Chapter 9

1.2K 22 2
                                    

A/N : Lubusin na natin ang sakit.

Kinabukasan sinimulan na ni Bea at Thirdy ang 1 week last moment nilang dalawa.

Thirdy requested Bea to let him call her "Babe" for 1 week, the endearment that he always wanted pag naging sila pero sa takbo ng usapan, medyo malabo labong mangyayari yun kaya sasamatalahin na niya.

Bea agreed to his request but she told Thirdy to make sure na mas maging private yung 1 week set-up nila.

Knowing Thirdy, he is an internet sensation guy, he cannot complete the day without posting sa IG stories niya. Ayaw lang ni Bea ng chaos. Mas gusto niya na mag-end ang 1 week ng walang nakakaalam.

1st Day. Saturday.

Napagkasunduan nila ni Thirdy na mag-golf sila ni Bea. Sa Volley golf sila napadpad.

"Babe, I like the way you swing ha", puri ni Thirdy sa kanya.

"Haha, thank you. I am just a beginner pa, I'll swear i'll beat you pag natuto pa ako", umikot ang chinky eyes nito.

Inakbayan ni Thirdy si Bea at hindi naman ito pumalag.

"Sana matagal pa yung oras, I hope na di na matapos to", malungkot na sabi ni Thirdy.

"C'mmon, di ba we are here to cease the moment? Wag natin sayangin sa drama. Ikaw talaga, get up na, di ba may guesting ka pa sa Anong Tunay after this?", sabi ni Bea para pagaanin ang sitwasyon.

Tumayo si Bea at inayos niya ang buhok niya saka isinuot ulit ang visor niya.

"You're pretty talaga Babe, let's go na. Baka di ko mapigilan ang sarili ko, di ko siputin si Mela, patay ako dun", sabi ni Thirdy at tumayo na.

Hinawakan ni Thirdy yung kamay ni Bea at lumakad na sila. Hinahayaan lang ni Bea na gawin yun ni Thirdy, 1 week lang naman e. Pagkatapos nito, tapos na.

"Babe are you sure hindi ka sasama sa guesting ko? Danni can't make it daw e kasi may prior appointment siya, Mela is asking if I can bring you instead of Danni. She promised kasi the viewers na meron ako isasama, surprise", sabi ni Thirdy.

"Hmmn, di ba that's part of the deal. Na no public posting for 7 days tayo? Baka you forgot", paalala ni Bea. Inirapan siya nito.

"Wala lang, baka makalusot lang", sabay halakhak ni Thirdy.

Isa ito sa mamimiss ni Bea sa binata. That "kolokoy" side of him na she used the enjoy everyday since naging close sila. Those sweet smiles of him na umaabot sa mata. Alam niya na masaya ito ngayon, bumalik yung dating Thirdy na kilala niya ngayong araw.

--------------

Nakasalang na si Thirdy sa Anong Tunay.
Nasa kalahati na sila ng episode. Tunay Dares ang set-up ng segment. Pag hindi niya nasagot ang mga tanong ni Mela, kailangan niyang gawin yung dare na nakasulat sa papel na nabunot niya.

"Okay Thirds, let us move to more personal questions, these questions are frequently asked from the fans, ready ka na ba?", si Mela

"Ow, ok ok", sagot ni Thirdy.

"Okay, so bunot ka na ng dare diyan sa jar", sabi ni Mela sabay abot ng jar kay Thirdy.

Bumunot si Thirdy at binasa ang nakasulat.

"Sing your favorite song", sabi ni Thirdy.

"Ay ang dali naman ng dare na yan, kayang kaya mo yan. Anyways, here is the question. What is the real score between you and Bea de Leon?", tanong ni Mela.

Natawa si Thirdy at tumingala, the usual na ginagawa niya pag kinikilig.

Natawa si Mela.

Di sumasagot si Thirdy sabay kumanta.

Is it ever gonna change?
Am I gonna feel this way forever?

"O, ho hoo hoo", tumatawa si Mela.

"Haha, joke lang, well anyways, me and Bea are really just good friends, lagi naman sinasabi yun ni Bea during her interviews. We are super close and we both look for each other", sabi ni Thirdy.

"So hindi ba naging kayo? Kasi laging sumasabog ang social media pag kayo ang pinaguusapan", follow up question ni Mela.

"No, we did not able to end with each other, we just choose to be a good friends and enjoy each other company, in fact kasama ko siya kanina lang, nag-golf kami. Hi Bea", sabay kaway ni Thirdy sa camera.

"O, yeah, uy nga pala gusto kong magsorry sa inyo kasi nasabi ko na may surprise guest tayo today na isasama si Thirdy pero hindi natuloy. Si Danni sana yun pero may prior commitments so ako na lang muna ang kasama ni Thirdy, don't worry gagalingan ko ang pagtatanong para naman masagot na ang matagal niyo ng gustong malaman kay Thirdy", paliwanag ni Mela.

"O sige na, next question. Muka namang walang kachallenge challenge to sayo, sanay na sanay sa showbiz", tumawa si Mela.

Tumawa din si Thirdy.

"Ok, so may girlfriend na daw ba ang isang Thirdy Ravena?", tanong ni Mela.

"Uhmn, I am dating now", matapang na sabi ni Thirdy.

"Wow, sino?", sabi ni Mela.

"Julia. Julia Casal", sabi ni Thirdy.

"Talagang walang preno, may pangalan talaga", sabay tawa ni Mela.

"Ok, matatapos na tayo, so any messsage for Julia Casal", tanong ni Mela.

"Ow, Hi Julia. Keep safe and I'll see you soon", ngumiti si Thirdy.

"Alright, maraming salamat Mr. MVP sa matapang na pagsagot sa aking mga tanong, hanggang sa susunod na Tunay Dares, bye", kumaway si Mela sa camera para magpaalam. Kumaway din si Thirdy.

Pinatay na nila ang recording.

"Thirds, naintriga ako dun, talaga di naging kayo ni BDL?", tanong ni Mela habang palabas sila ng set.

"Sadly, hindi e. Mukang malabo na nga yun", malungkot na sabi ni Thirdy.

Gusto niyang sabihin na si Bea ang dinidate niya ngayon, totoo naman pero yun nga lang, for 1 week lang. Kaso hindi pwede, lalabagin niya ang usapan.

After ipalabas ang segment na yun ng Anong Tunay with Thirdy, broken hearted ang mga fans. Inaway nila si Julia Casal.

Nagsumbong naman si Julia kay Thirdy, binabash talaga siya ng todo. Naawa naman si Thirdy kay Julia kaya nagpost si Thirdy sa twitter.

Bea liked the post of Thirdy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bea liked the post of Thirdy. Masakit nung mabasa niya, hindi naman siya manhid pero siguro ito talaga ang tama. Lalo siyang humanga kay Thirdy. Sobrang tapang nito.

Nagtext si Thirdy sa kanya.

From Thirdy
Babe, why did you liked my tweet. Sorry

To Thirdy
No, don't say sorry. Thank you kasi you did this. Para atleast alam na ng tao. Hindi na natin kailangan pa magexplain incase. Mas magiging madali na ang lahat.

From Thirdy
Thanks Bei, please know that I only did that to protect you. I love you.

Di na nagreply si Bea. Hilam na ang luha niya. Masakit pala, sobrang sakit pala. Pero ito ang tama. Ito ang mas makakabuti sa kanila pareho.

The Way We Want It To BeWhere stories live. Discover now