"Anak alam kung naririnig mo ko, s-sana lumabas ka na dyan, ilang araw ka ng nagkukulong sa kwarto mo... Carl anak n-nandito si Tinay sa l-labas hinihintay ka niya dito,..kaya sana lumabas ka naman na oh'." sabi ng isang tinig mula sa labas ng kwarto ko, habang marahan ding kinakatok ang pinto.
Ilang araw na ba ang nakalipas? Ilang araw na ba nung huli ko siyang makita? At ilang araw na din ba ang lumipas nung magsimula akong magkaganito?... Laging tulala, laging umiiyak, ayaw lumabas, kaya nagkukulong na lang sa kwarto. Walang ganang kumain, at ayaw na makipagusap sa kahit kanino.. Epekto siguro 'to ng lungkot ko sa pagkawala mo...
Hindi ko alam... 'Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito, pero isa lang ang alam ko... Yun ay ako ang may kasalanan kung bakit ka natutulog ngayon. Natutulog at matutulog na ng panghabang buhay.'
It's already ten in the morning pero ito pa rin ako at nakahiga sa kama ko, gising na ang buong diwa ko pero hindi ko kayang bumangon dahil sa panghihina ko. Ayaw maki-isa ng katawang lupa ko. Gising na ako pero wala akong ibang maramdaman kundi ang lungkot at galit na namumuo sa dibdib ko.
Kung bakit ba kasi siya pa? Bakit sa lahat ng tao siya pa?, hindi ko man lang naiparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Hindi ko man lang naipakita sa kanya yung mga bagay na ipinagkait ng mundong makita niya.
"Carl alam mo ba gusto kung pumunta sa mataas na lugar, at...at mula doon ay pagmamasdan ko ang buong siyudad, maging ang maraming mga ilaw mula sa ibaba..." nakangiting sabi niya sakin habang pinagmamasda ang larawan nung lugar na sinasabi niya.
"Sige balang araw dadalhin kita dyan, kapag malaki na tayo ay sabay tayong maglilibot sa buong mundo hihihi..." sabi ng batang ako habang masayang pinagmamasdan siya.
Napangiti na lang ako ng mapait ng sumagi yun sa isip ko, at sa muli ang mga luha sa mata ko ay hinayaan ko. Pinakawalan ang naguumapaw na lungkot sa dibdib ko. Ang hina ko... Ang hina hina ko, kung sana hindi ko siya dinala dun, kung sana hindi ko hinayaang mangyari 'to siguro ngayon ay masaya pa kaming pareho. Kung sana ay hindi ko na lamang ipinaubaya sa tadhana ang kwento namin at kung sana gumawa na ako ng paraan mula pa noon sana ay at least napatunayan ko lamang na mahal ko talaga siya..
"Carl, ang ganda talaga ng mga bituin noh'?...sana magawa kong mahawakan sila..."
"Hmm, ganun na? Hayaan mo susungkitin ko ang isa sa kanila, para makahiling ka..."
"Bakit naman isa lang ang kukunin mo kung pwede mo naman silang kunin na lang lahat?" nakikita ko na naguguluhan siya pero nginitian ko siya ng malapad.
"Kasi kung kukunin ko silang lahat wala ka ng makikita sa itaas... Mawawala na din yung kumikinang sa langit, parang ikaw kapag kinuha ka nila...mawawalan na ng kinang ang buhay ko..."
Pero ngayon ay tuluyan ka na nga nilang kinuha. Maging ang kinang at ang nagsisilbing ilaw ng buhay ko ay naglaho na lang ng bigla.
"B-Bakit kasi ikaw pa,... Sana s-sinama mo na lang din ako para kahit p-papano nararamdaman ko pa ang saya, kasi k-kasama kita..." mahinang usal ko, pero sapat na para marinig ng buong mundo. Sapat na para marinig nila ang palahaw ng puso ko.
TINAY'S POV
Hangang ngayon hindi pa rin kaming lahat makapaniwala. Kung paanong ang Trin na nakita namin nung araw ng graduation ko, ngayon ay isang malamig na bangkay na. Aakalain mo sa unang tingin na parang natutulog lang siya, pero sa tuwing mapapadako ang iyong paningin sa kinahihigaan niya ay manlulumo ka. Nakahiga siya ng tuwid, kapwa mga nakapikit ang mga mata, at ang puting kabaong na kinahihimlayan niya ay nagpapahiwatig na wala na siya.
Mabigat sa loob na makita siya sa ganung ayos. Masakit na makitang ang matalik kong kaibigan ay panghabang buhay ng matutulog. Masakit isiping iniwan niya na kami, pero alam naming hindi niya 'to ginusto... Hindi niya pinili ang landas na kinahantungan niya ngayon, kaya tinanggap na lamang niya ang tadhana niya.
Nandito kaming lahat sa garden ng bahay nila, dito kasi pinili nila tito at tita na iburol ang anak nila. Marami ring mga tao ang nandito at piniling samin ay makidalamhati. Nilagyan nila ng transparent na bubong ang buong lugar kaya nakikita parin naman namin ang langit, pero hindi naman kami masyadong nasisinagan ng araw.
Si tita lagi lang na nakatulala habang nakatingin sa unahan kung na saan ang kabaong ng anak niya, kung minsan pa nga ay bigla na lamang siyang hahangulngul ng iyak, kaya maging si tito ay laging nasa tabi na lamang nito. Si yaya Lina naman namumugto rin ang mga mata, pero pinipilit niyang pasiglahin ang sarili niya. Siya na din ang nagaasikaso ng mga bisita dahil ang magasawa ay hindi pa makausap ng matino.
Si Carl naman hindi na naman nakita pa. Pagkatapos kasi niyang tumakbo paalis ng hospital ay hindi na namin siya mahagilap pa. Akala namin ay nagmumukmok lang siya kaya pinabayaan na lang namin, pero kanina lang ay tumawag sakin si tita Cath at sinabing ayaw pa rin daw kumain nito. Kaya pipuntahan ko siya kanina pero maging ako ay hindi man lang niya nilabas.
Ang sabi pa nga ni tita Cath nagkukulong lang daw ito, ayaw makipagusap kahit kanino, pero sinusubukan pa rin niyang kausapin 'to. Pinipilit kumain pero mas pipiliin nitong magbingibingihan at hindi rin siya pagbubuksan. Natatakot na nga si tita Cath at baka kung anong maisipan nito at baka bigla na lang sundan din si Trin eh.
Halata sa mga mukha ng mga taong nandito ang labis na pakikidalamhati, maging ang mga magulang at kamag-anak ko ay nandito din, dito na nga rin ako natutulog para mabantayan lang sila tita. Hinayaan naman ako ni tito at pinagstay pa sa guest room nila.
Mahirap para samin...sakin na tangapin ang mga pangyayari ngayon pero ano pa nga bang magagawa ko, kailangan naming ipagpatuloy ang mga buhay namin dahil hindi panghabang buhay ang lungkot na nararamdaman namin ngayon. Oo siguro may lungkot pa din pero kahit paunti-unti malalampasan namin 'to.
BINABASA MO ANG
TREE OF INFINITY
Historia CortaAng punong pinagmulan ng pagkakaibigan ng dalawang taong nasa magkaibang kalagayan. Tunghayan ang maikling kwento kung pano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan na nauwi sa masaklap na paalaman.