Iminulat ni Bea ang mga mata. Ang sakit ng ulo niya, hindi niya halos maigalaw ang katawan niya. Ano nga ba ang nangyari kagabi? Ang huli niyang naalala ay kasama niya sila Cel at Maki sa bar.
"Shit!", bulong niya sa sarili sabay bangon sa kama.
Luminga siya sa paligid. Hindi ito ang kwarto niya. Pamilyar ang lugar sa kanya, sobrang lalaking lalaki ang ayos ng kwarto na kinaroroonan niya. Gray ang kulang ng interior nito at may malaking MVP trophy sa ibabaw ng side table.
"Papano ako napunta dito sa condo ni Thirdy?", tanong niya sa sarili.
Dumiretso siya sa CR upang maghilamos. Binuksan niya ang cabinet at naghanap ng toothbrush na hindi pa gamit. Buti na lang may stock ang mokong, naisip niya. Nagtoothbrush siya at lumabas na ng kwarto.
Ang bango ng amoy na nanggagaling sa kusina. Kumalam ang sikmura niya.
"Bei, good morning, gising ka na pala, halika breakfast na tayo", si Thirdy. Tanging apron lang at shorts at suot nito sa kusina. Nakakahiya, siya ang nagluto ng agahan. Napalunok siya sa tanawing nakita niya. Ang gwapo pala ng bestfriend niya. Matipuno ang katawan nito at nakakdagdag sa kagwapuhan nito ang apron na suot niya.
Ano ba itong naiisip niya. Bea kumalma ka, kaibigan mo si Thirdy. Nothing more, nothing less.
Inayos ni Thirdy ang upuan niya at pinaupo na siya. Naglagay ito ng sinangag, bacon at itlog sa plato niya.
"Let's eat", sabay upo sa katapat niyang upuan.
"Thank you Thirds", ngumiti siya.
Binalot sila ng katahimikan habang kumakain. Walang gustong magsalita. Tanging tunog lang kubyertos ang maririnig mo. Awkward.
"Thirds", si Bea
"Bea", sambit naman ni Thirdy
Magkasabay nilang binanggit ang pangalan nila. Natawa si Bea. Itinaas niya ang kamay niya.
"Ok , ok, you first", sabi niya kay Thirdy.
"No, you first", sabay iling ni Thirdy na nakangiti.
"Uhm, ano kasi gusto ko lang malaman ano nangyari kagabi", namumula na si Bea. Nakaramdam siya ng hiya. Alam niya kasi na sa halos 6 years nilang magkasama ni Thirdy, this is the first time na nakita siya nito na wasted.
"Wala naman, naparami lang ang inom mo. Nagtataka nga ako bakit ka napainom ng marami, e dati naman pag lumalabas tayo halos soft drinks lang ang order mo", nakangiti si Thirdy.
Ah! Bully na tong mokong na to.
"Haha, funny! Wala ba akong ginawang nakakahiya kagabi?", hindi kasi talaga niya maalala na ang lahat. Ang alam lang niya, masakit ang puso niya dahil sa nakita niya sa Gesu kaya gusto niyang mag-unwind. Pero nasobrahan talaga, nalunod siya sa alak.
"Wala nga, ang kulit mo. Maliban sa binuhat kita sa kotse ko at pinipilit mong palitan kita ng damit kagabi, e wala naman ng iba", nakangising sabi ni Thirdy sa kanya.
"What? Me? Inutusan kang bihisan ako?", tiningnan ni Bea ang suot niya. Yun pa din naman ang damit niya na naalala niyang suot niya kahapon ng pumunta siya sa Gesu, nakaShirsey pa din siya at leggings. Nakahinga siya ng maluwag sa kanyang alalahanin. Thanks God! Buti na lang hindi siya sinunod ni Thirdy kung hindi, nakita na nito ang kalulwa niya. In fairness, gentleman talaga ang bestfriend and mukhang mas lalo na naman niya itong minamahal.
"Syempre hindi ko gagawin yun, of course not, mamaya si Valentina ka pala at may ahas diyan sa katawan mo, e di natuklaw ako", sabay tayo ni Thirdy at tumakbo siya sa kusina habang tumatawa.
YOU ARE READING
The Way We Want It To Be
FanfictionThis is a ThirBea FanFiction Story. The story of hopes and destiny. How could love seems so complicated and rough to them? Everyone are rooting for them but why are they not rooting for each other? What if destiny makes the way and let it happen? Wi...