CHAPTER 5

6 2 0
                                    


"Carl alam mong may tiwala kami sayo diba? Kaya sana sa puntong 'to ingatan mo na yung anak ko." Dad said at saka tinapik sa balikat si Carl.

"Opo, promise po." saad naman ni Carl at saka na ngumiti.

Niyakap lang din ako ni Mom at saka ibinigay na kay Carl yung handle ng wheelchair ko.

"Magiingat kayo ha, at umuwi ng maaga." sabi ni Mom habang kumakaway sa aming dalawa.

Tinulak naman na ni Carl yung wheelchair ko palabas ng gate namin at saka na marahang naglakad papunta sa hindi ko alam.

Mabagal lang yung lakad niya na para bang dinarama niya yung simoy ng hangin. Pareho kaming tahimik at kapwa ayaw magsalita. Nakaupo lang ako habang nakatingin sa langit, habang siya naman ay tinutulak lang ako.

Hindi ko alam kung anong naisipan nitong kasama ko at basta basta na lang nagpasyang gusto niya daw akong ipasyal. Kung tutuosin medyo mainit pa dahil 3 p.m pa lang pero ito siya at ayaw papigil.

Akalain mo ba namang ipinagpaalam pa ako kila Mom and Dad. Nung una nga ayaw pang pumayag pero syempre dahil makulit 'tong kasama ko ay napapayag na rin niya.

Nakasuot lang ako ng short at saka isang itim na t-shirt, at rubber shoes. Naka suot lang rin ako ng cap na itim para ternuhan yung damit ko. Habang siya ay ganun din, may suot din na cap at gray shirt at short na hangang tuhod niya. Para kumpletohin ang outfit niya, naka rubber shoes din 'to.
Gara ba?, syempre maporma ata 'to.

"Kung pagod ka na pwede muna tayong magpahinga," sabi ko nung magdecide na akong putulin yung katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Hindi, okay pa naman ako eh. Wag mo na lang akong alalahanin. At saka malapit na naman tayo kaya ayos lang."

"Sige bahala ka, ikaw lang rin naman ang mapapagod..." pabirong sabi ko sa kanya.

Alam ko namang pagod na siya sa pagtutulak ng wheelchair ko dahil hindi rin naman biro ang bigat ko, pero ayaw pa niyang aminin. Sus, mga lalaki talaga ang hihilig magsinungaling, alam naman nilang mahuhuli at mahahalata sila pero mas pinipili pa rin nilang lokohin yung mga sarili nila.

Hindi rin naman siya nabigo at matapos nga ang ilang minuto ay nakarating naman na kami sa park. Yung itsura nun eh ganun pa rin, hindi naman na yun magbabago. May mga batang naglalaro, may mga magulang na sumusundo sa mga anak nila. May mga magkasintahan na nagsu-swing din kaming nakita.

Nilagpasan lang namin sila at saka dumiretso sa tambayan namin. Medyo liblib nga lang pero hindi naman na mahirap hanapin yung dinaanan namin kanina.

Huminto kami sa tapat ng isang malaking puno. May bench din sa ilalim nun kung saan kami madalas magpahinga sa tuwing pagod na kami sa paglalaro. Kung tutuosin medyo matanda na rin yung puno at naglalaglagan na yung mga dahon pero hindi ko pa rin maipagkakaila yung ganda nito, sabi nga sa kasabihan "old but gold" kung tama yung pagkakatanda ko.

Binuhat naman ako ni Carl at saka pinaupo dun sa bench. Inabutan ako ng tubig if in case daw na nauuhaw na ako. Hindi naman halatang mukhang pinaghandaan niya 'to eh.

"Grabe ang tagal na rin pala nung huli tayong nagpunta dito noh'?." and amusement is shouting all over his face.

"Actually ikaw lang talaga, dahil last month lang ata ay galing ako dito." wala sa oras naman siyang napalingon sa gawi ko.

"Ano lagi ka pa ring nagpupunta dito? Alam ba 'to ng parents mo, o kahit si Tinay? Baka tumatakas ka ha?"

"At sa tingin mo makakatakas pa ako kung ganito yung itsura ko. At saka easy lang kasama ko lagi dito si Tinay o minsan sila Mommy para magpicnic." naka ngiti kong sabi sa kanya. Yung ngiting hindi na aabot sa aking tenga.

"Mabuti naman kung ganun..." ngumingiti na naman siya. Yung dati ko pang gustong makita kaya lang nangiwan siya.

'At tumahimik ang kapaligiran,
Na tanging ikaw at ako lang.
Pinakingan ang mumunting tugtug.

Tugtug...
Tugtug, ng puso nating patuloy sa pagtibok.

Hinayaan ang hangin na isayaw ang mga dahon sa sanlibutan.
Hinayaan ang mga damdaming tangayin na ng palaisipan.

Tanging ang sinag ng araw ang dumadantay sa balat.
Ang mga ulap na naging saksi ng lahat.'

Nginitian mo ako,
At ngumiti naman ako sayo,
Yung ngiting aabot na ngayon sa hangang tenga ko...'

Tumingala ako sa puno, nakita ko ang unti unting paglagas ng mga dahon. Kagaya ng buhok ko anumang oras ay mapapagod na rin ang mga sangga nito at tuluyan ng bibigay ng dahil sa pagod na nararamdaman ng puno.

Ngunit kahit ganun saludo pa rin ako sa tatag at tibay na patuloy niyang tinataglay. Saludo ako sa tapang niya para manatiling nakatayo kahit ilang taon na rin ang lumipas. Kahit ilang tao na rin ang lumisan at hindi na siya nagawang balikan.

Parang kami ni Carl nagkalabuan. Hindi na maramdaman ang saya sa bawat isa kaya mas pinili na lang bitawan ang alaala naming dalawa. Pero hindi yun rason para tuluyan na nga naming limutin ang isa't isa. Heto kami at muling nagkita sa parehong lugar, pero alam naming sa limitado ng pagkakataon.

"Trin, naalala mo pa ba nung una tayong magkita dito?. Yung tipong nadapa ka nun tapos iyak ka ng iyak haha ang epic nga ng mukha mo nun eh."

"Yeah right, tapos ikaw naman ay tinakasan mo yung yaya mo kasi sabi mo hindi ka nage-enjoy na kasama mo yun." naka simangot kong sabi sa kanya pero tumawa lang siya ng tumawa.

"If I know ikaw rin naman, kaya nga nadapa ka diba." pigil na pigil siya sa pagtawa niya kahit halata naman na. Uy hindi ako clown para maging source of happiness niya ha.

'At sa muli...
Ang ating mga mundo ay nagtagpo,
Ang ating mga mata ay pinagkasundo.

At muling ipinagkatiwala sa tadhanang mapaglaro.
Ang istorya ng 'tayo.'

Muli tayong nagtiwala kahit hindi tayo sigurado,
Kung may matatawag pa bang ikaw at ako hangang dulo ng kwentong ito...'

TREE OF INFINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon