Chapter 24

3.4K 146 2
                                    

Oddessy

"APA,anya can I play outside?,"para akong nasa intablado na nanonood lang ng isang palabas.Hindi ko maanigan ang mukha ng bata pati narin ang kasama nitong babae at lalaki.

"Go ahead son pero huwag kang lumayo,"sagot ng panglalaking boses.

Dali daling tumakbo ang bata palabas sa bahay nila,kahit malabo hindi nakaligtas sa paningin ko ang ngiti sa labi ng bata.

Nakarating sya sa labas ng gate nila hindi ko makita kung ano ang pinupulot nya sa paanan nya.

Until then tulad ng dati isang puting van ang tumigil sa harap nya,dalawang lalaki ang humili sa kanya papasok.

Parang may humila sa katawan ko papasok sa Van at nakita ko ang bagay na itinurok ng isang lalaki sa likuran ng leeg ng bata.

HINGAL na hingal akong napabangon mula sa pagkakahiga,mula noong araw na naaksidente ako paulit ulit ko nalang napapanaginipan iyon.

Ganun lagi ang simula at katapusan ng panaginip ko walang naidagdag.

Pinunasan ko ang lumalagalaktak na pawis sa noo ko hanggang sa leeg ko,hinayaan kong bumalik sa dati ang pagtibok ng puso ko,"kuya Duke bangon na kakain na,"rinig kong sigaw ni Harmony sa labas ng kawarto ko.

"Susunod na ako,"ani ko pabalik,kahit tinatamad bumangon na ako at ginawa ang morning routine ko.

Pagkatapos kong mag-ayos agaran akong pumunta sa kusina dito sa bahay ni Doc,umupo ako sa upuan,"are you coming with me in the hospital?,"nagsimula na akong kumuha ng pagkain ko.

"Okay lang ba?,"tanong ko baka kasi kapag nandoon ako eh makakasagabal lang ako sa trabaho ni Duke.

"It's okay,sumabay ka na sa akin pagkatapos nating ihatid si Harmony sa school niya didiretso na tayo sa hospital."

"Wahhh huwag na lang kaya akong pumasok kuya Connor?,"nakapout at nagpuppy eye na saad ni Harmony.

"No,"napahalumbaba nalang si Harmony dahil sa sinabi ni Doc.

Pagkatapos naming kumain inihatid na nya namin si Harmony sa school nya,"Doc?."

"What it's?."

"Pwede bang dumalaw muna sa sementeryo kahit ngayon lang?,"nilingon nya ang puwesto ko,"kahit ngayon lang alam ko naman na may pasok ngayon sina Nathan kaya walang dadalaw sa puntod ni Andrew sa mga oras na ito."

Bumuntong hininga si Doc,"okay fine,"ngumiti ako kay Doc.

Inihatid nya ako sa gilid ng daan papunta sa sementeryo,"pumunta ka nalang sa hospital,"tinanguan ko si Doc.

Hinintay ko muna na makaalis ang sasakyan ni Doc bago ko nilakad ang daan papunta sa isang flower shop na hindi kalayuan sa sementeryo.

Bumili ako ng bulaklak at muling nilakbay ang daan patungo sa puntod ni Andrew.

Pagkaupo ko inilapag ko narin ang dala dala kong bulaklak,"hey Andrew,I'm sorry huh ngayon lang ako nakadalaw,"hinaplos ko ang lapida nya,"kung hindi dahil sa akin sana nandito ka pa,"nangilid ang luha sa mata ko,I can't help it dahil naging sensitive na ako nowdays

Naging tahimik nalang ako habang tinitignan ang lapida ni Andrew,"I'm sorry ulit Andrew huwag kang mag-alala maitatama rin lahat,"bulong ko at bumuga ng hangin,"have to go Andrew sa susunod nalang ulit."

Naglakad na ako papunta sa gilid ng kalsada at pumura ng taxi. 

Nathan

"Nathan wait lang hintayin mo naman ako,"hindi ko nalang pinansin si Attitus and continue walking katatapos lang ng klase namin,"sasama ako."

I'm The Mafia's Man(BxB Series#1✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon