Chapter 11

2 0 0
                                    

KEA'S POV

Today is the daaaaaay ang Welcome Program, sobrang daming students ngayon na busy sa kanya kanyang booths ang president ng section namin ang umaasikaso sa booth namin may nakita naman akong booth na nagtitinda ng mga banner para mamaya sa dance at singing contest ang karamihan naman ay pagkain ang tinda. Ang Student Council naman ay busy sa pag aayos ng stage mamayang 5 pa naman ang simula ng program at 1 pa lang naman. Dahil hindi pa ako kumakain ay sa mga booth na lang ako bumili ng makakain ko,bumili ako ng banana shake,takoyaki,spicy buffalo wings tsaka fried noodles. Sa garden na lang ako kakain para tahimik at walang tao.

Naglatag ako ng blanket sa tabi ng puno na tinatambayan ko at nagsimula na akong kumain.

"Can i join you?" Bigla naman akong nabulunan sa gulat walangya naman oh,nakita ko namang upo si Thunder sa tabi ko, di pa rin ako matigil sa pag ubo kaya naman halos maubos ko na yung banana shake na binili ko narinig ko pang natawa si Thunder sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Anong ginagawa mo dito? Di ba kayo magpapractice?" Tinuloy ko na lang yung pagkain ko at hindi sya tinignan.

"Kakatapos lang namin magpractice, i just want to relax i'm a bit tired" mahinang sabi nito at kumain na din sya ng dala nyang pagkain tumango tango naman ako.

"Good luck nga pala sa inyo" tumingin ako sa kanya at nginitian bigla naman syang natawa kunot noo ko naman syang tinignan.

"Ang dungis mo kumain"natatawang sabi nito sabay pahid ng hinlalaki nya malapit sa labi ko ramdam ko naman ang pamumula ng muka ko napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya at medyo lumayo nakakahiya ka Keaaa.

"Manunuod ka ba mamaya?" Tanong nito tinignan ko naman sya at nagulat ako dahil nakatitig pala ito sa akin kaya nag iwas ako agad ng tingin.

"Oo naman wala din naman akong gagawin eh" totoo naman yun wala naman talaga akong gagawin,tahimik na ulit kaming kumakain inalok ko naman sya ng buffalo wings kumuha naman sya ng isa nakakafalawang kagat pa lang ako pero sobrang anghang na ininom ko na yung natitira kong banana shake pero di pa rin nawawala yung anghang ramdam kong ang pula na ng muka at labi ko pinagpapawisan na din ako shit naman bakit sobrang anghang naman nito halos lahat ata ng sili at kung ano mang pampaanghang ay hinalo nila dito.

"Hey are you ok?" Nag aalalang tanong ni Thunder natataranta na kasi ako sa sobrang anghang,inabutan nya naman ako ng tubig at chocolate tinanggap ko naman mag iinarte pa ba ako eh halos humagulgol na ako sa sobrang anghang.

"Thank you" nahihiyang sabi ko sa kanya pinunasan ko naman yung luha at pawis ko.

"Next time don't eat spicy foods kung di mo kaya ang anghang" sabay gulo ng buhok ko inirapan ko naman sya,malay ko bang super duper spicy pala flavor nun.

Niligpit ko na yung pinagkainan ko at tinapon sa malapit na basurahan. Nagulat naman ako ng bigla akong hinatak ni Thunder paalis sa garden.

"Hey wait baka madapa ako ang bilis mo maglakad" sigaw ko sa kanya medyo binagalan nya naman ang lakad nya.

"Sorry"bulong nito pero narinig ko naman,nakarating na kami sa parking ng school ng hindi ko namamalayan pano kasi ang bilis nya magkalad.

"Here wear this" sabay bigay nya sakin nung helmet.

"Ha? Bakit? Where are we going?"sunod sunod na tanong ko sa kanya,sya na lang ang nagsuot ng helmet sa akin at sinuot nya na din ang kanya.

"Get in or baka gusto mong ako pa magsakay sayo" nakasmirk na sabi nito kaya naman sumakay na ako,biglang pinaharurot yung motor kaya naman napahigpit ang kapit ko sa kanya.

Mabilis kaming nakarating sa downtown,ano naman kaya ang gagawin namin dito?

"Let's go" sabi nito ng maayos nya ang ang mga helmet nya,sumunod na lang ako sa kanya.

Di ba si Thunder yun?

Oo sis ang pogi nya talaga

Bakit may kasamang girl si Thunder

Baka girlfriend nya

Siguro nga bagay naman sila eh

Or baka naman lumalandi lang kay papa Thunder

Ang lakas lumandi hindi naman kagandahan

Pagkarinig ko nun ay medyo lumayo ako kay Thunder,ayoko ng gulo at bakit ba napaka judgemental nila. Napansin yata ni Thunder na lumayo ako sa kanya,nagular na lang ako ng hinawakan nya yung kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Nagulat naman ako sa ginawa nya.

"What are you doing? Baka awayin ako ng mga fan girls mo" pinipilit kong alisin yung kamay ko sa pagkakahawak nya pero mas lalo lang nyang hinihigpitan.

"Tss.. don't mind them as if naman na may magagawa sila"sabi nito ng hindi ako nililingon kaya hinayaan ko na lang sya,holding hands while walking tuloy ang peg naming dalawa.

Pumunta kami sa isang clothing shop,magshoshopping siguro sya baka naman balak nya kong gawing alalay or taga bitbit nya aba no way.

"Wait me here" sabi nito at binitawan na ang kamay ko, thank god makakahinga na ako ng maayos. Nagtingin tingin na lang ako ng mga damit para naman di ako mabored sa paghihintay.

Namili lang ako ng dalawang jogger pants,isang oversized shirt,dalawang crop top at dalawang tshirt. Pumunta ako sa fitting room para sukatin lahat ng napili ko. Nagulat ako ng makitang naghihintay si Thunder sa tapat ng fitting room.

"A-ano t-tapos ka na ba? Sorry kung naghintay ka"nakayukong sabi ko pake nyo ba nahihiya ako eh.

"No it's ok,let's go" sabi nito at nauna ng naglakad kaya sumunod na lang ako.

Pagkatapos naming magshopping ay kumain lang kami ng ice cream at bumalik na din sa school. Pagdating namin sa school ay dumaan muna ako sa booth namin.

"Kamusta naman Ms. President kaya pa ba ng powers mo?" Natatawang tanong ko sa kanya na medyo busy.

"Kaya pa naman medyo busy lang dadating na din naman sila Apple dito mamaya" napatango tango na lang.

"Una na ko Ms. President haha more customers to come" tinawanan nya naman ang sinabi ko at nagbabye na din sya. Pumunta muna ako sa dorm para iuwi yung mga damit na binili ko. Nagshower lang ako at umidlip saglit 3:00 pa lang naman may time pa para matulog bago magsimula ang program.

💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜

Share.Vote.Comment

I'm Accidentally Inlove with you (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon