KABANATA 4

1.2K 325 161
                                    

#4: Duyan

Mahal kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Ako, mahal na mahal pa rin kita ngunit mas mahal ko pa rin sa iyo si Graciano, ako sa ay iyong patawarin. Iyo bang nalalaman na ang ibinili niya pala sa aking mga kagamitan ay hindi ko na pala kailangang bayaran. Iyo bang nalalamang kung ano ang dahilan? Iyon ay dahil bigay niya sa akin iyon, oo! Ito pa ang mas nakamamangha, ako ay binigyan niya ng mirasol. Kahit hindi iyon ang aking paboritong bulaklak ay ayos na rin. Ako pa ba ay magpapakipot pa?

Hindi na Nagpapakipot, Hermosa

KAGABI, laking pasasalamat ko dahil si Ama ay wala sa mansyon at siya ay nasa ibang bayan. Ang aking Ina ay nagtanong kung saan ako nagpunta at ang sabi ko ay namasyal lang naman ako. Sabi niya ay magpapaalam daw ako sa susunod upang hindi siya mag-alala.

"Libro sa agham," aking sinabi habang nasa aming silid-aklatan at namimili ng aking bibitbitin. "Heto!" Masayang saad ko. Marami kaming libro dito sa aming silid-aklatan, ito ay para sa amin at para na rin sa aming mga kababayan.

Kailangan kong gumamit nito para sa aming pag-aaral ngayon. Aming asignatura ngayong araw ay agham. Napasimangot naman ako sa librong nasa harapan ko. "Ikaw na libro ka, madali ka bang aralin? Huwag mo akong pahihirapan, ha?" Tinaasan ko ng kilay ang libro.

Lumabas ako ng silid-aklatan at aking nakita si Gabrielo na nagbabasa ng diyaryo, ito ay bago sa aking paningin. "Aba, himala at may interes ka sa tsismis!" Natatawang sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin at inilapag niya ang diyaryo sa lamesa.

"Ikaw na bata ka, iyong sisiguraduhing hindi mo tutularan ang iyong kuya Leonardo, ha? Masama siyang tao." Seryosong sabi niya. Siguro, kung ako ay ibang tao ay matatakot ako ngayon sa kaniya dahil sa taglay niyang tikas. Isa kasi siyang heneral sa aming bayan kaya ganoon. Pareho silang magandang lalaki ni Leonardo at mestizo, ngunit mas seryoso ang kaniyang mukha kaysa kay Leonardo.

"Ano namang masama kay kuya Leonardo? Ikaw nga itong masama sapagkat pumapatay ka ng tao, hangal!" Sabi ko at pinaikot ko ang aking mata. Nagulat ako ng basagin niya ang banga na nakapatong sa aming lamesa, ang isang ito ay mana rin pala sa aming ama.

"Kinakausap kita nang maayos! Ito ang aking trabaho at pinoprotektahan ko ang bayan natin sa mga masasamang tao, sa mga rebelde!" Sigaw niya. Pulang-pula na ang kaniyang mukha, nakakatakot pala talagang magalit ang aking kuya ngunit hindi ako nasinsak sa kaniya.

"Ang tunay na kalaban ay ang mga Espanyol, ang mga Kastila. Huwag kayong magpapalinlang!" Inis na sabi ko at akmang tatalikod na ngunit ako ay hinawakan niya sa aking palapulsuhan.

"Iyo bang kinakalaban ang ating pamahalaan? Isa ka na rin bang rebelde?" Aba't ano ang kaniyang sinasabi? Wala ba siya sa kaniyang sarili? Hindi ba siya nakainom ng gamot? Ako ang kaniyang kapatid pagkatapos ay paghihinalaan niya ako. Hindi ko kinaya ang pangbibintang niya kaya sinampal ko siya.

"Ako ay nagsasabi lamang ng katotohanan ngunit hindi ibig sabihin niyon ay isa na akong rebelde!" Emosyonal na sabi ko. Pinipigilan ko sanang huwag magalit ngunit hindi ko kaya. "Ako ay iyong kapatid, ikaw ay sobra kung maka husga, ikaw ba ay hukom? Sa pagkakatanda ko ay heneral ka lang!"

Pumihit na ako patalikod at sa kaniya at ako ay aalis na. Baka ay mahuli pa ako sa aming klase at wala rin akong balak makipagtalo sa kapatid kong kakarampot lamang ang utak. Huwag niyo siyang tularan.

"Magandang umaga, Señorita!" Bungad sa akin ni Graciano. Ang ganda ng kaniyang ngiti at ang ayos ng kaniyang hitsura ngayon. Hindi ko alam kung ako lamang ba ang nakakapansin o talagang maaliwalas ang kaniyang mukha. Mukha siyang masaya ngayon, ano kaya ang dahilan?

Mi Amore: The Señorita's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon