Chapter 14

1K 24 2
                                    

Day 5 of 7

Saktong birthday ni Mama Mozzy. So ang kanilang 5th day moment ay sa bahay ng mga Ravena.

After nga nila magjogging kahapon ay dumiretso sila ni Thirdy sa bilihan ng alahas. Si Bea ang pumili ng diamond earrings na regalo ni Thirdy sa ina. Nasa Ravena's residence na sila ngayon. Nagaayos na sila. Maagang pumunta si Bea kasi nirequest daw ni Mama Mozzy na maagang pumunta si Bea para may makasama umano ito sa pagaasikaso ng mga kakailanganin mamaya sa dinner party. Ganun kaclose si Bea sa mga Ravena, parang anak na din siya ng mga ito.

"Tita, ano ang next na ipeprepare?", tanong ni Bea. Suot niya ang Tshirt ni Thirdy, tinupi na lang niya ang kamay nito sa may bandang balikat niya, masyado kasi itong malaki sa kanya.

"Anak, I need your help to peel these potatoes, I love you Bea, thank you for helping me", Sabay yakap ni Mozzy sa kanya.

"Welcome Tita, I love you too", sabi naman ni Bea at yumakap siya sa Tita Mozzy niya. Parang mahuhulog na naman ang luha niya. After this moment, wala na. Baka ito na ang huling araw na makikita niya ang mga ito. So she has to cherish every moment. Bonding with her second family. Bonding with her best friend's family.

Magkayakap sila ng pumasok si Thirdy sa kusina.

"Ahem, ang sweet, pwede ako sumali sa hug?", sabi ni Thirdy.

Kumalas naman sila ng yakap ng Tita Mozzy niya. Inirapan ni Bea si Thirdy at umupo na sa mesa para magbalat na ng patatas.

"Tse! Wag ka na, inggitero", sabi naman ni Mozzy.

Kumamot naman sa batok si Thirdy. Umupo ito sa harap ni Bea at tiningnan niya ito habang nagbabalat ng patatas.

"What?", sabi ni Bea na naconscious tuloy sa ginagawa.

"Bagay pala sayo maging Princess Sarah", sabi ni Thirdy sabay tawa.

"You bastard! alis ka nga sa harap ko, baka ikaw balatan ko", sabi ni Bea na pulang pula. Hinagis niya ito ng balat ng patatas.

Tinamaan si Thirdy at itinaas ang kamay nito tanda ng suko na siya. Tawa ito ng tawa.

"Uy, sweet", sabi naman ni Danni habang pumapasok sa kusina.

Hindi na umimik si Bea at bumalik sa pagbabalat ng patatas.

"Inggit ka lang Danni, bakit di ba sweet si SJ sayo?", pangaasar ni Thirdy.

"Kuys!!!", Sigaw ni Danni. Si Danni naman at si Thirdy ngayon ang nagkukulitan.

Umiiling iling na lang si Mozzy habang hinahalo ang niluluto niya. Si Bea naman ay tawang tawa. Ang saya talaga ng mga Ravena, mas masaya sana kung magiging parte siya nito. Kaso malabo labo, swerte ni Julia. Naisip niya.

________

Dinner Party. Dumating na ang mga bisita. Lumabas na sila nila Danni. Dumating ang ilang Bebob at ALE na inimbitahan nila Danni, Kiefer at Thirdy. Isa isang nagmessage ang mga anak ni Mozzy sa kanya ng happy birthday.

Binigay nila ang kanya-kanyang regalo sa Ina.

Thirdy's turn. Binigay ni Thirdy ang maliit na kahon sa ina. Naiyak naman si Mozzy nung buksan niya ang kahon. Ang ganda ng diamond earrings na bigay ni Thirdy sa kanya.

"Thank you Anak", sabay yakap kay Thirdy.

"Suot mo na Ma", sabi ni Thirdy.

"Sige, help mo ako", sabi ni Mozzy na tinatanggal ang hikaw na nakalagay sa tenga niya.

