KABANATA 32

625 128 60
                                    

#32: Pakikipaglaban

Mahal Kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Makinig ka sa aking sasabihin. Maaaring ako'y mapahamak na dahil kasama na ako sa rebolusyon ngunit wala akong pinagsisisihang kahit ano. Oo, wala talaga. Ito ay para sa bayan naman at gusto kong mamuhay ng walang pinagsisisihan. Ayun na nga, nasaan na ba tayo? Maaaring ako'y mapahamak o mas malala, ako'y mamatay. Ang nais ko ay magawa ang aking misyon bago ako mamatay, o mapatay. Una, ang maikasal kay Graciano. Pangalawa, ang makuha ang hustisya para kay Ina. Pangatlo, ang makapagsulat ng nobela.

Walang Pinagsisisihan, Hermosa

"Graciano!" Gulat na sigaw ni Emilio. Napasilip ako sa may labasan at aking nakita si Graciano na may tama ng baril sa kaniyang kanang dibdb. Inaalalayan siya ni Marcus paakyat sa kalesa. Tumulong na rin si Emilio sa pag-alalay.

Nagulat ako ng bigla siyang matumba sa aking harapan. Hindi, hindi ito maaari. "Graciano?" Tawag ko sabay tapik sa kaniyang likuran. "Graciano ika'y gumising nga. Huwag kang magbibiro ng ganiyan!"

Para akong naubusan ng lakas. Ang aking mga tuhod ay tila ba nanlambot at ang aking puso ay dinurog nang paulit-ulit ng makita siyang magsuka ng dugo. Nakita ko ring nanginig ang kaniyang mga kamay.

Nalilito ako kung ano ang magiging reaksyon ko. Manginginig, matatakot, o mag-aalala ngunit sa huli, pinili kong gamitin ang aking utak kaysa puso. Agad akong nanghingi ng halamang gamot kay Marcus. Pinatakbo naman na ni Emilio ang kabayo.

May mga naririnig pa rin akong putukan ng mga baril habang pinapatakbo na ang kalesa palayo. Naalarma kasi ang mga guardia civil sa aming pakikipaglaban kung kaya't ganito na lang din ang dami ng mga guardia civil.

Dahan-dahan kong kinuha ang baril sa dibdib ni Graciano gamit ang aking materyales sa panggagamot. May luhang pumapatak sa akin habang ginagawa iyon.

"Magpagaling ka ah?" Nanginginig kong sabi. Sa kaniya. Nawalan naman siya ng malay ngunit ako'y umaasa na sa oras na magkaroon siya ng malay ay maayos na ang lahat. "Ikakasal pa tayo."

"DUMITO na muna tayo." Saad ni Emilio. Tumuloy kami sa isang bahay kubo dito. Agad na nagsihigaan sa lapag ang mga sugatan. Inayos ko naman na ang mga kagamitan ko.

"Saan nagpunta ang iba?" Tanong ko kay Emilio. Tiningnan niya naman ako. Base sa kaniyang mukha, handa siyang umalis ulit at makipag laban. Maiiwan ako dito kasama ang mga sugatan at si Marcus kung iyon nga ang mangyayari.

"Nasa Maynila. May plano ang supremo at sa aking palagay ay mapagtatagumpayan nila iyon." Lumapit siya sa akin. "Aalis muna ako upang ako'y tumulong doon. Ikaw na muna ang bahala sa mga sugatan ha?"

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Bukod sa akin at kay Marcus, siya na lamang ang hindi sugatan dito. Ang iba nga ay wala pang ngang malay eh. "Huwag mo naman sana kaming iwanan dito. Paano kung may guardia civil?" Hindi ko maiwasang taasan ang aking boses.

"Señorita!" Awat sa akin ni Marcus. "Sige na, Emilio. Ako na ang bahala dito." Tinanguan niya si Emilio at nagbigay galang naman ito sa akin. Wala naman akong nagawa kung hindi ang tumango na lang sa kaniya. "Siya ay heneral kung kaya't kinakailangan din siya doon."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Kung titingnan ay ang simple lamang ni Emilio, heneral pala ang isang iyon. "Heneral siya?" Tumango si Marcus.

"Heneral siya ng Katipunan. Mataas ang kaniyang ranggo, sa katunayan." Ngayon naiintindihan ko na ang kaniyang paglisan

Tiningnan ko ang mga sugatan at mga walang malay na sa akin umaasa ngayon. Sinimulan ko na ang panggagamot sa kanila. Si Graciano ay wala pa ring malay. Umaasa akong magiging maayos na din siya.

Mi Amore: The Señorita's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon