Chapter 1

4.2K 34 3
                                    

And our Finals MVP for UAAP Season 82 Mens Basketball!!!

Three peat! Congratulations to the man in Jersey No. 0, THIRDY RAVENA!

Hiyawan lahat ng fans sa loob ng MOA Arena. Thirdy still can't believe it. He didn't expect this award. Basta ang alam niya, ginawa niya ang lahat ng kaya niya para makagawa sila ng history sa Ateneo. And here it is, finally! After all those hard trainings, maagang gising para hindi malate, those family gatherings na pinalampas niya, it is all paid off. Finally! They've got the championship! Those sacrifices are all worth it!

Tumayo si Thirdy sa harap ng mga fans, idinipa ang dalawang kamay hawak niya ang MVP trophy, kinagat ang championship medal at sumigaw siya, "Salamat po sa support!"

After ng finals, diretso ang buong BEBOB sa Ateneo para sa kanilang thanks giving mass. Church of Gesu, doon ang venue.

Bago pumasok si Thirdy sa loob, tumayo muna siya sa harap ng simbahan.

"Thanks G!", bulong niya habang magkadaop ang dalawang palad at nakapikit.

Nagulat siya ng may umakbay sa kanya.

Si Kiefer.

"You've made it Bro, congrats", bati ni Kiefer sabay tapik sa dibdib niya.

"Thanks Manong", niyakap niya ang kapatid.

Hindi niya maitatanggi na si Kiefer ang dahilan bakit niya laging gustong manalo. Since High School, he was always at his Manong's shadow. Tuwing lalaro siya, laging may sasabihin ang mga tao.

Kinukumpara siya lagi sa kuya niya. Pati na din sa kanyang ama.

Wala siyang sama ng loob sa mga ito pero sinabi niya sa sarili niya na gagawa siya ng pangalan. Sarili niyang pangalan sa industriya ng sports.

"Gusto kong magpasalamat, to all the fans, to all the supporters of Ateneo, Ateneo community, we are not where we are now kung wala po kayo. Gumagastos pa talaga kayo para lang suportahan kami, marami pong salamat", itinaas ni Thirdy ang kanyang kamay at kumaway sa fans na nasa loob ng Gesu.

"To my family, Papa Bong, Mama Mozzy, Manong Kief and Danni, thank you for the undying support throughout this UAAP Career. I will never be standing here in front of everyone if not because of you guys, I love you!", tumingin siya sa family niya na magkakasamang nakaupo sa may bandang harapan at ngumiti.

"I love you Kuys!", sigaw ni Danni, tumayo pa ito at kumindat.

Ah, si Danni talaga laging gusto may eksena. Natatawa niyang bulong sa sarili.

"And of course the Coaching Staff, Coach Tab, I love you Coach kahit ako yung paborito mong pagalitan during trainings, I love you pa din coach, you made me a better athlete that I have always dreamt of.", ngitian niya si Coach Tab

"And to all the members of our Team, I love you Guys, I will miss you so much. Wag na masyado mambabae", tumawa siya.

"Ikaw lang yun Thirds, wag mo kami idamay", si Isaac

Tumawa ang mga tao sa loob ng Gesu.

"And lastly, to my future girlfriend", kumamot siya sa likod ng batok at tumungo. Namumula ang mukha niya, kitang kita sa camera.

"Ohhhh", sabay sabay ang mga tao sa loob ng Gesu

"Antay ka lang diyan, papunta na ako. Sorry, natraffic lang", sabay ngiti niya.

Sigawan ang mga tao habang bumaba ng stage.

"May girlfriend na ba ang anak mo", bulong ni Bong kay Mozzy.

The Way We Want It To BeWhere stories live. Discover now