Tumingin si Thirdy sa gawi ni Bea. Kumaway siya dito, sumenyas na parang tinatawag siya.

"Ha? Ako? Ikaw na", bulong ni Bea na umiiling iling.

Tuloy pa din ang pagsensyas ni Thirdy.

"Come here Bei", sabi ni Thirdy. Nakatingin si Mozzy at Thirdy sa gawi niya pati na ang mga tao. Naku, talaga naman.

"Go Bei, stand up na, tawag ka nila Mama", sabi ni Kiefer. Inalalayan siya na tumayo nito. Wala na siyang nagawa. Si Manong na yun e. Napilitan siyang tumayo. Uminom muna siya bago lumakad. Tumawa ang mga tao sa ginawa niya.

Nakalapit na siya kila Tita Mozzy at Thirdy.

"Help me to fix these earrings, let's put to Mama's ears please, di ako marunong niyan", sabi ni Thirdy sabay abot ng kahon sa kanya.

"Sus, yun lang naman pala, dapat si Danni na lang", bulong niya kay Thirdy at humarap na kay Tita Mozzy at inilagay na yung earrings.

Nang mailagay na niya, niyakap siya ni Mozzy at bumulong sa kanya.

"Thanks Anak, galing mo pumili. Sabi ni Thirdy, ikaw daw pumili nito. Alam na alam mo talaga ang gusto ko", at bumeso ito sa kanya. Humarap naman ni Mozzy sa mga bisita at pinakita ang earrings sa tenga niya.

Pumapalakpak ang mga tao.

Niyakap ulit ni Mozzy si Thirdy at hinila si Bea sabay yakap at nagpasalamat. Dalawa na sila ngayong nakayakap kay Mozzy.

Sumipol si Isaac galing sa likod.

"Bagay! Pwede pwede", sabi nito.

Nagtawanan ang lahat. Hinatid ni Thirdy si Bea sa upuan nito. Umupo na din si Thirdy sa tabi ni Bea at hinawakan ang kamay nito na lamig na lamig sa ilalim na table. Pew! Kinabahan si Bea sa eksena. Pero hindi na siya tatanggi, kinilig siya dun. In fairness talaga, sinusulit ng mokong na ito ang memories.

Nagpicture taking silang lahat kasama si Tita Mozzy bago matapos ang party.

Past 12 na ng matapos ang party kaya gabi na din ng ihatid siya ni Thirdy sa LGV. Ayaw pa nga siyang pauwiin ni Tito Bong, inimbitahan na doon na siya matulog sa Cainta pero hindi talaga pwede, hindi siya nakapagpaalam sa Daddy at Mommy niya.

"Thank you for tonight again Babe, masayang masaya si Mama", sabi ni Thirdy. Nasa LGV na sila, pinapasok muna ni Bea si Thirdy kasi nauuhaw daw ito.

"Si Tita o ikaw ang masaya", sabi ni Bea na inabot ang baso na may tubig kay Thirdy. Nakaupo ito sa sala nila.

"Pwedeng both?", ngisi nito sa kanya.

Umikot na naman ang mga mata ni Bea. Ang cute na naman. Tumawa lang si Thirdy at tumayo na. Hinalikan ni Third yang noo ni Bea at nagpaalam na ito.

Umiiling iling naman na pumasok si Bea sa kwarto niya at ibinagsak ang katawan sa kama. Hay! Thirdy! Mamimiss kitang mokong ka!

A/N: Woooo! Two days to go, cherish the memories Thirdy and Bea. I hope na your hearts will find the way to let you feel na magstay na lang. Na lumaban na lang.

I love you both! I can't wait for the destiny to make way for both of you!

Kapit lang tayo mga Besh, balat balat lang muna tayo ng patatas.

PS: If you enjoy this chapter, please vote po! Salamat :)

Special thanks din to @visueel, @estephanyalliyah and @LaiCza_03 for voting my story! Sana napasaya ko kayo. ♥️

The Way We Want It To BeWhere stories live. Discover now