Chapter 18

1.1K 22 1
                                    

Day 7 of 7

Kinabukasan ay naglibot sila sa farm. Sumakay sila ni Thirdy sa kabayo. Ang saya saya nila ni Bea. Saglit nilang nakalimutan ang oras. 

Namitas sila ng mangga at siya nilang nilantakan pagbalik ng bahay.

"Ang sarap ng mangga pag bagong pitas no", sabi ni Thirdy.

"Ay sabi mo pa, tapos ang sarap pa ng alamang ni Manang", sabi ni Bea na kain ng kain ng mangga. Hindi nito alintana ang buhok na sumasayad na sa pisngi nito. Hindi niya mahawi kasi naman yung dalawang kamay niya ay parehas may hawak. Mangga sa kabila tapos bote ng bagoong sa kabila.

Natawa si Thirdy.

"Kahit, kailan ang takaw mo talaga Toothless", sabi nito.

"Tse! minsan lang naman ito e", sabay irap ni Bea.

"Lika ka nga, lapit mo mukha mo sakin", sabi ni Thirdy.

"Hoy, tigilan mo ako Ferdinand, nakakarami ka na diyan, baka akala mo di ko napapansin na nananadya ka na", sabi ni Bea.

"Baliw, anong pinagsasabi mo diyan, e gusto mo din naman", at tumawa ng malakas si Thirdy.

Namula naman si Bea at binato niya si Thirdy ng buto ng mangga.

"Uy, masakit yun ha. Baliw ka", sabi ni Thirdy at lumapit sa pagkakaupo ni Bea. Hinawi nito ang buhok ni Bea na sumasayad sa mukha at inipit tenga nito.

Hindi naman nakaimik si Bea. Nakatitig si Thirdy sa kanya.

"Mamimiss ko tong mukhang to, alam mo ba? Alagaan mo to ha, wag mo tong papapangitin lalo", sabi ni Thirdy.

"Tse! Ok na sana, kaso hindi ako pangit", sabi ni Bea na natatawa. Lumabas na naman ang maliit na dimple niya sa ilalim ng labi niya.

Hay ang sarap nilang tingnan. Ang sweet. Sana hindi na matapos ang moment na ito. Sana hindi na matapos yung araw na magkasama sila.

After nilang kumain ng lunch, naghanda na si Bea sa pagbalik ng Manila. Si Thirdy naman ay bumalik sa may mini forest, kumuha ulit ito ng mangga na iuuwi. Ipapasalubong sa Mama Mozzy nito at kay Danni, favorite kasi ng mga ito ang mangga.

Habang nag-aayos si Bea ng gamit, inilabas niya yung scrap book na ginawa niya. Lahat ng memories niya with Thirdy nung nakaraang pitong araw ay ginawan niya ng kopya at idinikit sa scrap book. Iaabot niya yun kay Thirdy mamaya. 

Kinuha niya yung camera niya at nagprint siya lang last picture nila ni Thirdy na kinunan kanina sa farm habang nakasakay sila sa kabayo. Sinulatan niya iyon ng dedication.

To Thirdy,

At this point, when you are reading this, maybe you already reach your home. Thank you for all the memories that we've shared. Thank you for the 6 years full of beautiful memories with you. I promise that I will always cherish those. Please know that I am always grateful to have you in my life.

I hope to see you again on the next chapter of my life, I will always wait for you.

Love,
Bea

Idinikit na niya ito sa huling pahina ng scrap book. Tumutulo na naman ang luha niya. Ang daya talaga. Sobrang daya. 

Ito na yung araw na kailangan na nilang tapusin muna ang lahat. Kung ano man ang mangyari, sana ay maging maganda ang kahahantungan nito.

______________

"Thirds, daan muna tayo sa Gesu ha", sabi ni Bea nung malapit na sila sa Manila.

The Way We Want It To BeWhere stories live. Discover now