Chapter 18

3.6K 167 6
                                    

Oddessy

KASALUKUYAN akong naglalakad papasok sa campus namin,hindi naman alam ni Spade na pumasok ako ngayon dahil nga may pinuntahan sya at hindi nya sinabi kung saan.

"Oddessy,"nilingon ko ang nagbanggit sa pangalan ko walang iba kundi si Andrew na patakbo papunta sa puwesto ko.

"Andrew kamusta na?,"hingal na hingal sya at ibinabalik ang tamang paghinga nya,"may nangyari ba?."

"Wala naman I'm just happy na nakapasok ka,"inakbayan nya ako sabay gayak papunta sa classroom namin,"ang daming nangyari noong wala ka."

Kahit papano namiss ko din silang lahat lalo na ang kalokohan nila,"eh si Nathan kamusta na sya?,"nawalan ako ng communication sa kanila simula noong nangyari ang eksenang yun dito sa school.

"Don't worry okay na sya,"nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nya,"Nathan is back I mean the real Nathan."

"That's good to hear then,"masaya ako para kay Nathan,sabay kaming pumasok ni Andrew sa classroom and there I saw Nathan laughing together with Hades and Attitus akalain mo nga naman marunong na palang tumawa si Hades lagi lang syang nakapoker face.

Napasulyap si Attitus sa gawi namin,may sinabi ito kay Nathan kaya napalingon sya sa pintuan ng classroom kung saan kami naroon.

Nginitian ko si Nathan kasu nag-iwas sya ng tingin,"nahihiya lang yan dahil sa ginawa nya,"ani ni Andrew sa tabi ko.

Napaangat nalang ako ng balikat ko bago naglakad papunta sa upuan ko,"balik kana sa dati mong upuan Oddessy,"ani ni Andrew na pumigil sa akin sa pag-upo sa kinauupuan nya dati.

Wala na nga akong nagawa pa kundi ang bumalik nagkailingan kami ni Nathan walang umimik kahit ni isa.

Natapos ang una at pangalawang subject namin hindi ako sumabay sa kanila para magmeryenda.

Nasa isang bench lang ako habang sumisipsip sa juice na binili ko kanina,"pwede bang makiupo?,"kagat kagat ko ang sandwich nang lumingon ako sa taong nagsalita.

Hindi parin nagsisink in sa utak ko kung sino ang lumapit hindi lang ako makapaniwala,"Oddessy bumalik kana sa sarili mo,"niyugyog pa nya ako.

Tinaponan ko lang sya ng masasamang tingin sabay irap napatawa naman sya,umupo sya sa tabi ko at sabay naming pinapanood ang mga kapwa namin mag-aaral na may kanya kanyang ginagawa.

"Kamusta ka na pala?,"pambabasag nya sa katahimikang namagitan sa aming dalawa.

"Humihinga pa naman,ikaw ba?,"hindi ko sya nilingon o binigyan ng sulyap,"huwag mo nalang palang sagutin mukha namang ayos ka lang."

"Sorry pala sa nangyari,"alam ko kung ano ang tinutukoy nya hindi parin mawala sa ala-ala ko kung paano nya itinutok ang baril sa akin,"alam kong hindi mo ako mapapatawad sa ginawa ko Oddessy hindi dapat ako naging pabaya at hindi nagpakain sa sariling galit."

"Buti naman narealize mo na mali yung ginawa mo Nathan,"doon ko lang sya sinulyapan,seryoso lang akong nakatingin sa kanya kaya napayuko sya ng wala sa oras napangiti naman ako at inakbayan sya,"huwag kang mag-alala Nathan matagal na kitang napatawad ang gusto ko lang naman tuluyan ka ng makabalik sa dati."

Inangat nya ang ulo nya kaya napansin ko ang pangingilid ng luha sa mata nya tumingila ito para hindi yun tuluyang tumulo,"salamat Oddessy."

"No worries Nathan,"nakangiting saad ko at inilahad ko ang kamay nya,"so,friends ulit?."

"Yap,friends ulit."

"Ang tagal nyo namang magbati,"lumapit silang lahat sa amin,"nangangalay na ang tuhod ko kakatayo kanina."

I'm The Mafia's Man(BxB Series#1✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon