KABANATA 10

1K 263 162
                                    

#10: Mahal Mo at Mahal Ka

Mahal kong talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Ikaw ay nagtago pa sa akin, akala mo naman ay hindi kita mahahanap, ano ka ngayon? Aking napagdesisyunang huwag ka na lamang itapon sapagkat marami naman na tayong pinagsamahan. May ibabahagi ako sa iyo. Aking napagdesisyunang kalimutan na si Graciano sapagkat ako ay mukha namang walang pag-asa na sa kaniya. Isa pa, ako rin ay ikakasal na. Sa aking palagay, aking tatanggapin na lamang ang aking kapalaran. Mabuting tao rin naman siguro si Gallardo at balang-araw ay mamahalin ko rin siya gaya ng pagmamahal ko kay Graciano.

Sumusuko, Hermosa

Maaga akong naligo upang ako ay makapasok nang maaga. Wala naman akong gagawin sa mansyong ito at ayaw kong masalubong si Ama. Simula nang malaman kong may taglay siyang kasamaan, ayaw ko na siyang makita. Aking hindi matanggap na ang pamilya namin ay may kasamaan.

Isipin ninyo, kami ay nagsisimba linggo-linggo tapos ang aking ama, may ginagawang kasamaan. Mabuti at hindi siya nasusunog. Oo at siya ay aking ama ngunit siya rin ay ama ng bayang ito. Bakit niya naiisip ang kapangyarihan kung ito'y gagamitin lang naman niya sa kasamaan.

"Hermosa!" Nagulat ako nang ako ay tawagin ni Ama. Kami ngayon ay nasa salas at dapat sa ganitong oras ay nasa kaniyang munisipyo na siya. Bakit narito pa siya? Ang bait talaga ng tadhana sa akin. Sabi ko ayaw ko siyang makita hindi ba?

"Ay kasamaan!" Nagulat siya sa aking nasabi ngunit mas nagulat ako. Bakit ko iyon nasabi? Napatakip ako sa aking bibig. Kinunutan ako ng noo ni Ama. "Kamusta, mahal kong ama?"

Ako ay kaniyang nginitian na lamang. "Mamaya ay pupunta tayo sa pamilya Montealegre." Lumapit siya sa akin at tumitig sa aking maya. "Ayusin mo ang iyong pag-uugali ah?" Naging seryoso nang muli siya.

"Ama, maayos naman ako! Isa pa, makikita mo mamaya, sila ay magiging kumportable na sa akin!" Ako ay kinilabutan sa aking nasabi. Ako ay kumportable na kay Gallardo ngunit sa kaniyang pamilya ay hindi. Ganoon naman sa una, hindi ba? Ayaw mo sa pamilya ng iyong mapapangasawa o ayaw ng pamilya ng iyong mapapangasawa sa iyo. Ganoon ang aking mga nababasa sa mga nobela.

"Mabuti naman at ikaw ay natauhan na. Makabubuti sa iyong pakasalan si Gallardo sapagkat nasa kaniya ang lahat ng karangalan." Seryosong saad niya. "Aking ginagawa ito para sa iyo at sa ating pamilya." Paano kaya kung kami talaga ni Gallardo ano? Pagkatapos ay si Graciano ay panggulo lamang sa aking isipan. Ganoon naman iyon sa mga nobela hindi ba? Mayroong pangatlong bida.

Kahit kasamaan? Kahit kasamaan ay handa na niyang pasukan para lamang sa aming pamilya? Aking napagtanto na ang labis na pagmamahal sa pamilya ay pagiging makasarili na rin.

Napadaan sa amin si Gabrielo at siya ay nakasuot na ng kaniyang uniporme. Maaring siya ay pupunta na sa Fort Santiago. "Saan ka pupunta, hijo?" Tanong ni Ama sa kaniya. Napatigil naman si Gabrielo sa amin.

"Ako po ay dadalaw kay Josefa, ama." Ah, siya pala ay dadalaw sa kaniyang asawang namayapa na. Ang aking kuya Gabrielo kasi ay 30 taon na. Siya ay ikinasal noong 18 gulang pa lang siya at namatay ang asawa niya noong 25 siya, kaya siya naging babaero.

Kaya rin siguro nagbago ang aking kuya. Noon naman ay mabuti siya, kahit papano. Ngayon, sobrang sama na talaga niya. Dati kasi ay mayroong nagkokontrol sa kaniya, si Ate Josefa iyon. "Oh sige. Mamayang hapon ay dadalaw tayo sa pamilya Montealegre, ikaw ay sumama." Tumango na lang si Gabrielo sa kaniya.

Pero mayroong parte sa aking umaasa pa rin na ang kasalang ito ay hindi matuloy. Hindi para kay Graciano, kung hindi para sa akin. Nais kong ikasal sa taong ako ay mahal, hindi iyong dahil nais lang ng aming mga magulang.

Mi Amore: The Señorita's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon