Chapter 12

1K 23 0
                                    

Madilim na ng nakarating sila sa baba.

"Thirds", tawag ni Bea kay Thirdy. Nagsasakay kasi ito ng mga ginamit nila kanina sa sasakyan.

"Hmmn", sagot nito at umikot sa gilid ng kotse kung saan nakasandal si Bea.

Nakasandal ito at nakatingala sa langit. Tumingala din si Thirdy at nakita niya yung mga bituin.

"Alam mo sa Manila, pag tumitingala ako sa langit, walang bituin. Bihira lang, siguro kasi puro usok ang langit sa atin", sabi ni Bea na nakatingala pa din sa langit.

"Oo nga no, ang ganda", sabi ni Thirdy pero kay Bea nakatingin.

Bumaba ng tingin si Bea. Naabutan niya na nakatingin sa kanya si Thirdy. Ngitian niya ito.

"The stars are beautiful so as you", sabi ni Thirdy na nakatitig pa din sa kanya.

Niyakap niya si Thirdy at bumulong.

"Thank you Thirds, thank you for everything", at kumalas siya ng yakap dito.

Hinawakan ni Bea and kamay ni Thirdy.

"Thank you for the 6 years, thank you for not leaving me throughout my journey. Maraming maraming salamat sa walang sawang pagsama sa akin sa lahat lahat, masaya ako na nakilala kita. Sa dami ng dinaanan natin, masaya ako na ikaw yung nakasama ko sa mga araw na walang wala ako", nakangiti pa din si Bea.

Nakatingin lang si Thirdy. Gusto niya lang namanamin ang sandaling ito. Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi ni Bea.

Binitawan ni Bea ang kamay ni Thirdy at sumandal ulit sa gilid ng kotse at muling tumingala sa langit.

"Nakikita mo ba yung bituin na yun?", sabay turo sa isang bituin na bukod tanging pinakamaliwanag sa lahat ng mga bituin. Tumingala si Thirdy.

"Oo, nakikita ko", sagot ni Thirdy.

"Pag malungkot ka, tingala ka lang sa langit. Yang bituin na yan ang magiging guide mo pag hindi mo na ako kasama", pagpapatuloy ni Bea.

Ngumiti si Thirdy. Sobrang pait. Ito na naman sila. Masaya na yung araw nila pero si Bea is being sentimental again.

"Tama na nga yan, nagiging madrama na tayo", sabi ni Thirdy. Ayaw niyang maging malungkot.

"No, Thirdy. Sa natitirang araw natin na magkasama, I want to treasure everything, every single moment kasi I don't know kung hanggang saan tayo dadalhin ng destiny. I want to treasure every moment na kasama kita", tumingin ito sa kanya at tumutulo na naman ang luha.

Pinahid ni Thirdy ang luha nito sa mukha. Idinikit niya ang mukha dito at sa hindi inaasahang pagkakataon, sa ilalim ng liwanag ng bituin doon sa baba ng bundok sa Tarlac, naglapat ang kanilang mga labi.

They kiss each other sweetly as if no tomorrow.

"I love you Bea", bulong ni Thirdy ng kumalas ang labi niya sa labi nito at niyakap niya ito ng mahigpit.

Pumikit si Bea. Ano ba ito, nadala siya ng moment. Thirdy is her first kiss. At hinayaan na lang niyang mangyari yun. Ok na lang, seize the moment nga di ba. Hindi niya sinagot ang sinabi ni Thirdy, yumakap na lang siya dito.

Kumalas na siya sa yakap at inaya na niya si Thirdy umuwi.

"Tara na, uwi na tayo, maaga pa training ko bukas", sabay talikod kay Thirdy. Umikot siya sa kabila at pumasok na sa sasakyan.

Puno ng katahimikan ang kanilang byahe. Yung mga music lang ni Thirdy sa sasakyan nito ang nakakabasag ng katamihikan. Humilig si Bea sa head board ng upuan at maya maya ay nakatulog na siya.

