KABANATA 43

431 81 30
                                    

#43: Daungan

Mahal Kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Lubusan akong nanghina sa sinabi ni Gabrielo na kailangan kong ikasal kay Gallardo. Wala siyang kwentang kapatid, mana siya kay Ama! Alam kong masiyado akong masakit magsalita noong sinabi kong sana siya na lang ang namatay at hindi si Leonardo ngunit masisisi niyo ba ako? Kaya niya lang naman ako nais ipakasal kay Gallardo ay upang maging heneral siyanh muli! Makapangyarihan na rin kasi ngayon si Gallardo, isa na siyang ganap na manggagamot dito. Kaya ito namang si Gabrielo, kapit sa patalim. Kahit hindi ko gusto si Gallardo aba at pinagpipilitan ako ng gunggong.

Hindi Niyo Masisisi, Hermosa.

Nag-iimpake na ako ngayon ng aking mga kagamitan. Kakaunti lang naman ang mga damit na dala ko sa mansyong ito kung kaya't hindi ako nahirapan. Isa pa, masaya ako habang ginagawa ko ito.

Ayon sa aming napag-usapan kanina ni Graciano ay itatanan niya ako. Hindi ko na rin naman na kayang mabuhay pa dito at wala naman na akong kakampi pa dito. Si Graciano na lamang.

Ayon sa aming napag-usapan, sa ganap na alas dos ng abente cingco kami aalis dito. Magiging abala mamaya ang mga tao sapagkat noche buena na. Pagkakataon ko na upang tumakas sa buhay na ito. Mamayang alas dose rin namin huling makakasama ang mga tao dito.

Itinago ko ang bayong na nilagyan ko ng aking mga damit sa ilalim ng kama na tinutulyan ko dito sa mansyon ng mga Legazpi. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang aking repleksyon.

"Kaya mo 'yan Hermosa! Karapatdapat ka ring sumaya. May karapatan ka ring mamuhay nang payapa. Gaya ng iba." Nginitian ko ang aking sarili. May kumatok sa pinto ng silid na ito. Si Nara pala.

"Halina't lumabas tayo, Hermosa. Masaya ang araw na ito sapagkat bukas ay araw na ng kapaskuhan. Samahan mo akong mamili ng mga regalo." Masayang sabi niya. Tiningnan ko ang kaniyang mga mata.

Tila walang dinaramdam si Nara kahit na masaklap ang taong 1896 para sa amin. Nawala ang kaniyang ama at maging ang kaniyang pamangkin ay nawala na rin. Marahil ay si Nara ay iyong tipo ng tao na kayang sumaya kahit na mahirap. Hinahangaan ko na siya ngayon.

"Tama. Ako'y mamimili din ng regalo." Masayang saad ko. Ang aking bibilhing mga regalo ay ang huling regalo ko para sa kanila o pamamaalam ko. Nawa'y maalala nila ako sa aking bibilhing regalo.

Lalabas na sana kami ng mansyon ngunit may guardia personal ang lumapit sa amin ni Nara. Ano na naman 'to? "Binibining Nara, mayroon pong naghahanap sa iyong kaibigan." Tumingin sa akin ang guardia personal.

Nagkatinginan kaming dalawa. "Sino naman daw?" Seryosong tanong ko sa guardia. Sino naman ang nais akong makita, hindi ba? Walang-wala na kami ngayon, hindi na nila ako mauutangan.

"Si Señor Gallardo Montealegre po, Señorita." Magalang na sabi ng guardia. Ano naman kaya ang aming pag-uusapan? Buo na ang desisyon kong sumama kay Graciano eh. Baka ako'y maawa pa.

"Iyong patuluyin ang señor." Saad ni Nara. Nagbigay galang naman na ang guardia upang papasukin na si Gallardo. "Mamaya na lamang tayo umalis. Mag-usap na muna kayo, hmmp?" Ngumiti siya sa akin. Tinanguan ko na lang siya bilang tugon.

Bumalik sa loob ng kaniyang silid si Nara samantalang nanatili naman ako sa silid-panuluyan ng mga Legazpi. Maya-maya lamang ay dumating na si Gallardo.

"Hermosa!" Nagbigay galang siya. Seryoso niya akong tinitingnan ngayon at hindi niya ako nagawang ngitian. Ngumiti naman ako upang kahit papaano ay mabawasan ang aking nerbyos.

"Gallardo! Kamusta?" Lumapit na siya sa akin at nagulat ako nang siya'y bumeso sa akin. Hinayaan ko na lamang sapagkat kaibigan ko naman siya.

"Batid kong alam mo na kung ano ang nais naming mangyari ni Señor Gabrielo." Seryoso ang tinig niya. Napapahiya naman akong tumango. "Umaasa akong naiintindihan mo ito. Aming ginagawa lamang ito para sa iyong kaligtasan. Kilala mo naman siguro sila Ama. Alam ko kung ano ang mga nangyayari sa mga pamilyang sumusubok sa kaniya."

Mi Amore: The Señorita's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon