Wala ng mas sasakit pa sa panoorin ang babaeng mahal mo habang nakahiga sa stretcher at tinutulak ng mga nurse at doctor. Nagtatakbuhan sila at pawang mga natataranta, hawak hawak ko ang kamay niya at hindi alam ang aking gagawin. Nalilito, natataranta, pero narun ang kaba, kaya maging yung puso ko ay walang humpay sa pagtibok ng mabilis.
Dinala agad siya sa emergency room, para subukang irevive ang katawan niya, gusto ko pa sanang pumasok pero hinarangan na nila agad ako. Kaya wala sa sariling napaupo na lang ako sa upuan sa labas nung kwartong yun. Nababalisa at nanginginig man ang mga kamay ko ay pinilit ko pa ring dinukot ang cellphone ko sa bulsa ko at tinawagan ang mga magulang niya.
"T-tita... si Trin p-po..." utal na sabi ko habang pilit na pinapanipis ang mga hikbi ko.
"Oh, iho asan na kayo?...Anong nangyari kay Trin?, pabalik na ba kayo?" dinig pa rin ang tugtug sa kabilang linya kaya marahil ay nasa kina Tinay pa din sila.
"Tita...nasa hospital na po k-kami... Tita kailangan niyo na pong magmadali papunta dito. Kailangan po kayo ni Trin, please pakibilisan lang po..."
"Huh, ano bang sinasabi mong nasa hospital na kayo, diba sabi kong sabay sabay na tayong pupunta diyaan, saka anong kailangan kami ni Trin?...may nangyari ba ha Carl?.." bakas ang kaba niya kaya mas napatungo naman ako.
"May nangyari pong kasama kay Trin t-tita,.. So please pumunta na po kaagad kayo dito bago pa mahuli ang lahat." nakarinig na lamang ako ng pagkabasag mula sa linya niya, at kasabay nun ay ang pagsisigawan at pagkataranta ng ilang mga pamilyar na boses pa mula dun. Hindi na sila muli pang sumagot at saka tuluyang naputol ang linya.
Naisabunot ko na lamang ang kaliwang kamay ko sa buhok ko, habang ang isa naman ay nailamukos ko sa mukha ko. Nakayuko ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko pero hindi ko mapatigil ang luha ko. Gusto kong magwala, gusto kong saktan ang sarili ko pero hindi ko magawa, masyado ng ubos ang lakas ko para pakealaman pa ang sarili ko.
"Carl asan ang anak ko?.. Asan si Trin, sabihin mo asan siya, diba okay lang siya..? asan siya?" hindi ka na namalayang nakarating na pala sila sa harap ko kaya matamlay kong iniangat muli ang ulo ko at saka ko sila isa isang tinignan. Bakas sa mga mukha nila ang pagaalala, habang si tita ay umiiyak na din, kaya si tito ay nakaalalay na lamang sa kanya. Si yaya Lina naman at si Tinay ay kapwa nanggigilid ang mga luha sa mga mata.
"Carl s-sabihin mo, okay lang naman siya diba.. Sabihin mong hindi totoo ang i-iniisip ko.."
"Si Trin n-nasa emergency room po siya...bigla na lang siyang nawalan ng malay kanina, kaya n-nagmadali na po akong dalhin siya dito," tuluyan ng nanghina si tita at napaupo na lamang sa sahig ng hospital. Si tito naman ay napahawak sa sentido niya at ng bumaling sa pader ay saka niya yun sinuntok ng paulit ulit. Kitang kita ang galit niya, bakas na bakas ang kaba niya.
Parepareho kaming natahimik at kapwa may malalalim na iniisip. Habang ako ay tulala naman nakatingin sa kamay kong kanina lang ay nakahawak din sa kamay niya. Ilang sandali pa ay may dalawang nurse ang nagmamadaling pumasok sa loob ng kwarto kaya nagkatinginan kaming lahat, at saka nagsitayuan at lumapit sa bintanang nasa gilid lamang nun. At doon nakita namin kung paanong unti unting maging patak ang linyang nagpapatunay na buhay pa siya.
"Trin, anak l-lumaban ka...n-nandito na si mommy hindi na kita i-iiwan...please baby lumaban ka!!" humahagulgul na sigaw ni tita na pilit na kinakatok ang bintanang yun, narun ang pagasang maririnig siya ni Trin.
"Clear!!...1, 2, 3, clear...!" sigaw din ng doktor mula sa loob ng kwarto habang sinusubukang irevive siya. Kita naming lahat ang pagtaas, at pagbaba ng katawan ni Trin, pero wala na siyang naging response, paulit ulit pa yung ginawa pero kalaunan ay bagsak ang mga balikat ng doktor at ng nurse na bumaling ng tingin sa amin.
Napaupo na lamang ako sa lapag at hindi na ininda ang mga matang nakamasid pa sakin.Lumabas naman ang doctor sa mula sa kwartong yun at malungkot na hinarap kaming lahat. Pilit siyang ngumiti, pero kitang kita mo ang awa mula sa kanyang mga mata.
"I'm so sorry Mr. and Mrs. Salazar, but we did our best, sadyang hindi na lang talaga kinaya ng katawan niya. Nakikiramay po kami sa inyo."
"Hindi,.. Ano bang sinasabi mo doc h-hahaha hindi pa po siya patay kaya anong s-sinasabi mong nakikiramay ka, hahaha wala pong namatay.." pilit na pinapasaya ang boses na sabi ni tita habang tinatapik tapik pa ang balikat ni doc Daniel.
Napayuko na lamang ang doktor at saka ipinagpaalam ang sarili't saka tuluyan ng umalis. Kami naman ay mga bagsak ang balikat na pumasok sa silid na yun ng mga kapwa lumuluha.
"Anak, Trin t-tara uuwi na tayo, b-baby bangon ka na dyan, dun ka na sa bahay, iuuwi ka na namin ng daddy mo...anak halika na..." lumapit si tita kay Trin saka pilit na inaalog ito, baka sakaling magising pa 'to at sasabihing biro lang lahat.
Tulala akong pinapanood silang lahat na umiiyak sa harap ng kama niya, hindi ko magawang lumapit sa kanila, dahil natatakot akong baka hindi ko na kayanin at kusa na lang akong mabaliw at panawan din ng ulirat. 'Hindi ko matanggap... Hindi ko kailanman matatangap ang pangyayaring 'to... Kung paanong ang babaeng mahal ko ay namatay mismo sa mga bisig ko, habang hawak ko ang kamay niya...'
"Trin, bes g-gising ka na naman oh', diba nga hindi ko pa nabubuksan yung regalo mo sakin?, s-sige ka ngayon ko na yun bubuksan, h-haha.." umiiyak din si Tinay habang pilit ding ginugulo ang buhok ni Trin.
K-kasalanan ko 'to... Ako ang may kasalanan kung bakit siya humantong sa ganito. Kung hindi ko lang sana siya pinilit na sinama pa dun siguro ay hangang ngayon naandun pa rin kami kila Tinay at magkasabay na nanonood ng mga bituin sa langit, o kung hindi ay baka nandito na din kami sa hospital pero sa nakasanayang kwarto niya namamalagi ngayon.
'Kung hindi lang ako nagpumilit...hindi ka pa sana sakin inagaw ng langit...'
BINABASA MO ANG
TREE OF INFINITY
Short StoryAng punong pinagmulan ng pagkakaibigan ng dalawang taong nasa magkaibang kalagayan. Tunghayan ang maikling kwento kung pano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan na nauwi sa masaklap na paalaman.