EPILOGUE

25 2 0
                                        


Carl Jan Martin,

     Hi Carl! Yiiee kinikilig 'to panigurado haha. Ay oo nga pala, may sasabihin ako.. alam mo ba kung ano?, Di mo alam di ba?, sige sabihin mong oo, sasapakin kita hihi, pero syempre joke lang. Para akong sira noh'? Pero sige ito na talaga. Promise seryoso na...

     Kamusta ka na? Siguro ang saya saya mo diyan? May mga kaibigan ka din ba, tulad namin ni Tinay, o baka iba ng kaibigan yan ha hihi?

     Carl sana sa oras na binabasa mo 'to ay nakangiti ka. Sana din ay with matching tears of joy din para feel na feel.

     So ito na nga, kung nasan ka mang lupalop ng mundo, o kahit nasa kabilang dako ka pa ng universe ay sana malaman mong nagtatampo pa din ako sayo. Grabe naman kasi, alam ko namang hindi madali yung nalaman mong may sakit ako, pero sana naisip mong mahirap 'to para sakin, tapos naisip mo pang iwan ako. Haha lupit mo namang kaibigan, sige sabihin na nating hindi 'to sulat ng panunumbat pero gusto ko pa ding maramdaman mo yung tampo kong naguumapaw dahil sa pagalis mo hmm!!

     Alam mo ba na nagmukha akong tanga na pabalik palik sa bahay niyo tapos kaya pala hindi mo ko magawang labasin ay dahil umalis ka na. Alam mo din bang sinisisi ko yung sarili ko sa pagalis mong damuho ka?, pero sige dahil mahal naman kita... bilang kaibigan o kung assuming ka sige pwedeng bilang guy na hihi, pinapatawad na kita.

     Ay by the way nga pala, sana maayos ang lagay niyo diyan ha. Ingatan mo ang sarili mo lalo na't wala ako para ingatan ka. Kumain ka ng mabuti, at tandaan mong hindi ka pwedeng magkaron ng kaibigan na tulad ko kasi nag-iisa lang 'to, kaya kung gusto mo, tara uwi na hihi.

     Pero seryoso.. Sana sa pagalis mong 'to ay maabot mo yung pangarap mo. Sana maging masaya ka, dahil yun din yung gusto kong maramdaman mo, lalo pa ngayon na ganito na nga ako. Ayaw kong nalulungkot ka ha, at in case man na may mangyaring masama sakin, wag mong sisisihin yung sarili mo. Hindi naman natin 'to ginusto kaya wag kang magalit sa mundo.

     Wag mo ring hayaan na kainin ka ng galit diyan sa puso mo kasi naku talaga, mumultuhin kitang damuho ka, pag nagkataon. Sana din wag mong isara ang puso mo, lalo na ngayon na magkalayo tayo. Ah may hindi ka pala sinasabi sakin ha, hihi alam ko na yung sekreto mo, sinabi sakin ng  Mommy mo. Gusto mo bang malaman kung ano, sige sasabihin ko para mahiya ka haha. May gusto ka daw sakin haha, bakit hindi mo naman sinabi nung mga panahong nandito ka pa, edi sana nalaman mong gusto din kita yiee... pero totoo nga...

     Carl kung namimiss mo ko tingin ka lang sa langit, at hanapin mo yung pinaka maliwanag na bituin then imaginin mong nakatingin din ako dun, para kahit papano hindi ka malungkot. Saka nga pala kung mawawala man ako, gusto ko alagaan mo si Tinay ha? Wag mo siyang pababayaan, at mas lalong wag mo siyang hahayaang magkalat sa burol ko para wala tayong problema. Sana ingatan niyo yung isa't isa at wag niyo kong kakalimutang dalawa. Mahal ko kayo kaya sana maging masaya kayong lahat dahil ito yung nakatadhanang mangyari sa buhay ko, kaya thankful pa din akong nakilala ko kayo.

     Maraming salamat sa lahat. Maraming salamat sa mga memories na nagawa nating magkakasama. Wag kayong malulungkot lang talaga dahil malulungkot lang din ako kapag nangyari yun. So pano hanggang dito na lang ha, nangangalay na kasi ako, lalo pa't kailangan na akong i-check ng nurse ko.

     Bye na ha, pero wag niyo kong kakalimutan. Hihintayin kita Carl pangako yan..


Love,
Trinity Hope.

Pagkatapos kong mabasa ang sulat niya na nakalimutan ko na kung pangilang beses ko na bang naulit basahin ay muli ko na lang iyong tinupi at inilagay sa bulsa ko. Yan yung sulat na nakita ko sa side table ko nung bago ako pumunta sa bahay nila one day before siya ilibing. Siguro isinulat niyo 'to after nung malaman niyang umalis na nga ako.

It took me days para finally basahin din yang sulat na yan. Ilang gabi din akong nagmukmuk pero hindi na ako umiyak, dahil gaya ng nasa sulat, malulungkot lang din naman siya.

So this is really it is. Pano ba yan, kailangan ko na munang pansamantalang kalimutan ang lugar na ito, maging ang mga masasaklap na nangyari karanasan sa buhay ko dito, pero one thing's for sure, 'makalimutan ko man ang lahat, takasan ko man ang nakaraan, patuloy pa din akong babalik sa kanya. Patuloy na hahabulin ng masasayang alaalang magkasama naming hinarap na dalawa..'

Pero ngayon hahanapin ko muna yung sarili ko. Yung sarili kong hindi ko na makilala, ng dahil sa nangyari, pero kasi umalis man ako, yung puso ko ay patuloy na maiiwan para sa babaeng mahal ko.

Maybe ito talaga ang perpektong ending ng kwento namin. Ako na nagmahal ng babaeng anghel sa mata ng lahat, pero sa maikling panahon lang ang itinagal ng buhay. Saklap no'?.. pero totoo.

Pano ba yan?, ito na talaga, wala ng atrasan. Wala ng balikan. Wala ng lingunan, kasi sa oras na ika'y namaalam, kailangan ko na ring sabihing paalam. Pero wag kang magalala, babalik din naman ako sinta, wag kang magalala mahal pa din naman kita.

Till we met again. Till the universe find a way to cross our own both heaven....












The End

TREE OF INFINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon