KABANATA 47

400 75 33
                                    

#47: Huli Ka

Mahal Kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Labis akong nalulungkot at nagagalit ngayon. Nalulungkot dahil ang taong aking pinagkatiwalaan na si Gallardo ay isa pala sa mga dahilan kung bakit kami nagkalayo ni Graciano. Nagagalit dahil ang kapatid kong si Gabrielo ay inaakala kong nagbago na. Inaakala kong naging mabuti na ngunit patuloy lang pala ang pagiging masama niya sa akin.

Nalulungkot at Nagagalit, Hermosa.

"TAMA NA!" Sigaw ko sa kanila kahit na nahihirapan na akong makahinga at punung-puno na ng luha ang buong mukha ko. Nanlaki naman ang kanilang mga mata dahil nakita nila ako. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Ang sakit ng ginawa nila sa amin ni Graciano. Hindi ko sila mapapatawad.

Agad akong tumabo papalabas matapos kong marinig ang lahat ng mga katotohanan. "Hermosa!" Sigaw pa ni Gallardo ngunit hindi ko siya pinansin. Nagpapasalamat ako sa sarili ko sapagkat tama ang aking hinala na may dahilan kung bakit hindi sumipot si Graciano.

Mga hayop sila! Anong karapatan nilang pahirapan ako ng ganito? Anong karapatan nila upang pagkaitan ako ng aking kaligayahan. "Hermosa, sandali! Patawarin mo ako!" Hinigit ni Gallardo ang aking palapulsuhan.

Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kaniya. Iyong sampal na magigising ka sa katotohanan dahil sa sakit. Bumakat pa nga ang aking palad sa kaniyang pisngi dahil sa lakas at namumula ito.

"Ang kapal ng mukha mo, Gallardo." Nawawalan ng lakas na sabi ko. "Akala ko, mabuti kang tao. Akala ko ba ay magkaibigan tayo, pagkatapos ano? Sinayang mo ang tiwala ko sa'yo!"

"Masiyado akong desperado sa iyo noon, Hermosa, kung kaya't tinanggap ko ang alok ni Gabrielo." Malungkot na sabi niya. "Inalok niya akong pakasalan ka upang maprotektahan ka sa aking ama--"

"Alam ko na iyan!" Naluluhang sabi ko. "Ang gusto kong malaman ang hindi ko pa alam, Gallardo. Magpakatotoo ka na sa akin. Alam mo? Kung inamin mo lamang ng mas maaga pa sa akin ay baka napatawad pa kita, hindi 'yung ganito!"

Tumango-tango na lamang sa akin si Gallardo. "Inutusan niya akong pumunta sa daungan upang ikaw ay aking masamahan. Sinabi niyang inaabangan mo raw si Graciano. Hindi na raw tutungo sa iyo si Graciano kung kaya't pagkakataon ko na upang ako'y iyong mapansin."

Napapikit ako sa sakit na nararamdaman. Naalala ko kung gaano kasakit. Inisip ko rin na baka hindi naman ako talaga mahal ni Graciano ngunit naisip ko rin na may dahilan nga at may pumigil kay Graciano. Nababaliw ako kakaisip kung ano ang totoo at ang totoo nga ay mayroong pumigil sa kaniya.

"Naisip ko rin na baka mayroon naman akong tsansang ibigin mo, baka mayroon namang pag-asang mahulog ka sa akin kung kaya't pumayag ako sa gusto ni Gabrielo. Gusto ko rin namang mailigtas ka kay Ama."

Mas lalo akong umiyak. Kung gayon ay umasa pa rin pala siya? Pinaniwala niya akong magkaibigan lamang kami ngunit hindi pala. Naghihintay pa rin pala siya sa pag-ibig na hindi ko maibigay sa kaniya.

"Ngunit ngayon, ginagawa ko ang lahat upang maitama ang aking mga pagkakamali. Gagawin ko ang lahat, Hermosa upang kayo'y magkabalikan ni Graciano." Nangungumbinsing sabi niya ngunit umiling lamang ako sa kaniya.

"Hindi mo na maibabalik ang panahon, Gallardo." Patuloy akong umiiling habang lumuluha. "Wala ka nang magagawa sapagkat nakaraan na iyon. Hindi mo na mababago ang katotohanang pinagkaitan mo ako ng kasiyahan."

"Kaya nga itatama ko na ngayon ang lahat, Hermosa." Paliwanag niya. "Pagbigyan mo akong muli, Hermosa. Itatama ko ito. Tutulungan kitang mapalapit kay Graciano. Gagawin ko ang lahat upang itama ang pagkakamali ko sa iyo."

Mi Amore: The Señorita's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon