Chapter 6

1.5K 27 0
                                    

Nakangiti si Thirdy habang nakatitig pa din siya sa painting na nakasabit sa kwarto niya. Sobrang saya niya.

Ang painting na pangarap niya ay ibinigay sa kanya ng babaeng pinapangarap niya.

"Hay Bea, mas lalo kitang minamahal", bulong ni Thirdy sa sarili.

Kakauwi niya lang mula sa LGV kasi nga hinatid niya si Bea sa bahay nila.

Bawing bawi ang lahat ng pagkamiss niya dito. Sinadya niya talagang ipakilala sa lola niya si Bea gaya ng ipinangako niya noon dito noong nagbakasyon sila sa Iloilo.

"Apo, wala pa bang bumibihag sa puso mo? Si Manong mo, dinala na si Allysa dito at nakilala ko na, yung sayo ba?", tanong ng lola niya sa kanya. Nasa balkonahe sila noon sa bahay nito sa Iloilo at nagkukwentuhan.

Umuwi kasi ang pamilya nila Thirdy noong isang taon sa Iloilo, tatlong araw lang sila nagstay doon kasi hindi sila pwedeng mawala sa Manila ng matagal. Buong pamilya kasi nila ay may kanya-kanyang commitment.

Napakamot si Thirdy sa batok niya.

"La, sige next year pagpunta mo sa Manila, promise ipapakilala ko sa'yo. Ayaw ko kasi magpakilala sayo ng tao na hindi naman espesyal sa akin, so Lola remember this ha, pag meron ako pinakilala sa'yo na girl, it means siya na yun. Ibig sabihin espesyal yung taong yun sa akin", seryoso niyang sagot sa lola niya.

"Aba, talagang manang-mana ka sa lolo mo, sayang nga lang at wala na siya. Pero totoo yan apo, dapat seryoso ka lagi pagdating sa pag-ibig. Wag kang padalos-dalos sa mga desisyon mo para hindi ka masaktan", sabay sabi ng lola niya at hinimas ang likod nya.

"Yes La, promise po yan", sabay yakap niya sa Lola niya.

Napangiti na naman si Thirdy. Atleast nagawa na niyang ipakilala ang taong espesyal sa kanya sa lola niya. Natupad niya ang pangako niya dito. Yun nga lang, hindi niya alam kung espesyal din nga ba siya sa puso ng babaeng kanyan ipinakilala. 

"Hoy Kuys! Para kang baliw diyan, ngumingiti ka mag-isa", sigaw ni Danni.

Hindi niya namalayang nakapasok na pala ito sa loob ng kuwarto niya. Nagulat tuloy siya.

"WTF Theris! Uso ang pagkatok!", bulyaw niya sa kapatid.

Itinaas ni Danni ang kamay niya at nagpeace sign sa kuya niya.

"Peace, peace, sorry na. Hinahanap lang kasi kita, tatanong ko lang kung nakauwi na si Ate Bei, di ko na kasi siya nakausap kanina. Ang dami kasing bisita", usisa nito sa kanya.

"Yeah, nahatid ko na siya", sabay tango niya.

"Ok, text ko na lang siya para magsorry, hindi ako nagkapagbabye e", sabay talikod ni Danni. Akmang lalabas na sana ito ng pigilan niya.

"Wait Danni, I have a question, answer me seriously please", sabay sabi ni Thirdy.

"May nakikita ka ba na kadate si Bei or sumusundo sa kanya pag may training kayo?", tanong ni Thirdy.

"Hala Kuys, the Buzz ba ito, grabe ang gwapo mo na sana, tsimoso nga lang", sagot ni Danni

"Danni! sagutin mo na lang kasi ang tanong ko, seryoso ako o", sabi ni Thirdy.

"Seryoso din ako Kuys, lagot ako kay Ate Bei, bakit ba Kuys, di ba best friends kayo, di ka ba niya sinasabihan ng mga ganyan? Sabagay malamang ikaw din, di ka nag-oopen sa kanya ng mga lovelife mo. Dami mo kasi Kuys, daming chicks", sagot ni Danni sabay kindat.

"So meron nga", napipikon na si Thirdy. Oo o Hindi lang naman ang hinintay niyang sagot sa kapatid. Urgh! Bakit ba kasi siya nagkaroon ng kapatid na ganito kabully.

The Way We Want It To BeWhere stories live. Discover now