#5: Pag-Amin
Mahal kong Talaarawan,
Ako ba ay iyong mahal? Ako, ika'y aking mahal pa rin naman. Ako'y may ikukwento sa iyo. Iyo bang nalalaman? Alam kong hindi pa kaya heto ako at sasabihin na sa iyo. Ako ay ginawan ng duyan ng aking minamahal. Sino ang aking minamahal? Sino pa nga ba, walang iba kung hindi si Graciano. Si Gallardo Montealegre? Naku! Hindi iyon ang aking minamahal ano! Si Graciano lang ang aking iibigin! At iyo bang nalalaman? Balang-araw ako ay magsusulat ng aming nobela. Oo, hindi iyon imposible! Magiging manunulat din ako gaya ng aking hinahangaang si Fracisco Balagtas at Tagalog din ang gagamitin kong salita upang maintindihan kahit ng mga dukha.
Nangangarap, Hermosa
KINABUKASAN, ako ay pinatawag ng aking Ama sa kaniyang opisina. Naku! Ito na yata ang aking kinatatakutang araw, huwag niya sana ako pagsalitaan ng masama. Matagal-tagal na rin naman ang nangyaring pagsagot ko sa kaniya, ano? Sana ay kaniyang nakalimutan na.
"Mahal kong Ama?" Kumakatok ako ngayon sa pintuan ng kaniyang opisina. Kinakailangan kong sabihan ng MAHAL ang aking ama upang maibsan ang kaniyang galit sa akin, ako'y inyong intindihin.
"Ika'y pumasok." Seryosong sabi ni Ama. Ano kaya ang kaniyang sasabihin? Ako ba ay kaniyang itatakwil na bilang kaniyang anak? Kahit na hindi man ako sigurado kung ano ang kaniyang sasabihin ay pumasok ako gaya ng kaniyang iniutos.
Seryoso ang kaniyang mga mata. Nginitian ko siya upang mawala ang aking kaba. "Ama, kay tagal ng ating huling pagkikita!" Masayang sabi ko. Diyos ko, ako'y inyong protektahan sa aking istriktong ama.
"Matagal na nga, hija, at ang ating huling pagkikita ay iyong pambabastos mo sa akin. Iyo bang nakalimutan?" Seryoso ang kaniyang tono. Mali pala ang aking sinabi, sana'y hindi na ako nagsalita. Ako ay ngumiti na lang sa kaniya.
"Ama naman, kay tagal na noon, ako'y patawarin niyo na." Nakangiting saad ko. Nilapitan ko pa siya upang aking yakapin. Ama, ika'y mamili. Ako'y patatawarin mo o ika'y aking sasakalin, biro lamang! Ako ay mabuting anak.
"Magpasalamat ka at anak kita at mahal ko ang iyong ina." Kung gayon ay salamat, Ama. "Siya nga pala, tayo ay may tanghalian mamaya sa pamilya Montealegre." Hayan na naman siya sa pamilya Montealegre na iyan! Kailangan talaga magkasundo kami ng Gallardong iyan upang maitigil namin ang kasalan, kung kami ay ikakasal ay mauuwi ito sa sakalan.
"Bakit naman Ama?" Hindi maitago ang inis sa aking boses. Kasi naman, hindi ko naman napupusuan ang Montealegre na iyon! Oo siya ay may hitsura talaga at may lahing Kastila. Siya rin ay mula sa mayamang pamilya ngunit talagang hindi siya ang aking gusto, ako'y intindihin niyo naman!
"Si Gallardo na iyong mapapangasawa ay babalik na sa España upang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral ng medisina." Iyon pala, Ama kahit huwag na siya bumalik ay ayos lamang sa akin. "Siya talaga ay nagpapakabuti upang siya'y iyong ipagmalaki."
Mapait akong napangiti sa kaniya. "Ama, paano kung siya'y hindi ko gusto. Wala na ba talaga akong pag-asang hiwalayan siya?" Nawala ang ngiti niya sa aking tanong. Masama bang ipaglaban ko ang aking minamahal? Ako talaga ay naniniwalang si Graciano Del Pilar ang aking mapapangasawa eh.
"Siya'y iyong iibigin din, hija. Ika'y magtiwala sa akin. Siya ay kaibig-ibig, maginoo, matalino, higit sa lahat ay isang Montealegre." Seryosong saad niya. Hinawakan niya ang aking kamay. "Para sa bayan, hija. Ang kaniyang pamilya ay mga bihasa sa pag memedisina at abogasya. Sila'y makatutulong talaga sa atin."
Malungkot akong napangiti sa kaniya. Mukhang ako ay walang magagawa na rito. Ito ay tama lang naman, wala akong ligtas. Aking ibabahagi lamang na kadalasan sa mga alta sociedad ay pinapakasal sa kapwa nila upang ang yaman ay manatili sa kanilang pamilya. Napangisi ako sa aking naisip. Ang pamilya ko ay kabilang sa kanila.
BINABASA MO ANG
Mi Amore: The Señorita's Desire
Ficción histórica"Huwag mong hahayaang paglaruan ka ng tadhana, paglaruan mo ang tadhana." -Graciano "Hindi na mahalaga ang kinabukasan, kung ngayon pa lang ika'y mawawala na sa akin." -Hermosa Historical Fiction (1896) The story of a young lady who fell in love wit...