CHAPTER ONE

7 1 0
                                    


"SINGLE IS NOT JUST A STATUS. IT'S A WORD THAT DESCRIBES A PERSON STRONG ENOUGH TO ENJOY LIFE WITHOUT DEPENDING ON OTHERS."

MULING PAG KIKITA

ADEL SANTOS POV

Galing ako sa kaibigan ko na si Janella Castor, pumunta ako sa trabaho nya para mangamusta, nag bonding na din kami, sa trabaho nya pwedeng uminom kaya napainom ako, 3am na ako nakasakay ng jeep galing sa trabaho ni janella


biglang huminto yung jeep na sinasakyan ko kasi may sasakay, nakilala ko yung sasakay, crush ko dati na si Rhay Bautista, nag kakatext na kami dati kaya mag kakilala na kami, papansinin ko kaya, baka hindi na nya ako kilala

"uyy ikaw pala, kamusta na"sabi ni rhay

ayy taray nakilala ako hehehe

"ito okay lang, ikaw?"

"okay lang din, nakapag bayad kana ba" pag tatanong nya

"oo, nakapag bayad na ako"

"nga pala gusto kong mag sorry yung sa nangyari satin dati" pag babanggit nya

ang totoo kasi ex ko sya 3years ago, hindi din naman kami nag tagal kasi may girlfriend pala sya, at nahuli kami, kaya ako nalang ang lumayo at blinock sya para mawalan kami ng communication

"wala na yun, ano ka ba" sabay ngiti ko sakanya, para sakin kasi balewala na yun kasi may boyfriend din ako that time

"nga pala nakablock ako sayo nuh, kasi sinisearch kita sa facebook pero hindi kita masearch" nakangiti sya habang sinasabi nya iyon

"hindi ahh hahaha" nakangiting pag tanggi ko

"gusto ko talagang mag sorry sayo nun, kasi ganun nga nangyare satin hays" parang nakokonsensyang sabi nya

"wala na talaga yun, okay na yun hehehe"

pumara na sya sa jeep, habang pababa sya

"unblock muna ako ahh" sabi nya

"sige, search mo nalang ako ulit"

ilang saglit lang, bumaba na din ako ng jeep at nag lakad na pauwi

pag kauwi ko, tulog na ang papa at kapatid kong bunso, pag kapasok ko sa kwarto ko, binuksan ko agad yung facebook ko, at inunblock ko sya

ayy taray naka friend request agad, shempre inaccept ko agad, at nag kachat kami, hanggang sa nakatulugan ko na




YOU'RE NOTHINGWhere stories live. Discover now