Chapter 17

1K 25 1
                                    

Day 6 of 7

Ang lawak ng farm nila Bea. Siguro kung tatantiyahin ni Thirdy, baka mga nasa pitong ektarya ito.

May malaking kubo na bandang kanan, may mini forest naman sa kabila. Ang dami ng puno ng mangga at iba't ibang prutas na nakatanim. Sa hindi kalayuan ng kubo ay nandun ang kulungan ng mga kabayo. Ang presko ng hangin. Nakakarelax.

Kakarating lang nila ngayon dito sa Farm, mag6pm na sila nakarating kasi nakapasarap ang kwentuhan nila ni Tito Elmer niya. Madami kasi itong kwento kaya hindi niya maiwan. Wala namang nagawa si Bea. Mukhang namiss nila ang isa't-isa.

May 4 na kwarto yung kubo nila Bea dito. Kubo ang tawag nila pero mukhang hindi naman ito kubo. Kumpleto kasi ang gamit nito sa loob, parang itsurang hotel din ang loob.

Nakaupo si Thirdy sa may terrace ng kubo at nagpapahangin habang inaantay si Bea. Nagpaalam kasi ito na magpapalit muna ng damit.

"Thirds, gutom ka na ba? Papahanda ko na yung dinner", Hindi namalayan ni Thirdy na nakalapit na pala si Bea sa tabi niya.

"No, ok pa ako, busog pa ako. Ang dami naming kinain ni Tito Elmer kanina habang nagkukwentuhan", sabay tawa ni Thirdy ng maalala niya yung pagkain na nilantakan nila ni Tito Elmer niya.

"Haha, funny, ang sarap nga ng kwentuhan niyo e, minsan nga naisip ko, ikaw ang anak ni Dad at hindi ako", sabi ni Bea at lumakad ito sa may harapan niya, dumungaw ito sa bintana ng terrace.

Nakadress pala ito, ngayon lang napansin ni Thirdy. Ngayon lang ulit niya ito nakitang magsuot ng dress.

"Ang ganda ng damit mo a", puri ni Thirdy.

"Wag kang ano, di na kasi ako nagdala ng maraming damit kasi uuwi din naman tayo bukas na gabi", sabi ni Bea na namumula. Papano ba naman ay nakatitig sa kanya si Thirdy.

"Bagay nga sayo e", sabi ni Thirdy at akmang lalapit ito sa kanya.

"Epss, diyan ka lang. Antayin mo ako diyan, tatawagin ko na si Manang, papahanda ko na ang pagkain. Dito ko na lang ipapadala ang foods kasi parang mas ok kumain dito, malakas ang hangin", sabi ni Bea sabay iwas kay Thirdy. Ang bilis nitong bumaba at pumunta sa first floor ng kubo upang tawagin si Manang.

Nakangiti naman si Thirdy habang umiiling. Ang galing ni Bea sa mga ganung iwasan. Hay Bea.

______________

Kumakain na sila ng biglang may kantang nagplay sa loob ng bahay.

Sabay silang napalingon. Sakto namang paakyat si Manang, may dalang inumin nila.

"Mga anak, pasensiya na kayo ha, binuksan ni Manong mo yung maliit na radyo niya kasi ugali talaga niyang buksan yan para makatulog siya. Ok lang ba sa inyo, kung nakakaistorbo'y ipapapatay ko na", sabi ng matandang babae.

"Naku, ok lang po yun Manang. Ang ganda nga ng music e, fan pala ng OPM si Manong", sabay tawa ni Thirdy.

Natawa din si Bea. Nakita na naman ni Thirdy na ngumiti ang chinita niya. Sarap tingnan.

Pagbaba ni Manang, saktong umpisa ng kanta ni Mark Carpio, Ako Nalang Sana. (Play nyo bago nyo basahin para feel na feel).

Minsan na lang akong umibig
Ako ba'y nagkamali
'Di sinadyang mahulog sayo
Mayron bang nagmamay-ari
Kahit na anong pilit
Katotohana'y may galit
Dinggin ang sigaw ng damdamin"

Nagkatinginan sila Bea at Thirdy. Hindi nila maalis ang titig sa isa't-isa. Tumayo si Thirdy at lumapit kay Bea.

"May I have this dance?", sabi nito sabay lahad ng kamay niya kay Bea.

Inabot naman ni Bea ang kamay nito at tumayo na din. Inilagay ni Thirdy ang dalawang kamay ni Bea sa batok niya at ipinatong naman nito ang kamay sa bewang ng dalaga. Sabay silang sumayaw sa saliw ng musika.

Ako na lang sana
Ang iyong minahal
Ako na lang sana
Ang iyong ligaya
Ako na lang sana
Hanggang pagtanda
Ako na lang, sinta

Napapikit si Bea habang pinapakinggan ang Lyrics. Ano ba naman tong kantang to, saktong sakto sa moment. 

Pagsubok lang ba
O di para sa akin
Dapat nga bang bumitiw
Ba't nagtagpo ang ating puso
Kung ikaw rin ay aalis

Ipinatong ni Thirdy ang mukha niya sa balikat ni Bea at niyakap niya ng ito mahigpit habang sumasayaw pa din sila.

Pag ibig ko'y di mapigil
Kahit na may pighati
Dinggin ang sigaw ng damdamin

Na ako na lang sana
Ang yong minahal
Ako na lang sana
Ang yong ligaya
Ako na lang sana
Hanggang pagtanda
Ako na lang, sinta

"Bei, lagi kang mag-iingat ha. Promise mo sa akin na kahit anong mangyari, hindi mo ako kakalimutan. Hinding hindi ako mawawala sa ala-ala mo", bulong ni Thirdy habang nakayakap pa din siya kay Bea.

Hindi nagsasalita si Bea. Sinubsob lang ni Bea ang mukha niya sa dibdib ni Thirdy.

"Lagi mo sana tatandaan, na mamahalin kita lagi. Hindi kita makakalimutan. Kahit ganito man ang nangyari sa atin, aasa pa din ako Bei, maghihintay ako hanggang maging handa ka na. Kung hindi man ako ang piliin mo, ok lang. Basta, please, promise me that you will be happy, kahit hindi na ako ang kasama mo", dugtong pa ni Thirdy.

Naramdaman ni Thirdy na namasa na ang dibdib niya. Umiiyak na si Bea.

Itinaas niya ang ulo nito at hinarap niya ang mukha nito sa kanya.

And for the second time around, his lips met her lips again. They kiss passionately, kiss of love, kiss of sweet goodbyes. Ang sakit sakit. Sana hindi na lang ganito kasaklap di ba? 

And that night, wala silang ginawa kundi i-cherish ang natitirang moments nila. Hindi sila natulog halos, nag-usap lang sila at nagpaalaman sa isa't-isa. Kanya kanyang pasalamat sa isa't-isa at pagbibilin.

Konti na lang ang oras. Konting konti na lang.

A/N : Nakailang play ka ng song ni Mark Carpio? NaLSS ka ba?

Ang sakit no? Kaya pa ba?

The Way We Want It To BeWhere stories live. Discover now