CHAPTER 4

6 2 0
                                    


Nararamdaman ko yung bawat galaw in Carl habang akala niya'y tuluyan na nga akong nakatulog. Pero hindi, gising ako. Pinipilit kong labanan yung antok na nararamdaman ko, para lang alamin kung kahit sa pagtulog ko ba ay iiwan pa rin niya ako, pero hindi, nagkamali ako.

Nagkamali ako dun sa puntong pinagpipilitan kong hindi ito totoo at isa lang sa mga panaginip ko. Iminulat ko ang mga mata ko, hinayaan ang mga luhang kumawala mula rito.

Pinagmasdan ko siya habang mahimbing na natutulog at saka marahang hinaplos ang buhok niya. Hindi ko ipagkakailang namiss ko siya, dahil ilang buwan na rin ba nung huli ko siyang makita…

Isa?…

Dalawa?…

Tatlo?…

Hangang sa umabot na sa puntong ang mga buwan ay napalitan na ng taon. Hindi ko na nga maalala kung pano kami huling nagkita, basta ang alam ko na lang isang araw ay hindi na siya nagparamdam. Naghintay ako sa may playground nung araw na yun sa tapat mismo ng puno na tagpuan naming dalawa pero gumabi na ata at hindi na siya dumating.

Pumunta ako sa bahay nila sa pagbabaka sakaling nandun lang siya sa kwarto niya at pinagtataguan ako pero wala. Ganun lang yung naging routine ko araw-araw hanggang sa lumala na yung kondisyon ko at hindi na kinakaya ng katawan ko, kaya in the end ako na rin mismo yung sumuko, pero never akong napagod sa paghihintay sa kanya.

Umaasang baka isang araw bumalik siya at balikan ako para magsorry sa pagtatago niya pero hindi. Hindi na siya bumalik hanggang sa nalaman ko na lang na wala na pala siya at umalis na ng bansa.

Pinigilan kong mapahikbi sa takot na baka magising ko siya. Dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga, may takot na baka bigla na lang siyang mawala. Kinuha ko yung unan ko at saka inilagay sa likuran niya para kahit papano'y maging kumportable siya at hindi mangalay ng sobra.

Ilang saglit ko pa siyang pinagmasdan hangang sa ako na mismo ang mangalay at saka na nagpasyang mahiga ulit at nagpalamon na sa sobrang kadiliman.

~~~~~~


Kinabukasan, nagising na lang ako dahil sa nahihirapan na naman akong huminga. Hindi na ako nagpanic dahil sabay na 'to sa daily routine ko kung maituturing, pero sa pagkakataong 'to alam kong kakaiba 'to. May kamay na nakahawak sa kamay ko habang nakatungo sa tabi ng kama ko.

Tinupad talaga niyang hindi niya ako iiwan hangang sa magising ako. Napahawak naman agad ako sa dibdib ko ng hindi ko na maramdaman ang normal na tibok ng puso ko. Para bang bumabagal pa ata lalo yun, kaya kahit labag sa loob ko ay pinisil ko na lang ang kamay niya na para bang sa pamamagitan nun ay mabibigyan niya ako ng sapat na hangin na kailangan ko.

Nagtagumpay ako. Nabawasan ng kunti yung kabang nararamdaman ko ng makita ko si Carl na unti unting nagmulat ng mata at saka ako tinignan. Nakita ko naman agad yung pagaalala niya ng makita ang kalagayan ko kaya nginitian ko na lang siya.

Ngumiti na naman ako para lang pagtakpan yung totoong nararamdaman ko.

"Trin ayos ka lang ba?… Anong nararamdaman mo, may masakit ba sayo?, sabihin mo sakin kung saan masakit please…" natatarantang sabi niya sakin saka hinagod yung likuran ko.

"O--okay lang ako. P--paki tawag n--naman sila sa b--baba…" nahihirapan man ay nagawa ko pa rin yung sabihin. Nagaalala siyang tumingin sakin at makikita mo talagang ayaw niya akong iwan pero dahil pinilit ko siya ay pinisil niya ulit yung kamay ko at saka na mabilis na tumakbo palabas ng kwarto ko.

Naririnig ko pa silang nagsisigawan sa baba dahil sa pagaalala at pagkataranta, pero napapangiti na lang ako dahil parang normal na lang yun sakin. Ilang minuto nga lang ay nakita ko na si Mom at Dad na nagmamadaling pumasok sa kwarto ko, habang naka sunod si manang at si Carl.

"Baby sabihin mo samin kung saan masakit please …" umiiyak na sabi ni Mom habang hinahagod yung likod ko. Si yaya Lina naman ay may hawak ng isang basong tubig at si Dad na inaalalayan akong umupo at sinasabayan sa pag-inhale exhale ko.

Gusto kong matawa dahil sa mga itsura nila, kaya lang alam kong hindi ito ang oras para makipaglokohan sa kanila.

Nung maging okay naman na yung pakiramdam ko ay dumistansya na rin sila. Lumabas na si yaya Lina samantalang hinalikan naman ako ni Dad sa noo at si Mom na niyakap na naman ako ng mahigpit at saka na nagpaalam na lalabas na muna sila para makapag ayos na rin ng sarili nila dahil may mga kanya kanya pa silang trabaho.

Si Carl ito, nandito pa rin sa kwarto ko at mukhang wala atang balak na umalis sa kinatatayuan niya.

"Wala ka bang balak na umupo?" tanong ko sa kanya. Natauhan naman na siya kaya naglakad na siya papunta sa tabi ko ulit at saka umupo dun.

"How are you?…" kinakabahang sabi niya, na para bang ingat na ingat siya na hawakan ako dahil sa takot na baka bigla na lang akong mabasag at hindi na niya muli pang mabuo.

Silly me, pano nga ba buohin yung mga bagay na nabasag na?. Siguro pwede mo pa 'tong idikit, pero makikita mo pa rin yung lamat niya. Pwede mo rin 'tong gawan ng replika pero iba pa rin pag original talaga yung gawa.

"Ano ka ba, malamang ayos lang ako noh'…"

Ginulo na lang niya yung buhok ko at saka hindi na lang nagsalita pa. Nakakatawa kung pano niya nagagawa yung mga bagay na dati rin niyang nakasanayang gawin sakin.

How I wish na kaya kong ibalik yung oras at panahon. Yung okay pa ang lahat. Okay pa ko, at okay pa yung samahan naming dalawa…

TREE OF INFINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon