CHAPTER 8

5 2 0
                                    

At ang mga bituin ang nagsilbing gabay,
Habang magkahawak ang ating mga kamay.
Na naglalakad sa gitna ng daan pauwi sa aming bahay.

Hindi alintana ang katahimikan,
Hindi alintana ang kadiliman sa ating kapaligiran.
Basta't ang mahalaga'y 'Ikaw at Ako'y masaya'.
Sa piling ng isa't isa.

Alam kong sabado ngayon but I'm still here, sa loob ng kwarto sa hospital na 'to. Bored na bored na ako at nagpupumilit na ngang lumabas, pero ayaw pa rin akong payagan ng doctor ko. Kahit nga sila Mom at Dad ay kinukulit ko rin, pero mukhang may pinagmanahan nga ata talaga ako dahil sa tigas ng ulo haha.

Si Carl at Tinay, maging si yaya Lina ay pabalik balik rin dito. Ayaw kong isipin na nagiging pabigat na ako sa kanila kaya hangat maaari ay nililibang ko na lang rin yung sarili ko.

At ngayon nga kasalukuyan akong nakaupo sa hospital bed na kinalalagyan ko at sinusubukang magliwaliw sa pamamagitan ng pagbabasa. Hindi ko alam kung asan sila Tinay but one thing is for sure, and that is my parents are both working.

Nilulunod na naman nila yung mga sarili nila sa mga trabaho nila. Para panandaliang magkarun ng paglalabasan nila ng pagaalala nila para sakin.

Ewan ko ba kung bakit, pero mukhang nakikisama yung pagkakataon sakin. Hindi ko alam kung aksidente lang ba o nakatadhana talaga 'tong mangyaring lahat, pero alam ko na lahat ng ito ay may rason.

Kung tutuosin nga ay magi-isang linggo na ko dito. Magi-isang linggo na rin silang pabalik-balik, alam kong pagod na sila pero hindi sila sumusuko, kasi alam nilang para sa ikabubuti ko raw yun. Kung ako nga lang ang papipiliin ay gusto ko na lang umuwi, dahil alam na rin kasi naming lahat ang end game ko.

Mamamatay ako, habang malulungkot silang maiiwan ko. Masakit mang isipin at aminin pero yun yung totoo. Pinapahirapan lang namin ang mga sarili naming ipilit ang kagustuhan namin, kahit alam naming malabo pa sa malabo ang tiyansang mabubuhay pa ako.

Isinawalang-bahala ko na lang ang isiping yun at saka na nagpatuloy sa pagbabasa ko.

***

CARL'S POV

Sakay ng kotse ko, bitbit ang bulaklak at prutas na nasa basket, ay mas pinili kong pumunta na lang sa hospital. Alam ko kasing walang nagbabantay sa kanya ngayon dahil parehong nasa trabaho ang mga magulang niya, si Tinay naman ay busy sa pagpapractice para sa graduation nila, habang si yaya Lina naman ay tumawag sakin at nagsabing uuwi raw muna siya para kumuha ng ilang mga gamit ni Trin.

Sa totoo lang dapat ay sabay kaming tatlo na gagraduate kaya lang ay mas pinili kong mag-aral sa America, at alam naman nating advance ang itinuturo nila dun kaya bago pa man ako umuwi rito ay nakagraduate na rin ako dun. Ayaw ko kasing umuwi nun na walang napapatunayan.

Habang si Trin naman ay nagdrop out na dahil sa kundisyon niya. Kung susumahin nga ay running for valedictorian dapat siya, kaya lang ay hindi na siya umabot. Marami ngang naghinayang sa kanya, pero siya, never niyang dinown yung sarili niya. Sa sobrang tapang niya pa nga ay tinanggap na lang niya ang mga nangyayari.

Naniniwala kasi siya na lahat daw ng nangyayari ay may rason. Na lahat ng tao ay darating at mawawala para magbigay ng aral sa buhay mo.

'Parang siya sa buhay ko. Nagbigay aral, naging source of happiness ko, pero iiwan din naman pala ako. Alam ko kasing hindi niya deserve ang masaktan kaya hangga't maaari ay si God na ang gumagawa ng paraan.'

Hindi ko na lang yun masyado pang pinagtuonan ng pansin ng makita kong nasa tapat na nga ako ng hospital, kaya ipinarada ko lang ng mabilis yung kotse ko at saka na nagtuloy sa loob.

Nadaanan ko pa nga yung front desk eh, kaya lang hindi ko na lang yun pinansin at sa halip ay nagtungo na sa elevator nila. Nasa 12th floor kasi yung room niya, dahil isa yung private room, kaya asikasong-asikaso nila si Trin.

Mabilis namang nakarating yun sa floor kung nasan yung room niya kaya, wala ng pagaatubili akong nagtungo sa silid niya.

Marahan ko namang binuksan yung pinto ng kwarto niya, at dun nga tumambad sa paningin ko ang magandang babaeng nakahiga sa kama niya. Payapa itong natutulog, habang may librong nakapatong sa may lap niya. Wari ko'y napagod na naman ito sa pagbabasa.

Inilagay ko naman sa bedside table sa may gilid niya yung mga dala ko at saka ko na siya hinalikan sa noo.

Sa ngayon hindi ko pa talaga maisip kung ano ba talaga ang kasalanan niya kaya siya pinaparusahan ng ganito. Pero naisip ko kung kasalanan nga ba talaga niya, o baka naman siya lang talaga ang nagbabayad ng kasalanan ng mga tao sa paligid niya.

Alin man dun, alam kong wala lang yun sa kanya, handa na nga siya sa mga pangyayari na maaaring maganap, kaya lang sa tuwing naiisip niyang may maiiwan siya, para bang instant na lalaban siya. Kahit alam, at tanggap na niya ang kahihinatnan niya.

'Sa totoo lang hindi siya bagay sa lugar na 'to, mas bagay kasi siyang magstay sa buhay ko. Mas bagay siyang mahalin at pahalagahan, kaysa matulog na lang ng pangmatagalan…'

Gayon pa man, wala na naman kaming magagawa. Gustuhin ko mang akuin ang kalagayan niya ay hindi ko magawa.

Ang dami pa naming pangarap, kaya lang malabo pa ata sa malabo yun na mangyari pa, pero hindi pa rin siya nawawalan ng pagasa dahil sabi niya balang-araw daw mangyayari ang mangyayari. At siya, magiging masaya rin daw siya kasama ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Minsan nga nagagalit din ako sa kanya, hindi ko kasi alam kung bakit mas pinipili pa niyang maging positive thinker, sa kabila ng mga nangyayari sa kanya. Kasi kung ako siguro yun, matagal ko ng isinumpa ang mga nasa paligid ko.

Ang kaibahan nga lang namin ay hindi siya tulad kong makitid magisip. Yun nga yung nagustuhan ko talaga sa kanya, wala siyang pake sa sasabihin ng iba, once kasi na sa tingin niyang tama ang ginagawa niya ay susundin niya ito, pero kung sa tingin niya naman mali at wala namang patutunguhan ay mas pipiliin niya na lang makinig sa sinasabi ng iba.

TREE OF INFINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon