#21: Gintong Pamilya
Mahal kong Talaarawan,
Ako ba ay iyong mahal? Bahala ka na nga sa iyong buhay kung ayaw mo akong sagutin! Iyo banh nalalaman na naputol na ang ugnayan namin sa pamilya Montealegre? Hindi ano? Ika'y hindi na nakakasagap ng tsismis sa aking buhay! Ay ito ha, kami ay nahuli kahapon ni Gabrielo! Oo, ang masama pa, nakita niya kami habang ako ay nakasakay sa likod ni Graciano. Iisipin niyang ako ay mapusok. Baka mapahamak pa si Graciano ko. Nakaligtas nga siya dito bilang rebelde ngunit hindi naman siya nakaligtas bilang minamahal ko.
Nag-aalala, Hermosa.
"Hermosa!" Galit na saad ni Gabrielo, alam kong siya iyan. Boses niya iyan. Napamulat ako ng aking mga mata at agad na napababa ng wala sa oras sa likuran ni Graciano. Nasalubong ko ang namumulang mata dahil sa galit ni Gabrielo at ang seryoso niyang mukha. Nanlisik ang kaniyang mata kay Graciano.
"K-k-k-kuya!" Masayang saad ko kunwari. Lumapit agad ako sa kaniya upang hilahin ko sana siya palayo kay Graciano ngunit kaniyang tinabig ang aking kamay na nakakapit sa kaniyang braso.
"Graciano, halika nga dito!" Panghahamon ni Gabrielo na animo'y handa ng pumatay ng tao anumang oras. Ito na nga ba ang sinasabi ko. "Lumapit ka dito, huwag kang duwag!"
Nilakihan ko ng mata si Graciano na parang sinasabi na huwag siyang lalapit dahil masasaktan lamang siya ngunit nginitian niya lamang ako at lakas loob na lumapit kay Gabrielo.
Isang malakas na sapak mula sa kamao ni Gabrielo ang kaniyang ipinamalas kay Graciano. "Kuya!" Sigaw ko at agad na lumapit kay Graciano. Nakita kong namula ang kaniyang bibig at may dugo sa gilid ng labi nito. "Wahhh!" Hindi makapaniwalang saad ko.
"Ang kapal ng iyong pagmumukha! Anong karapatan mong makipaglapit sa aking kapatid? Hindi gawain iyan ng isang kutsero at kaniyang amo!" Galit na saad ni Gabrielo. Si Graciano naman ay nanatiling nakaupo sa sahig, hindi lumalaban.
"Tama na Gabrielo! Kami ay magkaibigan kaya huwag mo siyang sasaktan!" Galit na saad ko sa kaniya habang dinuduro siya. Napailing naman siya sa akin at sarkastikong tumawa.
"Kaibigan? May mag kaibigan bang sumasampa sa likuran nh isang ginoo kung ika'y isang binibini? Babae ka at lalaki siya, baka higit sa magkaibigan! Ikakasal kang tao, Hermosa!"
"Hindi na! Wala ng kasalang magaganap kahit pa itanong mo pa kay Ama!" Matapang na saad ko sa kaniya. Napakunot naman siya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"Ano?" Hindi pa rin niya maproseso ang aking sinabi. "Kahit pa! Hindi pa rin maaring maging kayo! Hindi maari!" Hinila niya ang aking braso nang mahigpit. Nakaramdam ako ng sakit dahil maskulado siyang tao at ako'y payatot.
"Aray! Ano ka ba naman? Nasasaktan na ako!" Hinamaps ko ang kamay niya dahilan upang mabitawan niya na ako at gigil siyang tumingin sa akin. Ika'y kumalma nga Gabrielo, ikaw ba ay aking ama? Si Ama nga eh hindi naman ganiyan sa akin.
"Mas lalo kang masasaktan kung patuloy mong mamahalin ang kutserong iyan!" Saad niya. Hinila niya na ako papasok sa aming mansyon at naiwan na doon si Graciano sa hardin. "Totoo ba ang sinabi kanina?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Totoo. Narinig ko kanina sa opisina ni Ama." Nginitian ko siya at tumango pa ako. "Gusto mo ay samahan pa kita kay Ama at sabay pa nating itanong." Tinaas-taasan ko rin siya ng kilay na para bang ako'y nangungumbinsi.
"Huwag na." Tumingin-tingin siya sa paligid. Nang kaniyang masigurong kaming dalawa lamang ang narito ay nagsalita siyang muli. "Ano ang narinig mo sa kanilang usapan?"
"Kanilang pinutol na ang ugnayan ng ating mga pamilya. Ayon kay Don Padrino, ayaw niyang mapahamak din ang kanilang pamilya dahil nga delikado na raw ang ating pamilya. Masyado ng mapanganib." Gulat na napatingin sa akin si Gabrielo. Aking nakita ang pagbabaga ng kaniyang mga mata dahil sa galit.
BINABASA MO ANG
Mi Amore: The Señorita's Desire
Historical Fiction"Huwag mong hahayaang paglaruan ka ng tadhana, paglaruan mo ang tadhana." -Graciano "Hindi na mahalaga ang kinabukasan, kung ngayon pa lang ika'y mawawala na sa akin." -Hermosa Historical Fiction (1896) The story of a young lady who fell in love wit...