CARL'S POV
Nagising na lamang ako ng maramdaman ko ang liwanag ng araw na tumatama sa balat ko. Umaga na pala, hindi ko alam kung paano pero siguro nakatulog na nga ako kahapon. Naalala ko ko ang napagusapan namin ni Trin kagabi, kaya wala sa sariling naigala ko ang paningin ko sa kwarto ko, pero ganun na lamang ang panlulumo ko ng mapagtanto kong magisa lang pala ako.
Totoo ba yung nangyari o panaginip lang ang lahat. Hmm, siguro nga nanaginip lang akong nangyari nga yun. Siguro maituturing yung panaginip pero bakit parang totoo. Ramdam ko pa nung magdampi ang aming mga balat. Ramdam ko pa kung gaano kalambot ang kanyang mga kamay nung muli ko siyang isayaw.
Tsk! Trin naman kasi bakit hindi pa ako gising nung dalawin mo ko edi sana alam ko yung pakiramdam na kahit sa huling pagkakataon ay makasama kita.
"Carl anak please lumabas ka na naman, nagaalala na kami sayo ng sobra. A-Anak alam kong naririnig mo ko, kaya pakiusap k-kausapin mo naman ako oh'." sabi ni mama sa labas ng kwarto ko, kaya napapangiti na lamang ako, saka pinilit ang sariling bumangon na.
Hindi pa ako okay, pero kailangan kong gawin yung makakabuti. Isa pa ito ang gusto niya kaya gagawin ko yun kahit mahirap, kahit masakit basta ba alam kong magiging masaya ka.
Unti unti kong inililis ang kumot na nakatabing sa katawan ko at saka naglakad papunta sa pintuan ko. Binuksan ko yun ng mabagal at nakita ko pa kung paano umiyak ang mama ko.
"A-Anak mabuti at naisipan mo ng lumabas. A-Ayos ka lang ba?.. Siguro n-nagugutom ka na, tara sa baba ipaghahanda kita ng makakain..." halata ang pagpipigil niya ng hikbi na sabi. Lumapit ako sa kanya at saka ako yumakap ng mahigpit. Ramdam ko namang muli siyang umiyak dahil nababasa ang damit ko, kaya hinagod ko naman ang likuran niya.
"Ma, a-ayos lang po ako kaya wag ka ng umiyak. Sorry kung pinagalala ko kayo pero promise po hindi ko na uulitin.." mahinang sabi ko ngunit sapat na para marinig niya.
"Naku kang bata ka oo, alam mo bang alalang alala kami sayo, lalo na ako ha? Gusto kitang pingutin pero alam kong hindi ka pa fully recovered ngayon so, palalampasin ko muna ngayon hmm!!" kumalas siya sa yakap kaya nakita ko kung pano gumulong yung mga mata niya.
"Ma, sorry talaga. Hindi ko sinasadya..."
"That's okay, kaya tara na sa baba para makakain ka na, alam kong gutom ka." tinapik niya yung balikat ko at saka sinenyasang mauna na.
"Maliligo lang po muna ako then after that, saka na po tayo sabay na kumain." sabi ko kaya napabuntong hininga na lamang siya at saka ako alanganing nginitian. Tumango pa muna siya sakin saka ako muling tinignan sa mata.
"Sige, basta sumunod ka ha? Wag ka ng magkukulong ulit please." bulong niya pero dinig ko naman kaya nginitian ko na lang siya at saka na siya tumalikod at naglakad na pababa ng hagdan.
Pumasok naman ulit ako sa kwarto ko at saka na dumiretso sa cr para maligo. Pagkatapos makapagbihis ay muli akong lumabas at sinalubong ulit ako ng blanko kong kwarto. Napaupo ako sa kama at saka inilibot ang paningin, umaasang ikaw ay akin pang mahahagip ng tingin.
Napatingin naman ako sa may bandang side table ko at saka dun hinanap ang cellphone ko. Pero imbis na yun ang makita ko, ay isang puting nakatuping papel ang napansin ko, sa ilalim ng lampshade ko.
Inabot ko naman yun at saka wala sa sariling pinakatitigan. Inaalam kung sino ang magkakamaling maglalagay nun dun gayong ako lang naman ang nasa loob ng kwarto ko. Nagtataka man ay marahan ko yung binuksan at nagulat ako ng makita ko ang pangalan ng taong bumalatay sa likod nun.
"Trin..." mahinang bigkas ko pa at hindi ko na namalayan ang luha ko. Alam kong grabe ang pagpipigil kong umiyak kasi alam kong malulungkot din siya, pero kasi hindi ko pa rin pala kayang pigilan. Ibang usapan pa din pala kapag siya na ang pinuntirya.
TINAY'S POV
Bukas na... Bukas yung araw na matatapos ang lahat. Bukas na namin siya tuluyang palalayain sa aming mga buhay. Bukas na namin siya ihahatid sa kanyang huling hantungan. Ang araw na magiging malungkot at mababalot ng paghihinagpis dahil sa pagkawala ng aming mahal sa buhay.
Nandito pa din ako sa buhay nila Trin at kasalukuyang nakaupo sa tabi ni tita na nananatiling nakatulala pa din. Si tito naman ay kinukumusta yung ibang mga bisitang nagsisidatingan pa.
Last day na ng burol ni Trin kaya halos lahat ay abala at aligaga na pero halata ang kanilang pakikisimpatya. Si Carl hindi ko alam kung kumusta na. Hindi ko rin alam kung pati bukas ba ay pipiliin niya pa ding magtago, at tuluyan na ngang kakalimutan si Trin.
Alam ko din naman masakit para sa kanya 'to, pero hindi ito ang oras para magmukmuk lang siya at hayaang pabayaan ang sarili niya kasi alam kong malulungkot din si Trin sa mga nakikita niya. Hindi man namin siya nakikita, hindi man namin siya nararamdaman, alam kong nasa tabi lang namin siya at palaging nakaabang.
Kaya sana bukas okay na.. Sana bukas makakaya na ng lahat...
BINABASA MO ANG
TREE OF INFINITY
Historia CortaAng punong pinagmulan ng pagkakaibigan ng dalawang taong nasa magkaibang kalagayan. Tunghayan ang maikling kwento kung pano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan na nauwi sa masaklap na paalaman.