Chapter 5
Dear Ciel
The night after having that conversation with Ciel. He chatted me. Humingi siya ng soft copy noong reviewer na pinrint ko para sa kanya dahil hindi daw naibalik ni Nika sa kanya yung mismong reviewer, naiuwi niya daw iyon kaya pictures na lang daw ng reviewer ang sinend ni Nika sa kanya.
And that became a habit of Ciel. You know, chatting me. Ako lagi tinatanong niya kung may assignment, may quiz, or activity because he was too lazy to pay attention to the class and to read the group chat.
And as I talk to him, questions after questions, I’m beginning to accept the fact that I am actually getting into him. Pero hindi naman ako umaasa, just him being nice to me is enough. Kuntento na ako doon. At least I know that there is someone out there who treats me as friend without having a hidden agenda.
“Ate, magkano ‘to?” Tanong sa akin ni ateng MedTech student habang nakaturo doon sa isang cup ba merong sweet and sour pork.
“35 pesos po.” I smiled. It’s our Entrep day today kaya nandito kami ngayon sa labas ng APS building at kaniya-kaniyang pwesto ang mga tables namin. Our section decided to cook different meals that are made out of pork. Nakapwesto kami ngayon dito sa may harap ng mga kulay green na gazebo.
There are alot of students in the area. Some are highschools, some are seniors, and some are colleges.
“Okay, I’ll have this and… this one.” She pointed at the adobo with pineapple tidbits.
I smiled and nodded before giving her order. Sinuklian ko rin ang pera niyang one hundred. Ang kasama kong nagtitinda ngayon dito sa booth ay iyong rank 2 and 3 ng klase. I’m the rank 1. Iyong iba naman naming kaklase ay naka assign sa mga drinks at iyong iba ay taga-salin ng mga dishes sa cup kapag may nabe-benta.
Medyo parami nang parami ang mga bumili sa amin since vacant na yata ng mga ibang college students. I even saw some aeronautical students. Bigla kong naalala si Ciel. It was his dream to be a pilot someday, ang gusto nga daw niyang kuning kurso bago siya pumasok sa flight school ay ang aero.
Last night, he asked me through messenger kung ano ang gagawin ngayon. Nang sabihin kong Entrep day ngayon ay sinabi niyang hindi na lang siya papasok, wala naman daw palang gagawin.
Mukhang nasabihan na nga niya si Cyprian dahil parehas silang wala ngayon. Iyong mga iba lang nilang kaibigan ang pumasok, sina Adam, Logan, at sina Nika. Pumasok nga sila pero wala naman silang ginagawa. Nakaupo lang sila sa may gazebo at nagtatawanan.
“Mona!” My head automatically tilted when I heard someone called me. Nakita ko si Gemma na papasok pa lang, nakasuot pa ang backpack niya at may hawak siyang isang malaking paperbag.
Her friends came rushing towards me as well the moment they saw Gemma. Maging sina Adam at Logan ay lumapit pa.
“Dala mo?” Nika asked Gemma as she eyed the paperbag.
Gemma grinned, raising the paperbag. “Of course!” Aniya at binalingan ako nang tingin.
Todo ngisi niyang iniabot sa akin ang paperbag. “Isuot mo na.” aniya at narinig ko naman ang mahinang paghagikgik nila Nika.
I looked at her quizzically. “A-Ano ‘yan?”
“Ikaw!” Aniya na mas lalong ikinalakas ng tawa nila Courtney at mas lalo namang ikinakunot ng noo ko.
“Joke! It’s a costume. Tingnan mo.” Aniya at mas dinuldol pa sa akin ang paperbag. I was really curious kaya kinuha ko na iyon.
Nang silipin ko iyon ay nakita ko ang isang color pink na baboy, isa itong malaking head accessory.

BINABASA MO ANG
To Fall And Conquer (It Girls Series #2)
RomansaMona Lisa Clavel is a beautiful, smart, regal, and classy surgeon with a body that can pass to be one of those superstar models. A lot of women would kill to be in this it girl's place... but despite all the perfection hugging every feature of her p...