Nagising na lang siya ng pukawin siya ni Thirdy. Nakarating na pala sila. Nasa harap na sila ng gate nila sa LGV.

Bumaba si Thirdy at pinakbuksan siya ng pinto nito. Bumaba naman siya ng sasakyan. Bago pa siya tumalikod, nagsalita si Thirdy.

"Thank you Babe for today, thank you for this beautiful memory na binigay mo sa akin, goodnight and I love you", sabay beso nito sa kanya at sumakay na sa sasakyan.

Matagal ng nakaalis na ang sasakyan ni Thirdy pero nakatayo pa din si Bea sa harap ng bakod nila.

Nagising lang siya sa pagkakatulala ng tawagin siya ni Manang Elma.

"Anak hindi ka pa ba papasok?", pukaw nito sa kanya.

"Ay! Manang, opo, Papasok na po", nagulat siya dito.

Pumasok na siya sa loob ng bahay at diretso siya sa kwarto niya. Diretso siya sa shower room pagkatapos ay nahiga na siya.

Tinext niya si Thirdy,

To Thirdy:
Drive Safely. Thank you for today.

At pumikit na siya.

Isang magandang panaginip. Sana hindi na po ako magising, bulong niya sa sarili.

_________

Habang pauwi ay nakangiti si Thirdy. Sobrang saya niya. Hinawakan niya ang labi niya. Para siyang baliw. Ang saya niya talaga, akalain mo yun, nahalikan niya ang babaeng pinapangarap niya.

Sapat na yun sa kanya. Hindi man siya magawang sagutin ni Bea ng I love you too tuwing sinasabihan niya ito ng I love you. Yung pagsagot nito sa halik niya kanina ay sapat ng sagot para malaman niyang may nararamdaman din ito sa kanya.

Hindi niya alam papano kakausapin si Bea sa loob ng sasakyan habang nasa biyahe sila. Kaya tumahimik na lang siya. Hinayaan na lang niya itong makatulog at paminsan-minsa'y sinusulyapan ang maganda nitong mukha.

"Bei, sana hindi na matapos ito. Sana pagising mo, sabihin mo na mahal mo ako at lalaban tayo", bulong ni Thirdy habang nakatingin sa natutulog na si Bea.

Yung isipin na meron na lang silang apat na araw na magkakasama ay sobrang hirap para sa kanya.

Lalo pa at mula noong simulan nila yung 1week moment nila ay mas lalo siyang napapalapit talaga dito.

Sa anim na taon na magkasama sila ni Bea, ito na yung mga araw na sobrang saya niya. Feeling niya, binabayaran ng bawat araw nila ngayon yung mga araw at oras na hindi sila magkasama.

Mas lalo niya itong nakikilala. Sa anim na taon kasi nila, puro light side lang ni Bea ang nakikita niya. The kolokoy and bully side of her, pero ngayon mas lumalabas yung mas malalim na pagkatao ni Bea. Kitang kita niya ito kanina nung kasama ang mga bata sa community. Ang lambot ng puso nito at sobrang bait. Hindi lang ito maganda sa panlabas na anyo, sobrang ganda din nito sa loob. At mas lalo niya itong minamahal.

Maghihintay ako Bea, maghihintay ako hanggang maging handa ka na. Aantayin ko ng araw nasasabihin mo na ako na talaga ang mahal mo.

Tumunog ang cellphone ni Thirdy. Kakarating lang niya sa Cainta.

From Bea:
Drive Safely. Thank you for today.

Napangiti siya. Kakahiwalay lang nila kanina lang pero namimiss na niya ito. Ano kaya ang gagawin nila bukas?

Alam ko na. Naisip niya at ngumiti siya habang papasok ng bahay.

A/N: Ano kaya ang gagawin nila? Sana ganito na lang sila lagi, pero malapit na matapos ang 1 week. Brace yourself guys, ihanda na natin ang ating mga puso.

PS : I love you all guys! Please keep on voting. :-) Medyo inspired tayo ngayon kaya sulitin na muna natin ang mga mumunting kilig. ♥️

The Way We Want It To BeWhere stories live. Discover now