Chapter 25

1.2K 21 1
                                    

"Mabuhay! Welcome to Ninoy Aquino International Airport. We have reached our destination, thank you for flying with us", sabi ng piloto ng aircraft na sinasakyan ni Thirdy.

Huminga siya ng malalim at sinuot ang salamin. Finally, he is home. For good.

Sobrang excited siya, hindi na muna siya babalik ng Japan.

"Kuya! Welcome home and congratulations! I am so proud of you anak", si Mozzy habang yakap siya.

Sinalubong siya sa airport ng mga ito. Si Papa Bong, Mama Mozzy, Danni and Manong Keifer. Di na sinama si Ate Ly niya kasi buntis ito sa ikalawang anak nila ni Kiefer.

"Congrats Anak, proud na proud ako sayo", sabi ni Bong na tinapik ang balikat niya.

Nagfist bump naman sila ni Manong niya at binati din siya nito.

Si Danni, kahit matanda na, isip bata pa din talaga. Sukatin mo na tumalon ito at niyakap siya, papanong yakap? Yung gaya ng lambitin ni Bea sa kanya sa MOA arena nung championship ng season 81. Alala mo na? Haha

"Congrats Kuya, ako muna lalambitin sayo, proxy muna ako", bulong nito sa kanya.

Pinitik niya ito sa tenga. Sabay tawa. Nagets na niya ang ibig nitong sabihin.

"Gagi, bumaba ka nga, ang bigat mo Danni, buti hindi ka pa iniiwan ni AJ", sabi ni Thirdy.

"Kuys naman e, di ka pa din nagbabago, bully ka pa din. Kala ko nagbago ka na e",kumakamot sa batok na sabi ni Danni.

"Ay naku, ayan na naman ang magkamukha, nagkita na naman. Wala pang isang segundo, magkaaway na naman", sabi ni Mozzy.

Dumiretso na sila sa sasakyan. Kumain muna sila bago umuwi ng Cainta.

Ang saya niya. Sobrang iba pa din pag nandito sa Pilipinas. Traffic pa din, mausok, mainit di gaya sa Japan pero mas masaya sa Pilipinas.

"Ma, mamaya gusto ko sinigang. Namiss ko yun", sabi ni Thirdy.

"Oo naman Anak, ipagluluto kita, ikaw pa ba",sabi ni Mozzy.

"Ay naku di na ako ang paborito", sabi ni Danni.

"Papanong magiging paborito ka, di ka na umuuwi ng bahay, lagi kang may training", sabi ni Manong.

"Manong naman e, alam mo naman nagsstart na nga ako sa proleague di ba? Patay ako kay Ate Bei pag wala ako sa training", sabi ni Danni.

Yes, Choco Mucho na si Danni. Proleague na siya, kasama niya pa din ang Ate Bea niya yun nga lang nagpplano na itong magretire this year dahil masyadong demanding ang negosyo nito.

Nalipat si Danni sa pagiging setter position, nagpaalam na din kasi si Deanna sa team kasi mayroon din itong negosyo na tinututukan.

Alam yun lahat ni Thirdy. Lahat ng nanyayari kay Bea, pag naiinjured ito, pag may bagong ginagawa ito, alam niya. Papano? Kay Danni at kay Tito Elmer.

Yes, he never leave Bea literary. Si Bea lang ang nawala pero yung connections niya hindi niya pinutol. He always look after Bea pa din kahit pa malayo siya. Kaya nga malakas ang loob niya di ba?

Kasi alam niyang sa loob ng 5 years na wala siya, walang naging karelasyon si Bea kahit isa.

At kahit sabihin mo na assumero siya, alam niya na siya ang inaantay nito.

Napangiti si Thirdy sa alalahaning iyon.

"Hoy! Kuys, ganyan ba ang effect pag galing sa Japan? Sadyang tumatawa mag-isa", sabi ni Danni.

Ay sus, di pa din nagbago, bully pa din si Theris.

"Theris, buti na lang di ko ibibigay yung sapatos sa 'yo, sayang ganda pa naman",pangaasar ni Thirdy.

Nagkatawanan ang mag-anak sa kotse habang nakasimangot si Danni.

Ang sayang umuwi sa pamilya. Namiss niya talaga ang mga ito.

A/N: He is back Guys!!!

The Way We Want It To BeWhere stories live. Discover now