CHAPTER 18

3 2 0
                                    

Ngayon habang nakatingin ako sa mga mata niya, nahahalata ko ang naguumapaw na kasiyahang nararamdaman niya. At sa bawat kalabit niya ng gitarang hawak niya, alam kong nage-enjoy siya sa ginagawa niya.

Pinanood ko lang siya hangang sa tuluyan na nga siyang matapos sa pagtugtug at pagkanta niya. Nakikipagtitigan pa rin naman siya kaya ngumiti na lang din ako pabalik.

Nabigla na lang ako nung bigla siyang tumayo mula sa pagkakaluhod niya sa harap ko, kaya naiilang na sinundan ko na lang siya ng paningin ko.

"Pwede ba kita isayaw?" nakangiti ngunit seryosong sabi niya sakin habang nakatitig ng mataman sakin.

"H-ha seryoso ka ba?... eh w-wala naman tayong tugtug dito ha?" nalilito kong sabi.

"Ayos lang yan, at saka isa pa tayo lang naman ang nandito eh kaya walang problema."

"S-sige pero pano yan hindi ko na kayang tumayo, alangan namang buhatin mo ko?" pabiro kong sabi kahit namumula ang magkabilang pisnge ko.

"Wala naman yung kaso sakin kung magdamag kitang bubuhatin, basta ba magdamag din tayong magsasayaw." nakangisi na naman siya.

"Bolero ka talaga eh noh'?"

"Hindi ah nagsasabi lang talaga ako ng totoo, kaya halika na at isasayaw kita, wag kang magalala dahil aalalayan naman kita." saka niya iniabot ang kamay niya sa harap ko, kaya wala na nga talaga akong kawala sa kakulitan ng lalaking 'to.

Tinangap ko na lang yun at saka kumapit sa kanya ng mahigpit dahil mahirap na at baka mahulog pa ko... 'sa kanya ng sobra'. Inalalayan naman ako kaya mas lalo akong napalapit sa kanya. Giniya naman niya ako papunta dun sa gitna ng may kurtina at saka pinaka titigan sa mga mata.

"Ang ganda mo..." turan niya habang titig na titig pa rin sakin.

"Jinoke mo na lang ata ako eh?" nakangusong sabi ko.

"Hindi seryoso, maganda ka naman talaga eh ayaw mo lang kasing tanggapin."

"Hmm... I..I don't know what to say.."

"You don't have to say anything, yung nandito ka lang sa harap ko at kasama ako ay sapat na para malaman ang gusto mong iparating." makahulugang sabi niya, kaya ngumiti na lang ako.

Inilahad niya ulit yung kamay niya sa harap ko kaya kinuha ko ulit ito at saka niya dahan dahan yung inilagay sa batok niya, habang yung mga kamay niya naman ay inilagay niya sa bewang ko. Saka siya marahang gumalaw habang inaalalayan pa rin ako.

Marahil ay magmumukha kaming tanga sa mata ng iba kung may makakakita samin sa ganitong ayos, pano ba naman ay nagsasayaw kami kahit walang tugtug, pero dedma na lang dahil kasama ko naman siya.

At kung maaari ko lamang pahintuin ang oras at panahon.
Kung maaari ko lamang pakiusapan ang pagkakataon.
Ginawa ko na sana ng ang ating alaala'y hindi na magtapos.

Kung maaari ko lamang ipagkasundo ang buhay ko kay tadhana,
Ng ang ating mga landas ay hindi na kaylan man maghiwalay.
Ginawa ko na sana ng tayo ay maging masaya.

TREE OF INFINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon