ha. Nabusog ako doon," sa wakas natapos narin kumain. Tumabi muli ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "Ay naku, baka nakakalimutan mo may kapalit 'yan."

"Oo na. Kaloka. Ano ba gusto mong malaman kay Limuel?" Sabay ikot ng bag nya paharap at kumuha ng ... wipes? Bakla nga talagang tunay. Kung ako 'yon tamang pagpag lang, hindi naman ako makalat kumain. Kaso hindi ako yung kumakain. 

"Ano bang alam mo? Yung alam mo ang gusto ko malaman. Lahat ng impormasyon. As in lahat," pagdiin ko pa sa salitang lahat. Para damang-dama niya na gusto ko talaga malaman ang lahat ng nalalaman nya.

"Hm. Alam mo naman si akes, basta gwapo lahat alam ko," taas-taas pa ng kilay 'tong baks na'to.

"Oh, anong alam mo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Identity || Samuel Kim ArredondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon